Chapter 19

3 0 0
                                    

NAIYAH's POV

Lunes na ngayon at dalawang araw na ang nakalipas mula noong insidenteng nangyari sa party ng kuya ni Hans. Mula rin noon, hindi pa bumabalik si Athena dito sa dorm hanggang ngayon. Totoo naman yung sinabi niya pero... masakit e. Sa kaniya pa talaga nanggaling yung mga salitang yun.

"Hey, are you still thinking about what happened between you and Athena?" tanong ni Jacob. Oo, magkasama kami ngayon dito sa garden, nandito kami ngayon dahil breaktime naman, ang iba ay nasa canteen at kaming dalawa lang ang nandito ngayon.

"Wag mo nga akong ma-english english dyan, ilang araw mo yang prinaktis huh?" pangaasar ko.

"Mga isang taon," sagot niya saka kami sabay na tumawa.

"Nakakatampo siya pero kailangan kong intindihin kasi mali din yung sinabi ko. Well, pareho kaming mali kaya ok lang," malungkot kong tugon sa tanong nya kanina. Inakbayan nya ako at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Tell me what happened, of course kung ok lang sayo,"

"Sinusubukan ko kasi siyang pakalmahin that time, sabi ko 'wag na siyang magalit kasi nasigawan na din niya si Saiden, who is trying to help her calm down. Tapos sabi ko wala namang nangyari then nagalit siya. I know my choice of words are wrong, pero and ibig ko lang sabihin is we should be glad because nothing worse happened because we arrived on time." paliwanag ko.

"Maybe she didn't take it in well, lalo na't galit siya because of what happened to her sister." tugon niya at tumango naman ako. "What did she say to you then?" tanong niya.

"Kailangan pa daw bang may mangyari bago siya magalit, then she said palibhasa daw ay wala na akong kapatid." malungkot kong sabi.

"Na?" he asked, hinawakan niya ang baba ko at iniharap niya ang mukha ko sa kaniya.

"I used to have a younger sister too, step-sister, pero naghiwalay na si Papa at yung step-mom ko, whom I treated like my real mom."

"I'm sorry to hear that. But I assure you, magiging okay din ang lahat, 'wag mo na lang masyadong isipin kasi sure akong 'di aabot 'tong away niyo next week." he said and smiled. Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin kaya naman iniangat ko din ang ulo ko para makita yung kabuuan ng mukha niya. This man is too precious to me. I'm starting to doubt myself if I should still pursue being a Gallant. Who am I kidding? Wala naman akong choice kundi ang ituloy 'to.

Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniyang labi ay napangisi siya at unti unting nilapit ang mukha niya sa akin. Wait, mali 'to e.

Magdidikit na sana ang mga labi namin ngunit umatras ako at tumingin na lang bigla sa kawalan at umaktong parang walang nangyari. Tumalikod din ako sa kaniya para hindi niya makita yung mukha kong pulang pula. Grabe! Baliw ka na ba, Naiyah? Bakit ka kinikilig? Itago mo yan, alam mong hindi pwede 'to. 

"Pre! Magta-time na, 'di ka pa babalik sa klase?" biglang tanong ni Hans, kasama niya sina Hany at Saiden. And as usual, nowhere to be found na naman si Kevin. Teka, Kailan pa sila nakarating dito?! Nakita ba nila ba kami na... na...

"Oh, una na kami. I'll see you around," paalam ni Jacob. Hindi ko maitatangging peke yung ngiti niya, ang pure kasi at halata yung saya. His lips looks so pretty especially when he smiles. May parte tuloy sa akin na nagsisisi dahil hindi natuloy yung kanina.

"A-ah sige lang," utal kong sagot, bakit ba kasi ako kinakabahan?

"Hindi na normal yan ah?" tanong ni Eric na dahilan ng pagkunot ng noo ko na tila ba nagtatanong.

"Ang alin?" tanong ko pabalik.

"Dinig na dinig ko yung kabog ng puso mo, dalhin na kaya kita sa doktor?" sarkastiko pero nakangiting sabi ni Eric. Hindi sya magagalit? O maiinis man lang? Pare-pareho kaming fighter but look, pareho kami ni Athena na humaharot. Mas lalo tuloy akong nagtaka. And speaking of Athena, I'll talk to her later, I feel bored and sick without her. I need my happy pill.

Break Your Rules (Universe Series #1)Where stories live. Discover now