Nagising ako nang maramdaman kong may nag baba saakin sa malambot na higaan
Unang bumungad saakin at gwapong mukha ni Cloud na nakatingin saakin
Napa ayos ako ng upo nang maalala ko ang nangyari
"Nasaan ako?!" Taranta kong turan
"Tss, you're in my house."
Napa tigil ako sa sinabi nya
Inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto nya, puro panlalaking gamit lamang ang narito
Naalala ko na hindi kami parehas taga dito sa Maynila kaya naman sino ang kasama nya dito kung ganon?
Tumayo sya, "Sleep, I'm going to cook. Baka magutom ka, wala bibili sa malnourish na baboy." Ngisi nya
Napaawang ang labi ko dahil hindi ko inaasahan na sasabihin nya iyon!
Kahit kailan napaka bully nya!
Hindi na nya ako inintay na mag salita pa at tumalikod na
Napatingin ako sa cute nyang tsinelas kahit pa naka medyas parin sya
Isa iyong kulay pink at cute na baboy!
Napailing ako dahil sa kalokohan nya, dahan dahan akong tumayo at inilibot ang tingin sa kwarto nya
Wala pa masyado dito gamit at maayos ang pag kakaayos ng mga nandito na nyang gamit
Sino kaya ang kasama nya dito tumira? Naalala ko, sobrang maalaga at strikta pa naman ng nanay nya
Yung tipong masugatan lang sya ipapatawag na lahat ang mga kilalang doctor
Ganon sya ka spoiled sa nanay nya, kaya nag tataka ako kung paano nya napapayag na umalis sya sa probinsya namin at pumunta dito
Pumunta dito upang sundan ako
Natigilan ako ng may makita akong nag iisang picture frame sa side table na malapit sa kama nya
Kumunot ang noo ko nang makitang pamilyar ito
Inabot ko ito at lumakas ang tibok ng puso ko nang makita ko kung sino iyon
A-ako
Matagal na ito, 13 years old pa lamang ako dito. Naka tawa ako dito at medyo mataba pa ang pisnge ko.
G-Ganon na ba katagal na gusto nya ako?
Napapikit ako dahil may kung ano akong nararamdaman sa dibdib ko, hindi ko alam ngunit biglang sumaya ang pakiramdam ko
Nakarinig ako ng yapak kaya naman mabilis akong bumalik sa kama at naupo
"Come here, kumain ka na." Walang emosyon na turan nya
Napaiwas ako dahil kahit di ko aminin, pagwapo sya ng pagwapo sa paningin ko
Idagdag mo pa na naka uniform sya ngunit naka apron na ang design ay pink na baboy
Ang cute nya sa lagay na iyon
Napayuko ako nang hindi ko mapigilan na mapangiti
"Hoy!! Bat ka tumatawa huh?" Nagulat ako nang bigla syang nakalapit saaakin
Nanlaki ang mata ko at napatingala sa kanya dahil sa tangkad nya
"H-Hindi ah! May nakikita ka ba na di ko nakikita?!" Pagalit kong turan sa kanya
![](https://img.wattpad.com/cover/345206911-288-k814181.jpg)
YOU ARE READING
Madly Obsessed with Her (SANTILLAN SECOND GEN. #2)
RomanceSteven Santillan Simon Santillan Sinai Santillan Cloud Sison