5. XXXII - Tanga

2 0 0
                                    

KAHAPON...

Baliw na ako sa iyong pagmamahal
Mga usapan ay sintamis ng asukal
Tila ba gusto ko pa ito magtagal
Hanggang umabot sa puntong ikakasal

Iniisip ka lagi sa bawat araw
Gayun din sa buwan at taon nag-adaan
Umaasang puso mo ay mangibabaw
Para sa pagsinta sa'yo ko nilaan

NGAYON...

At alam mo na totoong mahal kita
Ang sinta'y ko unti-unti mo nakita
Sa mga mata ko ay pawang liligaya
Ang mundo ko ay iyong pinapasaya

Ngayon alam mo na ang dahilan nito
Sa mga salita mo hudyat ay motibo
Kinukulayan mo ang bawat mundo ko
At mapunan mo lang ang kasiyahan ko

BUKAS...

Pero bakit ganon ang pakiramdam ko
Bakit hindi ako mahalaga sa'yo
Tila ba palagi bukas ang mundo ko
Bukas ang saya pagkausap mo ako

Muli na naman nanunbalik ang sakit
Sa araw -araw sa'yo ako lalapit
Nang sakyan n'ya, paano ako dumikit
Ang tanga tulad ko tuloy sa pagkapit

Talaang TulaWhere stories live. Discover now