Kinabukasan ay maaga akong pumasok.
Ito ang ikatlong araw, kaya ibig sabihin ay si Sinai ang mag hahatid at sundo saakin
Kaya naman ang ginawa ko ay inagapan ko upang hindi nya ako maihatid
Ayos na kung driver nila at wag na sya dahil natatakot ako sa kanya
Hindi ko maintindihan kung bakit ba galit na galit sya saakin, wala naman akong ginagawang masama sa kanya
Mabilis akong bumaba at lumabas patungo sa gate
Ngunit nabitawan ko ang bag ko nang makita ko kung sino ang nakasandal sa isang magarang kotse, na tila ba inip na inip na
Matalim ako nitong tiningnan nang mapansin ako
Tumayo ito habang naka pamulsa at malamig akong tinitigan, mula ulo hanggang paa
Nagulat ako ng may lumabas na ngisi sa mapula nyang labi
"Are you avoiding me huh?" Turan nya at lumapit saakin
Napalunok ako at napaiwas ng tingin
Dahan dahan akong lumapit palapit sa kotse nya
"H-Hindi, nag kakamali ka." Matipid kong turan at akmang sasakay na ngunit pinigilan nya ako
Marahan nya akong itinulak kaya napasandal ako sa kotse nya
"Oh really?" Napa lunok ako ng maramdaman ko ang kamay nya sa hita ko na humaplos
Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko nang maramdaman ko ang init ng palad nya
"Is your uniform really this short?" Tila nabadtrip sya sa sariling sinabi
Napa tango ako agad dahil natatakot talaga ako sa kanya, hanggat maari iniiwasan ko syang galitin
"Fuck, I don't like this." Kunot noong turan nya
"P-Pero wala akong ibang u-uniform." Utal kong turan at napa tingin sa mukha nyang napipikon sa inis sa di ko malamang dahilan
Nakita ko muli ang nunal na maliit malapit sa ilalim ng mata nya
Sobrang lakas ng dating nun sa kanya at mas nakadagdag ng kagwapuhan nya
"Don't look at me like that." Umigting ang panga nya at napaiwas ng tingin, nakita kong namumula ang tainga nya ngunit naka kunot ang noo nya at tila galit sya
Anong nangyayari sa kanya? May sakit ba sya? Bakit namumula ang tainga nya?
"Get in." Masungit nyang turan at hindi na ako pinansin
Nakarating kami sa skwelahan kaya naman nag bulungan na naman ang nakakita saamin
Hindi na bumaba si Sinai na mas pinag pasalamat ko
Pag tapos nun ay umalis na sya kaya naman dumaretso na ako sa gate upang pumasok
Napanguso ako at inisip kung bakit napansin nya ang uniform ko
Hindi naman ganoon kaikli? Mas maikli pa nga yung sa isa, yun nga lang ay talagang lantad ang hita ko dito
Teka? Nag aalala ba sya para saakin?
Siguro?
Hindi naman pala sya ganon kasama at kasalbahe
"Who's that?"
Muntik na akong mapatalon nang may mag salita sa gilid ng gate
Nakita ko ang walang emosyon na mukha ni Cloud na nakatingin saakin
![](https://img.wattpad.com/cover/345206911-288-k814181.jpg)
YOU ARE READING
Madly Obsessed with Her (SANTILLAN SECOND GEN. #2)
RomanceSteven Santillan Simon Santillan Sinai Santillan Cloud Sison