5. XIV - Landas

5 0 0
                                    

Taon na itong nakatago sa baul
Panahon din namalagi sa ataul
Dahil sa biglaan mo paglaho noon
Piniling magtago sa payapang kahon

Sa bawat paglubog yaring gintong araw
Ang pagtitig ko sa buwan tinatanglaw
Iniisip kung saan at kumusta ka
Gabing marami ako hinuhang "Baka?"

Nagkaruon nang babaeng kasintahan
Pag-ibig sa kanya 'di ko naramdaman
Ako ay ginamit at kanyang libangan
Lalapitan ka sa oras na kailangan

Pagkalungkot ang iniwan n'ya sa akin
Gamit martilyo dinurog ang damdamin
At napagtanto ko nasaan ang akin
Hinahangaan,  nagpasaya sa akin

Lumipas ang taon, marami nagbago.
Natuntun ka't marami sa'yo nagbago
Hindi ko tinangka na kumustahin ka
Bagkus pinili kong palihim sundan ka

Muli lumipas naman ang tatlong taon
Ako'y na gimbal sa liham nakatuon
Ang taong akin hinahangaan noon
At sa akin ay nagparamdam s'ya ngayon

Dugo na buhayan, pag-ibig sumaya
Pakiramdam ko ay parang nakalaya
Sa hawla at nakalipad ng malaya
Dahil sa Romantiko na dulot niya

Ngayon tuloy parin ang amin landian
Umaasang may magandang kahinatnan
Ang mga romantikong linyang n'yang kadipan
Ang araw - araw ko na kinabaliwan

Ito ang landas na akin tatahakin
Sa dulo ng daan kita hihintayin
Ganyan ang paraan ng akin damdamin
Ang pagsisilbihan ka at mamahalin

Talaang TulaWhere stories live. Discover now