Halos mangiyak ngiyak akong pumasok sa Room
Nakita pa ako ni Ivan at tinanong ngunit hindi ko din sya sinagot
Pakiramdam ko sobrang lungkot ko kasi galit sya sakin
Ano bang ginawa kong mali bakit ganon ang galit nya sakin?
Dumaan ang buong mag hapon at tila nawala ng tuluyan ang aking gana
Halos wala akong naintindihan sa mga itinuturo ng prof namin dahil sa sobrang pag kalutang
Hindi ko lubos maisip ano ang dahilan bakit sobrang init ng dugo nya saakin?
Napa buntong hininga ako at nauna na akong lumabas, hindi ko na naintay si Ivan dahil mas gusto kong mapag isa
Lumabas ako at bumaba ng hagdan, nakita ko pa na nag bubulungan ang mga kababaehan at hindi ko alam kung bakit
"Gosh! Nakita ko sya ng malapitan! Napaka gwapo nya kyaahh!!"
"Gurl! Totoo ang tsismis, sobrang pogi nya AAHHH!!! Sobrang red flag din nya Kyaaahh!!"
"Sinabi mo pa, narinig ko nga kahapon may nag confess daw na babae sa section 1! Nag drop out daw matapos nya ipahiya!"
"Grabe! Yan yung mga tipo ko! Mga harsh and rough guy! Ackk!!"
Nakunot ko ang noo ko dahil doon, sino ba ang tinutukoy nila?
Pababa na sana ako ng hagdan ngunit napatigil ako nang makita ko kung sino ang nakapamulsa at nakasandal sa pader na lalaki, at tila may hinihintay
Napaatras ako at napalunok sa kaba, bakit ba hindi ako nilulubayan ng mga problema?!
Nakita kong ang mapupungay nyang mata ay biglang lumipat saakin, kaya naman napa tuwid sya ng tayo at nag lakad papunta saakin
Dahil doon ay agad akong tumalikod ulit at napag pasyahang sa kabilang hagdan na Lang ako dadaan
Binilisan ko ang lakad ko upang di nya maabutan ngunit muntik na akong mapa likyaw nang may biglang humalbot sa braso ko pabalik
Narinig ko ang bulungan ng mga kababaihan at halos lahat ng naroon ay nasaamin ang atensyon
"Why are you avoiding mo huh? Gusto mong isigang kita ha?!" Badtrip na turan nya
Nakita kong naka bukas ang unang tatlong butones ng white uniform nya, naka black din syang pants at puting sapatos.
Pumasok sya
Ang alam ko may klase pa sya ng gantong oras ngunit tila narito sya saaming building ngayon para lang puntahan ako at guluhin
"C-Cloud bakit ka narito? Pumunta ka na sa room nyo." Napaiwas ako ng tingin dahil naiilang ako sa titig nya saakin
"Alright, but in one condition. Bawiin mo ang sinabi mo kahapon."
Napayuko ako dahil sa sinabi nya, gusto nyang bawiin ko ang sinabi ko na huwag na kami mag kita kahit kailan
"C-Cloud ayoko." Pinal na turan ko
Napasinghap ang naroon ng marahas nya akong hinawakan sa braso at matalim na tiningnan
"Tangina, napipikon na ako. Bawiin mo kung ayaw mong mag wala ako dito!"
Napalunok ako at buong pwersa na itinulak sya
"Ayoko!" Turan ko sabay takbo paalis
"Fuck!" Galit nyang turan at hinabol ako
Takbo ako ng takbo papuntang gate upang matakasan sya
أنت تقرأ
Madly Obsessed with Her (SANTILLAN SECOND GEN. #2)
العاطفيةSteven Santillan Simon Santillan Sinai Santillan Cloud Sison