Painting

6 2 1
                                    


"Mukha ka nang maiiyak diyan sa tinitingnan mo ah? Sino ba yan?" saad ni Roderick. Kasama ko siya sa paggawa ng thesis namin. Nasa malapit na computer shop kami para magpaprint. Sa kabilang kalsada lang ang restaurant kung saan sina Dante at Eve nakaupo.

"Wala."

"Kilala mo ba sila?" Hindi niya kilala ang dalawang yun dahil hindi naman siya nakikisalamuha sa ibang tao. Nerd daw siya at lagi na lang nakapokus sa paglalaro ng kung ano sa kaniyang cellphone.

"Hindi. Wala akong kilalang mga manloloko."

"Huh?" Tumingin naman siya sa gilid at nakita niya na naghoholding hands ang dalawa.



Naalalala ko pa ang lahat. Wala nang mas sasaya pa sa araw na naging kami ni Troy Dante Villareal. Matalino siya at very competitive sa kahit anong klase ng paligsahan. Hindi siya tumitigil hanggang manalo siya. Binibigyan niya ako palagi ng love letters at assurance na hindi siya magloloko. Bago pa lang kami at hindi pa sapat ang pundasyon para umaligid siya sa ibang mga babae. Ganun din siya sakin. Lagi siyang nagtatanong kung may kasama ba akong mga lalaki sa groupings, activities, projects, parties at outings. 

 Naririnig ko sa mga sabi-sabi na pinopormahan niya daw si Eve dahil malakas siya sa Principal ng school. Hindi na siya makasabay sa klase dahil ilang beses siyang absent noong isang buwan. Si Eve naman ay inaanak ng principal at mataas din ang mga grades. Mukhang bagay naman sila sa isa't-isa. 

Hindi naman ako agad naniwala kasi pilit ko siyang pinagkakatiwalaan. I hold on to his words too much at ito lang ang napala ko. Wala man lang signal para sakin na tumigil na. Para lang akong tangang tatawid sa riles ng tren pero nasa harap ko na pala ang tren. Wala akong kamalay-malay sa mga nangyayari.

"Castellana..mag-usap naman tayo. Alam mo namang ginagawa ko ito para sa grades ko ayaw kong bumagsak. Alam mo namang may magagawa si Eve sa sitwasyon ko. Promise. Isang linggo lang at titigilan ko na siya. " He held my hand for the first time this week. ANg kamay na humawak sa kamay ni Eve. Nakakadiri. 

"Wag mo akong kinakausap. Break na tayo."

"Cast, please. Maawa ka naman sakin."pagsusumamo nito. Sorry, pero uunahin ko na muna ang sarili ko.

"Hindi ako kumakausap ng mga taong katulad mo. Alis!"

"You're unreasonable! Intindihin mo naman ako. Pwede ba? Ang selfish mo naman, Cast." napaluhod na siya at naririnig ko ang pag-iyak niya habang ako nama'y naglalakad ng mabilis. Ang mga ulap ay umiikot sa aking paningin hanggang sa nakita ko ang kadiliman.


"Castellana, congratulations! Ang laki ng biddings para sa paintings mo sa auction na ito. You're very good and very skilled ah. Sana naging magbestfriends tayo noon. May maipagmamalaki sana akong friend na painter and a master at her art pa ah. Siguro may asawa ka na ngayon ah. Dati tahimik ka lang na student sa klase pero look at you now. Good thing talaga na nagbreak na kayo ni Dante." saad ni Kitty. Siya yung kikay na classmate ko dati. Akala ko nga dati magiging spoiled brat lang sya all her life pero nandito siya kasama ng mga anak niya. Isa na rin siyang accomplished businesswoman at cosmetics ang kaniyang hinahawakan. 

Her father granted her wish to go to a make up school. She pursued her career at ngayon may asawa at anak na.

"Nga pala. Andito yung friend mo ah. Si Roderick?"

"Oh? Talaga? Tagal ko na ring hindi nakita yun eh."

"Ohhh. You don't stay in touch pala since nagraduate us no? It's a good time to catch up. Wait lang ah. Tinatawag na ako ng Mister ko medyo nakukulitan na nga ako kanina pa nagavibrate ang phone ko." 

Sinasabi nito? Eh katabi niya lang sa upuan yung asawa niya. May pagtawag pa. She turned and smack his elbow and gave her a swift kiss. 

"Ehehehe sorry ah. Medyo pda tong asungot kong kasama." He frowned and touched her cheek.

"I'm hurt ah." At parehas pa sila magsalita. Feeling lonely na ba ang peg ko dito? 


I looked around the place and stared at the paintings for a little while. Nasold-out agad yung mga paintings kong supposedly ipapadisplay ko lang. 


I looked at the highest bidding painting. The Everlasting Breath. Yun yung pinangalan ko sa kaniya kasi may tao akong laging naalala noong college. He was a breath of fresh air. He doesn't talk that much pero siya ang nagpakalma sa akin. Siya ang nagbibigay sa akin ng advice palagi kapag namomroblema ako sa mga sibjects ko at sa pagmememorize ng mga content para sa presentations at exams. 


We both took a different path. We were happy when we bid goodbye. 


Today, we will meet again.


"Uy kanina ka pa nakatingin sa painting na yan ah? Gwapong-gwapo ka na ba sa akin?" I felt his hands on my waist and gave me a peck on the cheeks.

"Gwapo kasi yung painting ano." 

"Ohhh? Mas gwapo naman ako diyan." Hindi pa nakuntento hinigpitan pa ang pagyakap sa akin ha.

"Yeah. He's more handsome in the painting. Mukha ka kasing tanga in real life."

"Awts. It hurts my heart. You take it back." he held his chest as if having a heart attack.

I heard a fan falling on the floor. Medyo malakas yung impact kasi malaki yung space ng room kung nasaan kami. 

"How dare you two fool me ah! Kayo na pala ah!"

"Kitty....Hindi ka nainform? It's a praaankkk. Hahahaha." we both said and laughed at her betrayed face.


"Mga gago kayo. Kayo talaga!"

"Shush Hon, nagtitinginan na ang mga tao sa'yo."

Ang tagal rin ng payback ko sa kaniya noong prinank niya ako sa classroom kaya naman napagkasunduan naming iprank siya sa event na ito.


"I love you, my bebeluvs." he said.

"Yak"

"Ihhhh kanina ka pa sa kotse ah. Di mo sinasagot i love yous ko. Nagtatampo na mister mo."


"Yak kaya. Kadiri ng endearment ah."


"Roderick?Mister ka na nyan?! What? why didn't you invite me on your wedding?"


"Weddings! Mrs. Kitty Mcgee. Pero iimbitahan ka namin next week sa kasal namin." saad niya halata ang pagmamayabang. Hayst. Nalaki na ulo niya ah.


"Uli? Ilang beses kayong kinasal?" nastress na mukha nitong si Kitty at hinihigit na siya ng dalawa niyang anak pupunta daw sila sa mall.


"Wag na baka mabaliw ka kakaisip kung bakit ka hindi nainvite sa mga weddings namin." Yabang talaga ng mister ko na'to.


Reaching the EndingWhere stories live. Discover now