5. XVI - Sa Payo ni Arvie

2 0 0
                                    

Batid ko ang tunay na dahilan
Ikaw ay natatakot na maiwan
Ngunit lagi mong itong tandaan
Hindi ka namin basta bibitawan

Alam ko na tatakot ka
Na lahat sila'y may makata
Makata na magpapaligaya
At sa kanila'y nagbibigay saya

Chin Halaw sa akin damdamin
Mga panulaan na lilimusin
Payo ko ay iyong sundin
Wag ka lang mag isip ng pangitain

Tandaan mo lagi kami na d'yan
Sa anong oras mong kailangan
Palawakin mo lang yaring isipan
At bitawan ang dapat bitawan

Subalit ikaw akin susuportahan
Sa pag-ibig na iyong kaligayahan
Ngunit 'di ko s'ya kayang pagkatiwalaan
Dahil sa dala n'yang kahihiyan

Pero kung s'ya ang iyong napupusuan
Tanging payo ko ay iyong pakinggan
Mga pangaral ko ay dapat din tandaan
At paganahin din minsan ang isipan.

Talaang TulaWhere stories live. Discover now