Chapter 09

116 1 0
                                    

CHAPTER 09

MATAPOS KONG isulat sa isang page ng notebook ang ilang mga keywords at detalye para sa report namin sa Araling Panlipunan ay tumayo ako at lumapit kay Diana na siyang nakaupo sa sahig habang abala sa laptop niyang nakapatong naman sa mini table.

“Ito na, oh.” Nakangiti kong ibinigay sa kaniya ang notebook. Kinuha naman niya iyon at binasa.

“Okay na ‘to?” tanong naman niya na siyang tinanguan ko lang. “Sige, thank you.”

Bumalik na ako sa kinauupuan ko kanina. Si Diana kasi ang gagawa ng power point. Nandito kami sa bahay nila para dito. Kanina lang kasi ibinigay ng teacher namin ang gagawin at bukas na kaagad ang reporting.

Bumuntong-hininga ako habang pinapasadahan ko ng tingin ang mga kagrupo namin. Sina Catherine at Jam ay busy sa paglalagay ng kolorete sa mga mukha nila na siyang nasa tabi ko lang. Sina Jade at Cherry naman ay may kung anong pinag-uusapan na malamang ay nakakatawa, habang nasa sahig. While ang mga boys naman na sina Ronny, Kobe, at Khen Drix ay panay lang ang paglalaro sa mga cellphone nila na katulad nina Jade ay nakaupo rin sa sahig. Sabagay, ano pa nga ba ang aasahan mo sa mga boys?

Naibaling ko naman ang tingin ko kina Jinwoo at Kuya CJ na siyang tahimik na nakaupo sa magkabilang single sofa. Teacher mismo ang bumuo ng bawat grupo. At hindi ko alam kung anong naging basehan niya. Basta in-announce niya na lang kanina ang mga pangalan ng magkakagrupo.

Ipinikit ko na lang muna ang mga mata ko upang ipahinga ang utak ko. Kailangan ko pa kasing gumawa ng mga separate script and detail para sa mga miyembro ko dahil kailangan daw lahat kami ay makikita ng teacher namin na mag-report.

“Guys, nagugutom na ba kayo?” mayamaya ay tanong ni Diana kaya bigla akong napadilat.

Sabay-sabay namang sumagot ang mga classmates ko ng “oo”, especially ang mga boys. Sabagay, maski ako ay nagugutom na rin. After kasi ng dismissal ay dumiretso na kami rito sa bahay nina Diana.

“Jam, Cherry, samahan n’yo ‘kong bumili ng makakain natin sa labas,” yaya niya sa dalawa nang tumayo siya. Wala namang pag-aatubili na sinamahan siya ng mga ito.

Nang umalis sila ay naupo ako sa sahig at kinalikot ang laptop ni Diana para i-double check ‘yong ginawa niya. So far, tama naman lahat at walang kailangan na baguhin.

Tatayo na sana ako nang bigla akong may nakita sa sahig malapit sa akin, dahilan upang matulala ako at manginig.

Dahan-dahan akong gumalaw upang makatayo habang nanginginig pa rin ako sa takot. Nang biglang...

“Aaahhhhhhh!” napasigaw ako nang malakas nang lumipad sa direksiyon ko ang ipis! “May ipis! Ahhh! May ipis!” Nagtatalon ako at hindi na alam ang gagawin.

Nang sa hindi inaasahan ay may natapakan akong kung ano upang mawalan ako ng balanse! Sa sobrang bilis ng pangyayari, naramdaman ko na lang na may brasong pumulupot sa likod ko pangsuporta upang hindi ako matumba!

“Gwaenchanayo?” Are you okay?

Napatitig ako sa mga mata niyang tila ba pakiramdam ko ay hinihigop ako ng mga iyon. Ito na naman ako sa feeling na animo’y nag-slowmotion ang paligid, na kahit ang pagkurap niya ay kapansin-pansin dahil sa mahahaba niyang pilikmata.

“Yieeee! Anong meron, ha?”

Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Diana, kaya dali-dali akong lumayo kay Jinwoo at naupo sa sofa. Napansin ko naman ang isang lipstick sa sahig na tingin ko ay iyon ang natapakan ko kanina.

“Nawala lang kami sandali, may yakapan nang nagaganap? Kayo ha!” panunukso pa nito na may kasamang kakaiba ring ngiti.

“H-Hindi kami nagyayakapan, ha! Nawalan lang ako ng balanse k-kaya muntikan na akong matumba!” mabilis kong depensa sa sarili ko.

I Like SingkitWhere stories live. Discover now