6. VI - Jhonny Bravo

1 0 0
                                    

Maginoo kang tignan sa nayon natin
Mga pokpok na babae ika'y lapitin
Matipunong lalaki kung iisipin
Kaso! Bakit? Naging Jhonny Bravo narin

Jhonny Bravo yan ang bansag ko sa iyo
Mga katangian na turan ko'y awit sa'yo
Kilos at porma mo'y tila isang yoyo
Gaya nang taong utak Bobo at toyo

Maganda nga ang hubog ng iyong braso
Pero ang utak tulad ng blankong baso
Maganda rin ang hugis yaring dibdib mo
Kumusta kaya ang hugis ng utak mo

Marahuyo kang ginoo sa lipunan
Kaya nga mapaniil ka't kalandian
Ibat - iba na ang babaeng natikman
Ang isa pa nga ay nagbanal banalan

Gwapong - gwapo na s'ya sa kanyang sarili
Sa mga 'di mabilang kinantot sa tabi
Sa taglay nang kanyang gaso na kadiri
Taas noong hagway habang s'ya ipakli

Pakiramdam n'ya nakaka-angat ito!
At sa tingin n'ya nakakalalaki to!
Ulol! Isa kang malaking salot dito
Na mapaniil sa mga taong narito

Buhat taborete ka sa kayabangan.
Malaking peste ka sa akin daanan.
Pag-ibig ko iyong pinakialaman
At ang kwento ko'y iyong sinisiraan.

Talaang TulaΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα