Chapter 20

0 0 0
                                    

SOFIA's POV

Anong ginagawa nila dito?! Ang haggard ko oh! Hindi ako nakaayos tapos naka-pyjama pa ako, hayst! Hindi pa ako naliligo dahil kakababa lang ng lagnat ko, what if maamoy ako ni Eric na mabaho? Minus ganda points ako nito!

"A-anong ginagawa niyo d-dito?" utal kong tanong. Gabi na pero ang gwapo pa din nya, parang nahihiya atang lumapit yung haggard sa kaniya, fresh na fresh pa din, akala mo walang dumi sa katawan.

"Okay ka na ba? Nalaman ko kay tita na nilagnat ka daw mula nung party," nagaalalang tanong ni ate Naiyah.

"Okay na okay na ako," I smiled awkwardly. Umupo si ate Naiyah sa tabi ko at si Eric naman ay nakatayo sa harap ko, nakasandal sa pader at nakatitig.

"Naiyah! Tara dito dali!" excited na tawag ni ate kay ate Naiyah mula sa kabilang kwarto. Agad pumunta doon si ate Naiyah at dinig na dinig ang pagtawa nila. 

It's good to know na okay na ulit sila. Sinasabi ko na nga ba't hindi magtatagal ang away nila e. Naiwan naman kami ni Eric ditong tahimik. Hindi ako nagsasalita dahil hindi ko alam ang sasabihin, at hindi ko rin siya pwedeng pagsalitain dahil sa oras na buksan niya ang bibig niya, alam kong mahuhulog na naman ako sa boses niya. Kidding not kidding.

"Ilang linggo na lang ang natitira bago ka pumili, alam mo na ba yung gusto mo?" pagbabasag niya sa katahimikan.

"Hindi pa nga e, nagdadalawang isip pa ako, gusto kong magfighter kasi masaya ako doon pero mas masaya kung malaya ka na ibigin yung mahal mo diba?" mahabang sabi ko.

"Wow, ibigin, big word. Lumalaki ka na talaga Sofia," asar niya. Bakit kung maka-asta siya ay akala mo naman sampung taon ang pagitan namin? Isa't kalahating taon lang naman ang tanda niya sa akin.

"Excuse me, isang taon lang ang tanda niyo sa amin ni Cza. Lolo ka na ba?" asar ko pabalik. 

"May iniibig ka na ba?" he asked seriously in a low tone. I was taken aback and don't know how to respond. Agad naman akong kinabahan at nagdalawang isip kung aamin na ba ako o hindi.

"M-meron, matagal na. Ikaw," I said it! I finally said it! AAAAAAA. Pakibaon ako sa lupa, please!

"Sofia, hindi tayo pwede," mahina at malungkot na sabi nya. Ouch, that hurts, it feels like my heart was teared into pieces. 

"H-huh? Sinasabi mo? I mean ikaw ba? Meron ka na bang gusto? A-assuming ka ah? Haha," utal kong pagpapalusot. I can't lose, I have to find a way out. Awkward na kami at hindi ko na gugustuhin pang palalain ang sitwasyon. At this point, baka hindi na kami makapag-usap nito.

"Sorry naman, ayusin mo kasi," he smiled awkwardly. His smile..... is my favorite smile.

"Eh ikaw ba? May nagugustuhan ka na rin ba?" I asked again. Desperado akong malaman kung sino 'yung babaeng nakakuha ng atensyon niya. Nandito lang ako sa tabi niya mula nung maliliit pa lang kami, I wanna know who is this lucky person at kung anong mayroon siya na wala ako.

"Oy! Oy! Oy! Tara na, aalis na tayo," tawag ni ate Naiyah kay Eric pagkabukas nila ng pinto. Lumapit sa akin si ate at hinalikan ako sa noo. 

"Bye, sis, I love you always," paalam niya saka sila lumabas na ni ate Naiyah. Lalabas na din sana si Eric pero tinawag ko sya.

"Eric... meron nga ba?" mahina at malungkot na tanong ko.

"Meron," he said and closed the door. Ouch, double kill. After this, will I be okay?

ATHENA's POV

"Naiyah! Tara dito dali!" tawag ko kay Naiyah na nasa kabilang kwarto lang. Pumunta naman siya agad dito.

Break Your Rules (Universe Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt