5. XXI - Bakit Hindi Pwede

3 0 0
                                    

Sumombra ba ako
O may pagkukulang ako
May nagawa bang mali ako
O Hindi talaga pwede maging tayo

Labis na ba ang paghanga ko
Kaya kung ganon ka lumayo
Maypagkukulang ba sa pag-aalaga ko
Kaya ayaw mo tanggapin ito

Bakit hindi pwede?
Dahil ba lalaki ako at lalaki ka
O natatakot ka mahusgahan ng matinde
Dahil naaapakan ang iyong pagkalalaki

Hindi ba naging sapat
Ang mga luho at pagmamagal na ibinigay ko
O hindi ka naging tapat
Sa lahat ng atensyon na inalay ko sa'yo

Mali ba ang mahalin ka
O mali ang magmahalan ang pareho kasarian
Pwest! Mali ang pananaw na iyong nakita
At walang mali kung pareho kasarian ang nag-ibigan

O baka naman malaking pagkakamali mahalin ka
Dahil alam mo mahal kita
At Handa ko ibigay ang kaluluwa ko sa'yo
Pero ako hindi mo talaga gusto

Kasi nga Hindi talaga pwede!
Hindi talaga pwede!
Hindi talaga pwede ibigin
Ako at mahalin ng tapat na damdamin

Ilan ulit ko pa kaya elmark ako titingala
At aabangan ang pagdaan ng tala
Para humiling ng pwede
Sa isang libo't isang hindi na pwede

Kailan mo matatangap na pwede ako mahalin
Kailan ko matatangap ang iyong damdamin
Kung saan pwede na kitang tanawin
Pero hindi ka pwede abutin

Oo pwede kitang maging Crush at ibigin
Pero hindi kita pwedeng angkinin
Kahit makahanap pa ako ng rason
Pero na sa'yo parin ang desisyon

Talaang TulaWhere stories live. Discover now