5. XXXVIII - NiJoEl

1 0 0
                                    

Apat na taon ako humanga sayo
Pero kinaibigan mo lang ako
Pinakilig mo lang ang mundo ko
At sinaktan mo rin ang damdamin ko

Okay lang, na hindi mo ako pinili
Dahil nagpakatotoo ka sa huli
Salamat pala sa Rosas mo may subyang
Maraming mga ala-alang rin nasayang

Salamat ginoong ni sa lanyos mo turan
Masaya ako sa desisyong nilaan
Taon din itinagal ng mapalitan
Ito si ginoo jo, ang kalandian

Sa mga kaibigan ko s'ya nakilala
Napukaw sa tinig at tikas, sinala
'Di man pasado pero kaibig-ibig
Gayun din sa mukha at tindig

Ginamot n'ya ang puso ko nasugatan
Pinunan n'ya ang mga bagay dapat punan
Pinasaya n'ya ang mga araw nagdaan
Masayang ala-ala 'di malimutan

Ngunit, lahat ng pag-ibig may problema
Ang relasyon namin 'di kayang itama
Nariyan ang bisyo't maging ala moira
Sa dulo ng sinta ako'y magparaya

Dalawang buwan lang rin ang pinalipas
Limot sa ala-ala mo'y nakatakas.
Subalit ang paghanga ko naman noon
Muling bumangon sa lupang hukay ngayon

Nagparamdam ang tunay na inspirasyon
S'ya si ginoong el, wangis ni magayon
Ang tunay nagpapasaya ng mundo ko
Ang nagbibigay kulay sa paggising ko

Ngayon tuloy parin ang amin palitan
Nang matamis na kendi kinakiligan
Tuloy parin sa amin mga kumustahan
At anunsyo sa bawat oras kung saan

Pero dalangin ko sana naman dingin
Panindigan ang mga letrang sasabihin
Mga matamis n'ya salitang may damdamin
Dahil ikaw ang akin papangarapin

Talaang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon