Chapter 10

13.4K 311 51
                                    


Mabilis ang naging panahon at dumating ang araw ng prom namin

Natatandaan ko pa, hindi naging madali para saakin ang naging practice namin

Simula nang araw na iyon, na binugbog ni Cloud ang lalaking nambastos saakin ay naging mailang na saakin ang lahat

Para bang may sakit akong nakakahawa, Ayos lang sakin. Mas pabor pa nga kung ganon, kaya lamang ay kasali ako sa sayaw.
Sa twing makikita nila ay pakiramdam ko ang dumi at baho ako dahil sa mga pag iwas nila

Napa buntong hininga na lang ako nang maalala ang mga nag daang araw, buti na lamang ay tapos na iyon





Kasalukuyan kaming nasa bahay ngayon at inaayusan ako ni Ate

Kung hindi lang ako kasali sa sayaw baka siguro mas pinili ko na lamang matulog kaysa umattend sa ganto

Hindi sa KJ ako, mas gusto ko lamang mapag isa



"Itext mo kami bunso hah? Siguro naman may isa ka roong kaibigan manlang?" Turan ni ate

Wala kasi akong cellphone, sa edad kong ito ay wala parin
Hindi naman ako nag rereklamo dahil wala pa naman akong hanap buhay at ayokong maging problema nila Nanay kaya ok lang

Tumango ako sa sinabi nya, napatingin ako sapagkat mukhang problemado sya.
Makikita sa mukha nya na may mabigat syang problemang dinadala

"Ate Jen ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?" Alalang kong turan

Napatigil sya sa pag aayos sa buhok ko at napatingin saakin

Saglit syang tumitig kinalaunan ay ngumiti ng di abot sa mata

"Ayos lang ako Rain." Ngiti nya sakin

Ngumiti lang din ako pabalik sa kanya

"A-Ah, Kamusta kayo ni Kuya S-Steven?" Hindi ko mapigilan na tanungin

Nito kasing mga nag daang araw ay hindi ko na halos nakikita si Kuya Steven na pumupunta dito, dahil ba doon kaya malungkot si Ate?

Napatingin sya sakin ng deretso at napatigil sa pag aayos sakin

"A-Ayos lang naman." Ngiting hilaw nya

Tumango ako at di na muling umimik, alasais na ng gabi at alasyete ang start ng prom namin


"Rain."

Napalingon ako muli kay ate nang tawagin nya ako

"Hm?"

"K-Kung, kung dumating ang araw na may mag tapat s-sayo na isang lalaki."

Napa kiwit ang ulo ko at takang tiningnan sya dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi nya

"Hah?"

"Anong gagawin mo sa oras na may magtapat sayong lalaki na.. na m-mahal ka nya, p-pero alam mong gusto ko din ito? Anong gagawin m-mo?" Nauutal nyang turan

Dahil sa sinabi nya ay mas lalo lamang akong naguluhan dahil doon

Anong pinupunto nya? Hindi ko lubos na maintindihan

"Hindi ko maintindihan ate, pero kung talaga bakit naman mangyayari iyon?" Taka kong tanong


Umiling sya ng sunod sunod at ngumiti
"Wala, wag mo n-nang pansinin iyon."

Ngumiti lang ako ako dahil doon

Maya maya pa ay pumasok si nanay na may dalang paper bag


"Nak Rain! Para saiyo ito, buksan mo anak."

Kunot noo kong tinanggap ang paper bag at binuksan

Napa awang ang labi ko nang makita ang laman non

Madly Obsessed with Her (SANTILLAN SECOND GEN. #2)Where stories live. Discover now