Umbrella

8 1 0
                                    


"Kanina ka pa ah!" Maririnig ang pabulyaw na sigaw ni Aziel sakin dahil nalate lang ako sa pagsundo sa kanya sa office niya. Mayroon kaming meeting kanina at sobrang tagal matapos dahil kailangan pang pag-aralang mabuti yung bagong marketing strategy.

"Sinabi nang kanina ko pa sinasabi sa'yo na umalis ka na dahil may ginagawa pa ako!" Pero wala naman siyang ginagawa ngayon. Sabi ni Kenya wala naman daw siyang importanteng ginagawa dahil unang araw pa niya lang daw dito sa trabaho. 

"Aziel naman. Wag ka nang magtampo nandito na nga ako eh. Saka marami nang nakatingin sa'yo. Mamaya mo na ako sigawan pag-uwi natin." pilit kong hinihigit ang kamay niya pero ayaw niya talaga.

"Tsss! Alam mo ba kung anong nabalitaan ko kina Ella? Na nakikipaglandian ka daw kay Bryle. Yung anak ng boss mo sa trabaho. Alam mo unang araw ko pa naman sa trabaho tapos ganito lang pala mapapala ko. Pinag-aalala mo ako. Nakakatuwa ba? Ha?" 


Hindi naman siya ganito dati eh. 



"Mary, will you marry me?" sabi nito habang pinipigil ang hiya at nerbyos habnag kaharap ako sa labas ng classroom namin. Nababaliw na ba ito? High school pa lang kami at hindi pa pwedeng mag-asawa. Ang alam ko, anak siya ng mayor at hindi basta-basta ang mga niligawan niya.

"Ha?" 

Napahagikhik naman ito na parang tanga pero halata pa rin sa kaniya ang kaba at anxiousness. Pinagtritripan ata ako nito eh. Malapit nang matapos ang time for recess at hindi pa rin siya umaalis sa harapan ng classroom. Medyo nagugutom na rin ako. Wala ba itong balak umalis? 

"Ah, ano-kasi joke lang yun" Eh? Nagmumukha siyang tanga sa mga pinaggagawa niya. May hawak pala siyang chocolates at teddy bear. Aanhin ko naman yun? Di ko naman yun gusto.

"Alam mo, Mr. Mayor umalis-alis ka na baka ipatumba kita sa mga kaklase ko. Tropa ko sina Chad at Hiro. Kilala mo yun, diba?" Napaatras naman ito sa gulat mukhang takot na takot. Kilalang basagulero ang grupo nina Chad at Hiro at laging napapatawag sa guidance office.

"Mary Idony! Maryyy! Pumunta ka sa gymnasium pinapatawag ka ni Sir Paul!"

"What? Bakit daw?"

"Oo. Pumunta ka na. Ako na bahala dito sa paglilinis ng room. Ikaw naman kasi masyado kang masipag." Inagaw nito ang walis sa'kin kaya wala na akong nagawa. Dali-dali akong tumakbo papunta sa gym. Ang loko kasi ng school na ito ang layo-layo sa mga classroom. 

Pagdating ko pa lang sa entrance, nakikita ko yung mga kandila at may kutob ako sa mga mangyayari. Ang loko na ito! Dinamay pa mga kaklase ko!

"Ano na naman to Aziel? Lakas ng trip mo ah?"

"Wait lang Mary!"

"Wag mo akong tawaging Mary hindi tayo close. Idony kase!"

"Aalis na ako ah."

"Sandali kase muna. Please?" Ang pagpitik niya sa daliri ay naging senyas ng pagtugtog ng violin. Familiar yung song? Perfect ba yun by Ed Sheeran? Favorite ko yun. 

"Mary Idony, will you be my girlfriend"

Hm. He looks sincere and took the effort to know me. There are balloons pa in my favorite colors. He took the necklace to one of my classmates and Hiro and Chad were on his back cheering for him.

"Okay. I'll give you a chance."

It took 3 years for him to finally be his girlfriend and nagtagal kami dahil may tiwala kami sa isa't-isa. I don't know what went wrong and I can't hold on to this kind of relationship with him.


"Babe? Bakit ganyan ka na? Dati naman hindi ka ganyan ah?"

Mukha na naman siyang sumsakit  ang ulo at hirap na hirap pag nakikita ako.

"Wala naman kaming kung ano ng anak ng boss ko. Maniwala ka. M-may iba ka na ba? Tell me. Ayaw mo na?" Unti-unting tumutulo ang luha ko pero hindi ko kayang mag-ingay sa loob ng coffee shop na ito since high school dito lagi kami nag-uusap. 

"Magsalita ka naman."

"Idony, I...I'm really sorry. May iba na akong gusto eh. Saka..nagsasawa na kasi ako sa relasyon natin. Puro ka na lang kasi trabaho at hindi mo na ako napapansin."

"Eh diba kaya nga kita nirekomenda sa company dahil gusto mo lagi tayong nagkikita at magkasama eh."

"I know..pero alam mo. Marami pang iba diyan na mas better. You need to let me go."

"Who was it?"

"It's Ella."

I burst out in tears and I know I can't hold on to this man. Binitawan ko na ng tuluyan ang mga kamay niya. Wala na kaong dahilan para umasa na maayos kami.

"Miss, kailangan mo ng payong. Umuulan ng malakas sa labas."

"Salamat but I...can handle myself."

"You don't. Hindi mo kaya. Kakabreak-up niyo lang hindi ba?" Pinayungan niya ako at hinatid pauwi at nagpasalamat. It's so painful to hold on and I finally let go of him. I sighed in relief. Finally, hindi na ako aasa at manlilimos pa ng pagmamahal sa kahit sino. Nagawa ko na din.

"Ma, mamaya na ako dadaan diyan sa inyo." 

Palabas na ako ng bahay at napansin ko yung payong ni Mr. Nice Guy sa coffee shop. Iniwan niya pala dito. I can't help but smile at that nice gesture. Swerte siguro ng girlfriend niya. He's nice and caring to other people. 

"Kahit na andilim na ng mundo. May mga tao pa rin na magbibigay ng reason for us to see the nice things in life gaya na lang ng payong na ito." 

Binuksan ko na ang pintuan at nakita ko siya sa harap ng bahay ko. 

"Anong binubulong-bulong mo dyan? Medyo nababaliw ka na Miss ah. Dahil ba yan sa break-up?"

"Ha? Hindi ah. Hindi ako baliw." Shizz. Namumula na ako sa hiya kay koya. Ang tangkad at ang gwapo pa naman niya. Mukha pa siyang laging nag-gym tapos responsible pa. 

"Sus. O eto mga gamot. Baka kasi lagnatin ka. Delikado pa naman ang mga broken-hearted,nakakabaliw." Nakakaoffend si koya ah.

"D ah. D ako mababaliw. Isa lang siyang isdang nilalangaw na sa dalampasigan. Marami pang isda sa dagat no." Pepektusan ko na to eh pasalamat siay good mood ako ngayon.

"Tama yan." He made an approve sign ganun sa like emoji ng facebook.





Reaching the EndingWhere stories live. Discover now