Chapter 12

12.2K 322 16
                                    


Pag karating ko sa bahay ay nakita ko na umiiyak si Nanay habang si Tatay ay naka yuko

Si ate Naman ay tahimik lang din sa isang tabi at mahahalata mo na problemado din

"Nay? Ano pong nangyari??" Kinakabhan kong turan

Napa lingon ito saakin at mas lalong napaiyak

"A-Anak, natalo ang tatay mo sa sugal. W-wala na ang mga kalabaw natin, at kahit itong bahay na tinitirikan natin ay hindi saatin. Isinugal nya kahit alam nyang hindi pa natin ito nababayaran!!" Mas lalong umiyak si Nanay

"M-Mahal pasyensya n-na, babawiin ko p-pangako." Suyo ni Tatay kay Inay

"Henry paano na?! Paano mo pa iyon gagawin! Wala na tayong pag kukunan ng pera, nakasangla pa ang bahay na ito! Sa ano mang oras ay pwede nila itong kunin! Alam mong hindi ito saatin! Ang mangyayari doble doble ang babayaran natin! Hindi ko na alam kung saan kukuha ng gagastusin para sa susunod na mga araw!"

"N-Nay, hayaan nyo mag aadvance ako sa trabaho ko."

Naiiyak na rin ako dahil hindi ako sanay na makitang problemado sila Nanay At tatay

Umiling si Inay kay Ate

"Hindi Jennifer, itabi mo ang saiyo. Para iyan sa kinabukasan mo, hindi mo kailangan problemahin ang problema namin ng tatay nyo." Turan ni Nanay habang umiiyak parin

"N-Nay wag na kayo umiyak. S-Susubukan ko pong mag hanap ng trabaho." Turan ko

Napa lingon saakin si Nanay qt ngumiti ng mapait

"A-Anak pasyensya ka na h-hah? Kaarawan mo ngayon pero heto at problema ang naging handa mo." Mas lalong naiyak si Nanay

"A-Ano ka ba Nay, ayos lang po. Wag na kayong umiyak, pag nakatapos ako matutulungan ko kayo pangako po."

Dahil sa sinabi ko ay mas lalong umiyak si Inay

"P-Patawad anak, hindi na namin k-kayang pag aralin ka pa dahil sa mga nangyari. Patawad anak" hagulgol ni Nanay

Saglit akong natulala

Ngumiti ako ng pilit kahit pa nasasaktan ako sa isiping hindi na ako makakapag aral

"A-ayos lang po Nay, m-mas maganda nga po iyon at mag tratrabaho po ako para makatulong sainyo." Kahit nalulungkot ay nagawa ko sabihin iyon upang gumaan ang pakiramdam ni Nanay

Ngumiti lang sya ng mapait at patuloy na umiyak

Wala na, titigil na ako sa pag aaral






######

Kinabukasan ay hindi ako pumasok, tinulungan ko kasi sila Nanay at Tatay na ayusin ang mga ilang gamit na mawawala din dito sa bahay dahil natalo sa sugal

Nang matapos ang gawain ko ay naabutan ko din si Ate na kapapasok lang sa kwarto namin


"Ate, Kamusta ka na?" Ngiti ko

Ngumiti lang ito, bakas sa mata nya na problemado din sya, dumagdag pa ang mga kamalasan na nang yayari saamin

"Ayos lang bunso, pasyensya na kung walang matulong si Ate sa pag aaral mo." At ngumiti sya ng mapait

Ngumiti ako ng masaya upang ipakita na ayos lang

"Ano ka ba ate, ayos lang ako! Masaya ako dahil matutulungan ko pa kayo ni Nanay!"

"Salamat bunso."

Ngumiti lang ako

"A-Ah ate pwede ba magtanong? K-Kamusta pala kayo ni Kuya Steven?" At humina ang boses ko nang banggitin ko ang pangalan na iyon

Madly Obsessed with Her (SANTILLAN SECOND GEN. #2)Where stories live. Discover now