Chapter 06

115 10 1
                                    

CHAPTER 06

NAG-INAT AKO ng mga braso nang magising ako dahil sa alarm. Bumangon ako at kinuha ang cellphone ko para i-check ang oras. Nanatili muna akong nakatulala sa kama bago ko napagpasiyahan na maghanda na para pumasok. Laking pasasalamat ko naman nang bigyan ako ni Mama ng pera. Mabuti na lang dahil kaunti na lang talaga ang naitabi ko.

Kagabi nagtanong sila tungkol sa nangyari sa paa ko. Pero dahil ayokong gawing big deal ang nangyari, sinabi ko na lang na nadulas ako at ang kaliwang paa ko ang siyang napuruhan.

Pagdating ko sa school ay sakto namang pagdating din ng teacher namin. Nagsimula ang discussion hanggang sa sumapit na nga ang English subject. Inaabangan ko rin talaga ang subject na ito dahil naalala ko ang sinabi ni April sa akin kahapon tungkol sa magiging project namin. Kinakabahan ako at na-e-excite at the same time.

“Good morning, class!” bati sa amin ng aming teacher. Tulad ng aming palaging ginagawa ay binati namin siya ng sabay-sabay bago kami umayos ng upo. Ngumiti sa amin si Mrs. Tuazon, hanggang sa dumako ang mga mata niya sa likuran, kung saan nakaupo ang bago naming mga kaklase. Kita ko sa mga mata ni ma’am ang pagkamangha sa mga ito. “Can you introduce yourselves to me?” aniya sa kanila.

Lahat kami napatingin sa likod nang tumayo silang dalawa at nagsimulang magpakilala. Nagsimula ring kumabog nang mabilis ang dibdib ko nang bigla na lamang napasulyap sa akin si Jinwoo. Agad kong ibinaling ang atensiyon ko sa harapan.

“Anyway, I have something to discuss with you,” panimula ni ma’am. And I have a guts that it is about our project. “I’m planning to give you a project.”

Lahat kami ay napasinghap at talagang tumutok kay ma’am. Malamang sila ay curious at kinakabahan sa kung ano ang magiging project namin. Subalit para sa akin ay hindi na ako mabibigla dahil nasabi na ni April sa akin ang tungkol doon. Advantage rin talaga ang pagkakaroon ng kaibigan sa ibang section.

“I decided to group you into three. And each group should make a script for your project.”

“Script? Role-play po, ma’am?” tanong ng isa kong classmate. Nagsimula na ring mag-ingay ang iba pa. Samo’t saring reaksiyon ang mababatid mo sa kanila.

“Initially, I considered having you guys do a role-play, but I’ve had a change of heart. Rather than a role-play, I’ve decided to convert your script into a film.”

Napaawang ang bibig ko. Film?

“Yes, you heard it correctly. You are going to shoot a film, which will serve as your final project for this quarter. I would like you all to select a leader for your group and, of course, a script writer. We will watch the final masterpieces from each group, and I will choose just one film to compete against other sections. However, do not worry, as I will also award an additional point to the chosen group. If that group wins the film battle or show, each member will receive an additional five points directly on their report cards. What are your thoughts on this? Does it sound fair and nice to you?”

Paniguradong kailangan naming paghandaan iyon. Kaya lang, effort, panahon, oras, at pera ang kailangan naming ilaan para sa project.

“And because there are fifty-four of you in this section, each group will have eighteen members. To be fair, I prepared a bowl with fifty-four pieces of small papers, each with three different colors. You will each draw one paper in alphabetical order of your surnames, and the color you draw will indicate your group. Do you understand?”

“Yes, ma’am!” sabay-sabay naming sagot.

Isa-isa kaming tinawag ni ma’am papunta sa harapan upang bumunot sa hawak niyang bowl. Lahat kami ay itinago lang sa palad ang mga pirasong papel na binunot namin. Dahil ayon kay ma’am, ay sabay-sabay raw namin itong titingnan.

I Like SingkitWhere stories live. Discover now