Chapter 10

2 0 0
                                    

ATHENA's POV 

Ilang linggo na ang nakalipas at unti-unti na kaming nasasanay sa buhay dito sa Academy. Matagal na din kaming hindi nakakalabas ng campus dahil sa sobrang busy namin. Nitong mga nakaraang araw ay sagad na sagad ang pagod namin dahil ang lesson namin ay survival, by saying survival, I don't mean like quizzes, exams, and lectures. What I mean is we had to be in a forest for a week to learn what survival really means. We had to make our own weapons, find our own food, and make our own shelter.

"Waaaah! Salamat, weekend na!" sigaw ni Naiyah pagkapasok namin sa loob ng dorm. Dumiretso siya sa kaniyang higaan at ibinagsak ang katawan niya dito.

Umupo rin ako sa kama ko at binaba ang bag ko, nang matanggal ko na ang sapatos ko ay ginamot ang mga sugat na natamo ko sa gubat. Habang binabalutan ko ng bandage ang kamay ko ay biglang nagring ang phone ko.

"Hello?"

"Ate! Mall tayo bukas, please! Miss ka na namin ni Cza, wala naman kayong training bukas diba?" dinig kong bungad sa akin ni Sofia mula sa kabilang linya.

"Bukas? May lakad ako bukas, puwede next time na lang?" tanggi ko. Bakit naman sabay sila kung mag-aya? May lakad pa kami bukas ni Saiden, ayaw ko namang tanggihan siya dahil nakakahiya na. Noong nakaraang sabado pa siya nag-aaya pero tinatanggihan ko dahil nga busy kami sa training.

"Sige ate, salamat na lang," dinig kong sabi nito, halata sa boses niya ang lungkot at pagtatampo, I sighed.

"Oh sige na nga, anong oras niyo ba gusto? Hindi tayo puwedeng magpagabi ha?"

"Talaga? Payag ka?" excited na tanong nito. Puwede bang manapak sa telepono?

"Eh mapilit ka e, matitiis ba kita?" I said, accepting my defeat.

"Sige ate, mga tanghali na lang. Bye bye, I love you," paalam nito at saka binaba ang tawag. Bastos na bata, hindi man lang ako hinintay na makapagsalita. Kung hindi ko siguro 'to kapatid, baka binagsakan ko na 'to ng dinamita.

Inihagis ko ang cellphone ko sa kama at binagsak ang katawan rito. Pumikit ako at huminga ng malalim, dinadama ang lambot ng kama sa aking likod.

"Uuwi tayo bukas ng umaga ah?" baling ko kay Naiyah. Napabalikwas naman siya ng bangon sa narinig.

"Bakit?! Saturday pa lang naman bukas, hindi ba pwedeng sa Sunday na lang? Kakakuwi pa lang natin oh," reklamo niya at pinadyak-padyak pa ang mga paa niya. Napaka-reklamador talaga nito, pero hindi ko naman siya masisisi dahil intense ang mga nangyari ngayong week na 'to, sagad na sagad din ang pagod.

"Sisihin mo sila Sofia, sila ang nag-aya e," sagot ko sa kaniya saka ipinikit ang aking mga mata para magpahinga.

"Pahinga na nga, naging bato pa. Alam mo, kung wala lang akong utang sa kanila, buburahin ko na talaga sila sa memorya ko," bumuntong hininga siya at saka muling ibinagsak ang katawan sa kama. Napangisi naman ako sa iniasta niya. Dahil gaya ko, hindi niya rin matiis ang dalawa, saka sabik na sabik na din kaming makauwi. We really miss their presence kahit gaano pa katigas ang ulo nila. Ang sweet kong big sissy 'no?

*****

Nagulat ako sa sunod sunod na tunog ng aking cellphone. Iminulat ko ang aking mga mata at tinignan ito. Napabalikwas ako nang sunod-sunod na tumunog ang mga alarm at reminders na sinet ko kahapon. Naalala ko na aalis kami ngayong araw kaya naman tinignan ko ang oras at nakita kong 9:00 am na at 11:00 ang usapan namin nila Sofia. Halos dalawang oras pa naman ang biyahe namin.

Dali-dali akong bumangon at ginising si Naiyah. "Hoy! Naiyah! Gising na! Alas-dyis na hoy! Aalis na tayo!" sigaw ko sabay tapik sa hita nito.

"Ano na naman kung alas-dyis na? Wala namang pasok," singhal nito at saka bumalik sa pagtulog.

Break Your Rules (Universe Series #1)Where stories live. Discover now