6. IV - Myco

2 0 0
                                    

Ang panulaan ito ay para sa'yo
Naglalaman ng tunay na pag-ibig ko
Mga tapat na pagmamahal sa'yo
Tanda ng pagpapahayag ng puso ko

Naway unawain mo itong mabuti
Ang bawat taludtod ay may sinasabi
Ang mga sakno, kwento ang tinatangi
Mga letrang inukit sa batubalani

Myco simula ng minahal mo ako
Ipinangako ko rin sa sarili ko
Ikaw ang makakasama ko sa dulo
At tutuparin ang turan mo pangako

Ikaw ang una sa naging katipan ko
Nang dumatal ka sa buhay ko totoo
Ipinadama mo na pwede pala to!
Ang magmahal ng totoo sa tulad mo

Sa unang araw ipinagsigawan mo
Sa pamilya colico ako'y mahal mo
Na nindigan ka ako'y ilalaban mo
Sa hagway at abot ng makakaya mo

Sa ikalawang araw lumabas tayo
Ako ay iyong sinundo sa malayo
At nagtungo pa sa lugar ng luneta
Upang ihayag yaring pusong nakita

Sa ikatlong araw ikaw ay nanlamig
'Di ko batid kung bakit? Ako'y nanginig
Sa tuwing ako lalapit at titindig
Ikaw naman ay sa akin lumilitig

Hindi ko batid ang nagyayari sayo
'Di ko alam ang dahilan ng punto mo
Sa mga paliwanag mo natatakot ka
Masaktan ako, sa bunga ng resulta

Nang maihayag mo ang katotohanan
Dignidad mo nabaon sa kahihiyan
Ako ay nalungkot sa ginawa sa'yo
Sa paratang ng mga taong utak toyo

Bukod pa riyan ako rin ay nagulat
Siniraan ako ni Jhonny makalat
At naghayag ng mga huwad na pabalat
Tanging batayan ay si Ruby pakarat

Naunawaan ko ang nadarama mo
Pero sana iniisip mo rin ako?
Kinausap mo ako patungkol dito
Hindi yung iiwasan mo na lang ako

Akala ko ipaglalaban mo ako
Bakit sa unang pusong elipsang ito
'Di nagbalanse ang utak at puso mo
Nangibabaw ang utak kaysa puso mo

Asan na ang pangako mo sa'kin tunay
Isa na dito ay lalaban ng sabay
Magtutulungan makaahon sa buhay
At kakaharapin ang mga bawat latay

Tanong ko sayo ay ganito na lang ba?
Ang lahat ng pangako'y ganon na lang ba?
Pangako tuluyan napako sa hinuha
At iiwan mo'to balot ng pangamba

Hindi ako galit sa iyong ginawa
Batid ko Biktima ka nang Bakunawa
Alam ko rin kung ano ang pakiramdam
Ang paksain nang mga taong walang alam

Hindi ko alam kung nalilito ka ba ngayon?
Hindi ko alam kung ako'y nagkulang ba?
Hindi ko alam kung may kamaliian ba?
O baka may ruon ka lang pangamba?

Nang dahil sa kutya ikaw ay lumisan
Magmahal ng pareho kasarian
Isang kahihiyan 'di kayang ilaban
Hanggang sa pinakadulong kamatayan

Ano ba ang dapat unahin mo myco
Puso mo na 'di ko batid ang turan mo
O utak mo nagsasabing iwan mo'ko
Ng 'di masira ang pagkalalaki mo

Mahal kita ng higit pa sa buhay ko
Simula ng dumating ka sa buhay ko
Binabago mo na ang mga galaw nito
Ipinapakita mo puso ang totoo

Kahit ano pa nga ang iyong banggitin
Ang mata mo 'di kayang mag lihim
At gayon kilos mo'y may nais sabihin
Sa panindigan ika'y pumailalim

Batid ko naman ikaw ay natatakot
Sa mga bawat ngiti mo na sobrang likot
Para tuloy itong pinagtagping sapot
Sa galak mo mundo mo ay umiikot

Kung maisipan mo man ako balikan
Alam mo kung saan ang atin tagpuan
Myco lagi mo sana itong tandaan
Ipaglaban mo ako at panindigan

Batid ko 'di pa naman huli ang lahat
Alam ko na may bagong kwentong pamagat
Bagong kabanata ikaw at ako lang
At tutuparin ang mga plano mong sapat

At kung ayaw muna talaga sa akin
Dalangin ko'y humarap ka't kausapin
Ipaliwanag ang totoong damdamin
Nang 'di sa kamatayan a'kin sapitin

Talaang TulaWhere stories live. Discover now