Chapter 26

0 0 0
                                    

ATHENA's POV

"Tignan mo 'tong kapatid mo, hindi ko maintindihan kung anong nakain niya't kung makaasta ay akala mo siya ang kaibigan," pabulong na sabi ni Naiyah sa akin. Napangisi naman ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagegets ni Naiyah kung bakit gano'n umasta si Sofia. 

"Tumingin ka kay Eric at maiintindihan mo," utos ko at ginawa naman niya.

"Anong meron do'n? Nagseselos ba 'yun?" pabulong na tanong ulit niya. Kibit-balikat lang isinagot ko, ayaw kong magsalita ng tapos dahil baka nagkakamali ako. Kung ano man ang naiisip niya at naiisip ko, maaaring mali kami. Pero tama siya, mukha ngang effective ang plano ni Sofia at nagseselos ang mokong na si Eric.

I'm already having a good time dahil hindi nangungulit sa akin si Saiden ngayon pero, mukhang na-jinx ata ako at narito siya ngayon sa harap namin. "Athena, can I talk to you?" singit ni Saiden. I sent Naiyah a help-me-look pero mukhang na-misinterpret niya ako at sinenyasang umalis na. 

Naiyah! Tandaan mo 'tong araw na 'to. Babawi ako sayo. Humihingi ako ng tulong pero hinulog mo lang ako lalo sa bangin. Matitikman mo ang ganti ng isang api!

Kahit pa medyo nag-aalinlangan, sumama pa rin ako kahit alam kong hindi maganda ang patutunguhan nito. Ilang minuto pa kaming naglakad lakad bago kami makarating sa park.

"Malapit na magsummer, anong balak mo? May plans ka ba?" tanong niya sa akin. Pareho kaming umupo sa swing at dahan dahan na nagswing para damahin ang hangin.

"Plans? Wala naman, sa bahay lang. Ikaw ba?" sagot ko. Why do I have a bad feeling about his question?

"Plano ko sanang magbakasyon kasama ka, pupuntahan natin lahat ng p'wedeng puntahan dito sa planetang 'to," sabi niya saka tumingin sa kawalan. Kung hindi lang ako Gallant, sasama ako sa'yo kahit sa kamatayan. 

"Grabe naman 'yung kayamanan mo, buong planeta talaga?" pabirong tanong ko saka sabay kaming tumawa.

"Gagawin ko ang lahat para sayo, gusto ko kasi talaga na makasama ka," nakangiting sambit niya saka lumingon sa akin at nagkatitigan kami. He's sweet but our situation is bitter. Bakit ba kasi hindi kita nakilala noong una pa lang? Bakit ngayon pang nakaposas na ako sa pangarap ko? Bakit ba kasi hindi tayo p'wede?

Minsan naguguluhan na ako sa kaniya, ang sweet sweet niya sa akin at nagpapakita siya ng motibo pero hindi naman niya sinasabi ng diretsahan sa akin na gusto niya ako. Hindi niya sinasabi sa akin yung nararamdaman niya. Para lang kaming nagtatagu-taguan. 

Nakakainis kasi para akong bulag na naghahanap ng sagot sa katanungan na kung gusto niya ba talaga ako o baka naman pinaglalaruan niya lang ako, knowing na Gallant ako, hindi imposibleng tinetest niya lang ako. 

Nakakainis kasi mas lalo akong nahuhulog sa matatamis niyang mga salita kahit alam ko naman na bawal at wala akong kasiguraduhan kung may katotohanan ba ang mga sinasabi niya.

"Tara na, balik na tayo, baka hinahanap na nila tayo." pagpapalusot ko. Tumayo na ako at aalis na sana nang bigla niyang higitin ang kamay ko para pigilan ako.

Halata sa mukha niya ang pagkagulat nang makita niya ang mga luha ko.

"W-why are you crying? May nasabi ba akong mali?" nag-aalalang tanong niya ngunit iling lang ang tinugon ko. I can't burst out again. Hindi p'wede dahil baka kung ano pang masabi ko.

"Ako? Umiiyak? Haha, napuwing lang ako, ang dami kasing buhangin dito." pagpapalusot ko saka tinanggal ang pagkakapit niya sa braso ko at paalis na sana ako nang higitin niya muli ang braso ko.

"Sasama ka ba sa akin?" tanong niya. Napapikit ako nang madiin at dahil sa inis ay tuluyan nang nagsibagsakan ang mga luha ko. Bwisit! Mga traydor 'tong mga luha ko, hindi maaasahan. ngayon pa talaga nagsilabasan.

Break Your Rules (Universe Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon