Chapter 21

12K 284 9
                                    

"I told you don't move!" napipikon nyang turan dahil kanina pa ako galaw ng galaw

"E anong magagawa ko?! Masakit nga! Gusto mo sakalin kita?!" Singhal ko pabalik sa kanya

Kasalukuyan kaming nakaupo sa bench, sa malilong at walang init na gilid ng isang building

Pagkatapos kasi ng nangyari sa cr ay agad syang bumili ng gamot para ilagay sa sugat ko na nasa labi.

Kahit bully sya sakin, alam kong mabait sya.

Kaya lang, pinanganak yata kaming mortal na mag kaaway, dahil parehas kaming napipikon sa isa't isa kahit pa niyakap nya ako kanina!








"Damn, ang kulit."




Narinig kong bulong nya kaya agad nag salubong ang kilay ko na tumingin sa kanya






"May binubulong kang hudas ka?!" Mataray na turan ko sa kanya

Hindi nya ako pinansin at seryosong nag lagay ng ointment sa labi ko



Maya maya pa ay bigla syang umiling na animoy disappointed

Tumaas ang kilay ko dahil doon, "Oh bakit?"

Lumabas ang pilyong ngisi nya sa mapulang labi nya bago nag salita

"Akalain mo yun? May nag kagusto pa pala sayo, I don't know but for sure he's blind." May himig ng pang aasar na sinabi nya iyon


Aba tarantado ito ah! Binabawi ko na ang sinabi ko na mabait sya!


"Ah ganon, so bulag ka pala?" Asar ko sa kanya

Ngunit dahil sa sinabi ko ay biglang sumeryoso ang gwapo nyang mukha, natigilan din ako dahil sa sinabi ko


Tumahimik ang paligid at pakiramdam ko bigla akong nailang.

Napaiwas ako ng tingin dahil doon, kung bakit ba naman kasi iyon pa ang nasabi ko!











"I am not blind," Napalingon ako ng narinig ko ang paos nyang boses

Nakita ko na sumeryoso ang mukha nya at hindi makikitaan ng kung anong kalokohan




"And even if I lost my eyesight, I'm still sure that I like you." Puno ng kasiguraduhan na turan nya saakin








Dahil sa sinabi nya ay pakiramdam ko'y may kung anong malilikot na gumalaw sa loob ng tyan ko

Sa sandaling iyon ay pakiramdam ko'y tumigil ang mundo ko, wala akong naririnig kundi ang malakas na tibok na nang gagaling sa puso ko





Ano itong nararamdaman ko? Hindi ba't kay Steven ko lamang ito nararamdaman?

Anong ibig sabihin nito?



Dahil doon ay mabilis akong tumayo nang hindi manlang sya tiningnan

"A-Aalis na ako," tumayo ako at agad nag lakad ng mabilis nang hindi manlang sya nililingon











Ngunit hindi pa ako nakakalayo nang may biglang marahas na humila saakin pabalik

Napapikit ako nang maramdaman kong napasandal ako sa pader



Napaawang ang labi ko sa gulat nang makita ko kung gaano kalapit ang seryosong mukha ni Cloud saakin






Wala na ang pilyong ngisi nya, ibang iba ang isinisigaw na emosyon ng mga mata nya

Madly Obsessed with Her (SANTILLAN SECOND GEN. #2)Where stories live. Discover now