Kinaumagahan ay pinilit kong pumasok sa skwelahan
Ayokong naapektuhan ng nangyari ang pag aaral ko
Kaya nga ako narito ay nangako ako kila Nanay at Tatay na mag aaral ng mabuti at mag tatapos ng pag aaral
Katulad ng sinabi nila, Silang tatlo ang salitan na mag hahatid saakin araw araw
Ngayong araw ay nauna si Steven, bukas ay si Kuya Simon at Sinai sa susunod na araw
Nakayuko lang ako buong byahe, ayaw nila ako papasukin ngunit hindi ako pumayag.
Sa huli ay pinayagan din nila ako, ngunit wag na daw mauulit dahil baka mapatay lang nila ang kung sino man lalaki na mag tatangka ulit akong pag samantalahan
Nag lakad ako papuntang building namin
Siguradong uulanin ako ng tanong ni Ivan kung bakit nawala ako kahapon doon
Bumuntong hininga na lang ako at nag simulang tahakin muli ang daan
Ngunit napatigil ako nang makita ko kung sino ang nasa dulo ng hagdan
Si Cloud,
Naka pamulsa sya at naka sandal sa pader na animoy may hinihintay
Walang emosyon ang mukha nito at malamig ang mga mata na nakatingin saakin
Nakuyom ko ang kamao ko sa kaba, naalala ko na sya pala ang tinawagan ko kagabi
Yumuko ako at binilisan ang lakad, dadaanan ko na lang sya at hindi papansinin
Bumigat ang hininga ko nang papalapit ng papalapit kami sa isa't isa
Nang lumampas ako sa kanya ay narinig ko syang nag salita, kaya napatigil din ako sa pag lalakad
"Why are you calling me?" Malamig nyang turan
Napalunok ako at nanatiling nakatalikod sa kanya
"W-Wala ka na don!" Mabilis kong turan at napag pasyahang wag na sya pansinin
"Fuck."
Narinig kong turan nya at nanlaki ang mata ko ng marahas nya akong hinawakan sa kamay at hinila papuntang cr na nasa ilalim ng hagdan
Mabilis nyang inilock iyon at isinandal ako sa pader
"When I ask you, I want you to answer me." Baritonong boses na turan nya
Napayuko ako at pilit iniwas ang tingin sa kanya
Lalong kumunot ang noo nya nang mapansin nya na imiiwasan ko syang tingnan
"Fuck, bakit ba ayaw mo akong tingnan huh?!"
Nabatid ko ang kapikunan sa boses nya at kahit di ako nakatingin sa kanya ay alam kong salubong na naman ang kilay nya
"A-Ano ba, sabi ko bitawan mo ako at m-malelate na ako!"
"I don't care, now tell me. Why did you call me!" Tila ubos pasyensya na turan nya
Kumuyom ang kamao ko
"Wala ka na don! Kaya bitawan mo na ako at malelate na ako sa klase ko!" Inis na singhal ko sa kanya
Dahil doon ay nasilayan ko ang gwapo nyang mukha.
Matalim syang nakatitig saaking mga mata at umiigting ang panga
Napalunok ako nang dumako ang tingin nya sa labi ko
"What happened to your lips?" Delikadong tanong nya at kahit di ko alamin, ay paniguradong nakita nya ang sugat doon
Muli akong napalunok at napaiwas ng tingin
"Aalis na ako, b-bitawan mo ako." Tinulak ko sya ng malakas at akmang bubuksan ang pinto
Ngunit marahas nya akong hinila pabalik at hinawakan sa tig kabilang balikat
"Tangina, tinatanong kita. Saan mo nakuha ang sugat mo?!" Gigil nyang turan, umiigting ang panga nya sa inis dahil sa nakita sa labi ko
Hindi ko alam ngunit napayuko ako at nag simulang bumagsak ang luha ko nang bumalik na naman saaking alaala ang nangyari
"Tell me who the fuck did this to you?!" Madilim na tanong nya at kitang kita ang galit sa mata nya
Umiling ako, ayoko sabihin.
Ayoko malaman pa nya ang masamang nangyari saakin
Napa hilamos sya sa sobrang badtrip sa mukha nya
"Rain, I'm warning you. You fucking tell me o mag wawala ako dito?!"
Napalunok ako at tumingin ng deretso sa mga mata nya
Bumuntong hininga ako at sinabi ko sa kanya lahat ang nangyari
Matapos kong sabihin lahat ay nagulat ako nang bigla nyang suntukin ang nasa likod kong pader
Nawasak ang pintuan na gawa sa plastic dahil doon
"Where? Where did he touch you?" Delikadong turan nya at nakita ko na mahigpit parin na nakakuyom ang kamao nya kahit pa may munting sugat doon dahil sinuntok nya yung pader
Dahan dahan kong itinuro ang dibdib at ibabang parte ko habang patuloy na umiiyak
Sa sandaling iyon ay parang nakahanap ako ng pagsusumbungan
Alam kong mula bata pa lang kami ni Cloud ay wala na syang ibang ginawa kundi inisin ako araw araw , ngunit sya din ang taga pag tanggol ko kapag may umaapi saakin.
Sya ang taga pag tanggol ko mga bata pa lang kami.
Nagulat ako nang niyakap nya ako ng mahigpit, "Fuck! I'm sorry I wasn't there! I'm sorry baby." Naramdaman ko na hinalikan nya ang ulo ko ng paulit ulit habang sinasabi ang mga katagang iyon
Hindi ko alam ngunit niyakap ko din sya at muling umiyak sa bisig nya
Para akong bata na nag susumbong sa kanya
"I will find him, and I will not stop until he cries blood and beg for his life." Puno ng kaseryusuhan at kasiguraduhan na turan nya.
.
.
.
.
..#YIEEE, AYAN NA BUMAWI NA SI OTOR HAH?! 5 CHAPTERS PARA SA MGA PRETTY KONG READERS NA NAG AABANG SA STORY NA ITO!!😍😍
#Survey ulit haha, nabago ba ang manok nyo o hindi?
Steven Santillan 🚩
Simon Santillan🚩
Sinai Santillan🚩
Cloud Sison🚩#TANDAAN, HINDI EDITED PA!! PURO ERROR KAYO NA MUNA MAG ADJUST HAHAH🤧😆
STAI LEGGENDO
Madly Obsessed with Her (SANTILLAN SECOND GEN. #2)
Storie d'amoreSteven Santillan Simon Santillan Sinai Santillan Cloud Sison