Chapter 2

16.1K 291 24
                                    

Rain

6 years later

"Nandito na si Oink oink! Padaanin nyo baka umiyak!" At nag tawanan ang ibang mga kaklase namin na naroon

Hindi ko sila pinansin at nag tuloy tuloy lang sa pag lalakad

"Ano? Wala ka pala Cloud e! Hindi ka pinansin ni Baboy!" Nag tawanan ang mga ito

Napairap lang ako sa isipan ko at tahimik na umupo na kung nasaan ang seat ko

"Tumahimik ka! Panuodin mo!" Rinig kong sabi nya at naramdaman ko na lumapit ito saakin


"Hoy baboy! Anong sabon mo hah?! Bat di ka namamansin? Gusto mo isigang kita?"

Tamad ko syang tiningnan at walang reaksyon na sumagot, "Ano na naman bang kailangan mo?"

Nakita ko na ngumisi sya ng pilyo at halatang sisirain na naman ang buong araw ko

Sya si Cloud Sison, ang anak ng Mayor na sobrang bully sa school namin

At pag minamalas nga naman ako ay naging kaklase ko sya ngayong Grade 10

Ewan ko simula yata unang pasukan ay ako na ang pinag tritripan nya, nila ng mga kaibigan nya

Palaging panloko sakin ay baboy o kaya ay Oink oink

Hindi naman ako ganon kataba, malusog lang at sabi ni Inay maganda naman daw ako

"Wala naman, pag sulat mo ako at tinatamad ako." Ngisi nito saakin at inilabas ang notebook nya

"Ayoko." Matigas na turan ko, ano sya sinuswerte?!

"Wala ka pala Cloud eh, kala ba namin alipin mo yan si Baboy? E bat di sayo sumusunod wahaha." Loko ng ibang mga   binatilyong lalaki sa kanya

Nakita ko na napikon ang mukha nya at inis na tinadyakan ang kalapit kong bangko

"Hoy ikaw! Umalis ka nga diyan sa katabi ni Baboy at uupo ako! Bilis!" Matapang na turan nya sa kalapit ko, kaya naman naginginig na umangat ito at lumipat ng upo sa pinakang hulihan

Napaka walang modo talaga nya, porket ba mayaman sila? At Mayor ang tatay nya dito sa San Isidro ay ganiyan na ang asta nya?

Mabuti pa si Kuya Steven, mayaman ngunit mabait

Teka bakit ko ba naiisip ito? Mali itong nararamdaman ko lalo pa nobyo na sya ni ate Jen ko


Muntik na ako mapatalon nang pabalyang ibinagsak ni Cloud-monyo ang notebook nya sa desk ko

"Ayan! Tinatamad ako mag sulat. Ipag sulat mo ako baboy kung ayaw mong letchunin kita!" Pilyong ngisi nya

Napailing na lang ako at sinunod ang gusto nya para walang gulo

Sana naman pag pinag sulat ko na sya ay tigilan na nya ako ngayong araw

######



Mag aalasais na nang makauwi ako saamin

Dapat ay alas kwatro pa ako ngunit tinapos ko pa ang mga sulatin sa klase, mahalaga iyon saakin dahil iyon ang nirereview ko bago mag exam

At dahil kay Cloud-monyo ay ginabi ako, ipinag sulat ko pa kasi sya at nag sulat din ako syempre ng para saakin


"Anak bakit ginabi ka na?! Delikado pa naman sa lugar natin dahil masyado pa ditong liblib. Dapat wag kang mag pagabi sa susunod!" Nag aalalang turan ni Inay

Ngumiti lang ako sa kanya, "Nagkaroon kasi kami ng gawain sa skwelahan Nay kaya po ginabi na ako. Sa susunod po hindi na mauulit."

Bumuntong hininga si Inay, "Oh sya, kumain ka na at baka gutom ka na."

Tumango ako at nag tuloy tuloy sa pag pasok ng bahay namin

Pagod kong ibinaba ang dala kong bag sa lamesa at uminom muna ng tubig dahil sa pagod






"Hi Rain, how are you?"

Muntik na ako masamid nang makarinig ako ng lalaking boses sa likod ko

Gulat akong napa lingon at hindi makapaniwala sa nakikita ko

Andito sya!

Akala ko ba sa susunod pang buwan ang ang balik nya?

Kahapon kasi ay narito sya, at dahil taga Maynila sya at probinsya itong amin ay halos isang beses lang sya nakakapunta dito


Napa iwas ako ng tingin ng mahina syang humalakhak

Lalaking lalaki iyon, at sa loob ng dumaang anim na taon ay hindi nag bago ang pag tingin ko sa kanya

Ngayong labing lima na ako, mas lalo lang lumala ang pag kagusto ko sa kanya kahit pa Bente singko na sya ngayon

At mas lalo din ako nasasaktan dahil mas narerealize ko na hindi kami pwede lalo



"I visited one of the orphanages here. It was my mom's, To make it short, I want to surprise your sister too." Ngiti nya saakin

Naintindihan ko ang sinabi nya, kaya pala narito sya

"A-Ah ganon po ba." Ngiting hilaw ko

"Yes, Can you help me? Today is our 6th year anniversary. Gusto kong sumaya ang ate mo." Turan nya at dahil doon pakiramdam ko sinasaksak ang puso ko dahil kitang kita ko sa mga mata nya na mahal nya ang ate ko

Alam kong mali, pero hindi ko mapigilan masaktan at mag selos.

Ang swerte ni Ate Jen




"O-Oo naman! T-Tutulungan kita Kuya S-Steven." Ngiti ko sa kanya at alam kong di umabot ang ngiting yun sa mata ko

"Great! So let's start." Mas sumaya ang mukha nya at mas lalo lang akong nahulog dahil sa sobrang gwapo nyang mukha












Isang oras din kami nag plano, bumili sya ng cake, balloons at flower para kay Ate

Tinulungan ko sya sa lahat ng iyon, pati din sila Inay ay tumulong saamin

Dumating ang kinagabihan, alas otso na at tanging hinihintay na lang ay si Ate Jen





Dumating ito at naging tagumpay ang plano namin

Nasurpresa sya at halos mangiyak ngiyak si ate na niyakap sya



"Thank you so much babe! Ako na yata ang pinaka masayang babae, mahal kita." Umiiyak na turan ni ate nang makalapit sa kanya si Kuya Steven dala ang bulaklak

Kumawala ang isang butil ng luha ko sa mata ko, kung titingnan ay parang umiiyak ako dahil sa tuwa para sa kanila. Ngunit kabaliktaran iyon, umiiyak ako dahil nasasaktan ako

"I love you too babe." Ngiti ni Kuya Steven at nakita ko na hinalikan nya sa noo si Ate Jen

Tumalikod ako at nag pasyang lumabas muna upang mag pahangin

Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga pag nasa loob ako at nakikita sila


Kung bakit ba naman kasi itong tangang puso ko ay nagustuhan pa ang taong hindi na pwede








Napa tingin ako sa kalangitan nang may dumaang wishing star

Desperada ngunit pumikit ako at humiling kahit alam kong malabo na










Sana... Sana dumating ang panahon na ako naman ang mahalin ni Kuya Steven. Sana ako naman ang kabaliwan nya nang higit pa sa nararamdaman nya para kay Ate.
Sana, sana saakin na lang umikot ang mundo nya.







#####

Be careful on what you wish for🤫

Madly Obsessed with Her (SANTILLAN SECOND GEN. #2)Where stories live. Discover now