Chapter 02

187 14 1
                                    

CHAPTER 02

“We go and shout shout shout when we’re together~ 3, 2, 1 tteugeopge oecheo~ Hanaro keojyeoganeun moksori simjangi teojil deusi ttwigo isseo~ Shout shout shout neowa na gachi~ Sesangeul heundeureo nwa deo sikkeureopge~ Neol hyanghan nae maeumeul sorichyeo gaseum tteugeopge Shout out!~”

Nandito ako ngayon sa loob ng kuwarto ko habang naglilinis at sinasabayan ang kantang pinatugtog ko sa bluetooth speaker na kanta ng Enhypen entitled ‘Shout Out’.

“Honjaramyeon pogi haetgetji—” Nasa part na ni Ni-ki iyong sinasabayan ko nang biglang mawala ang kanta. Naipikit ko ang mga mata ko sa inis. Humugot ako ng malalim na buntong-hininga at umupo sa kama. Itinigil ko na rin ang paglilinis ko dahil nawalan na ako ng gana.

Hindi ko na kailangang lumabas pa ng kuwarto para malaman kung bakit all of a sudden ay namatay iyong song, kasi obvious naman na sinadyang patayin iyong sound. Obviously, si Papa iyon dahil nandito siya. Hindi na ako magtataka kung bakit. As usual, madalas nilang gawin iyon. They never supported me sa pagiging fangirl ko. Lagi akong nakakarinig ng kung ano-ano mula sa kanila. Especially, sa mga songs na hindi nila gusto at hindi naman daw maintindihan.

For how many years, being a fangirl is my happiness. Dito ako nagiging masaya, dito ako nagiging payapa. Kapag nalulungkot ako, pakikinggan ko ang mga kanta nila at panonoorin ko ang mga videos nila, at doon ay magiging masaya na ulit ako. Pero hindi nakasuporta ang pamilya ko roon. But it’s okay, as long as I’m happy, no one can stop me from being a fangirl.

Kinuha ko ang earphone ko at ipinasak iyon sa magkabila kong tainga saka ko pinatugtog ang fav song ko. Nasanay na rin naman ako sa kanila, kahit sa ibang tao. Well, hindi talaga nila kami maiintindihan. They will never understand kung bakit fan na fan kami ng mga iniidolo namin. They’re my inspiration, my solace, and my everything.

Habang nakikinig ng music ay naisipan kong mag-scroll sa newsfeed ng Facebook account ko. At ang kaninang inis na nararamdaman ko ay bigla na lamang naglaho nang makita ko ang bagong post ni Prince Kurt. It was his pictures. Nakangiti ako habang tinititigan ko ang mga iyon. Kahit saang anggulo, talagang napakaguwapo niya.

Ilang segundo pa ang itinagal bago ko sinave ang mga pictures na iyon at nagpunta ako sa comment section para basahin ang mga comments. And as usual, karamihan ay mga babaeng lubos na humahanga sa kaniya. Hindi ko rin maiwasan na hindi silipin ang profiles nila at nabuhay na namang muli ang insecurities sa loob ko.

Ang gaganda nila. Kahit sino sa kanila ay bagay kay Prince Kurt. Itinigil ko na ang pag-stalk sa kanila at in-stalk ko na lamang si Prince. Until now, hindi ko pa rin siya magawang i-add as a friend ko sa Facebook. Natatakot kasi ako baka hindi niya ako i-accept, lalo na at hindi naman niya ako kilala. Ayoko rin naman na maging isa lang ako sa mga followers niya kaya mas mabuti na iyong ganito.

Naiinggit ako kay April kasi mutual sila, pero naiintindihan ko naman kasi classmates silang dalawa, eh. Sana naging classmate ko na lang din siya baka sakaling friends din kami ngayon at nag-uusap kahit papaano.

Bumigat ang pakiramdam ko kaya naman nahiga na lamang ako at natulog. Kinagabihan ay nagising ako para kumain at natulog din agad. Pakiramdam ko kasi wala talaga ako sa mood.

Nagising ako ng umaga na hindi pa rin nagbabago ang mood ko. Hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko pero nalulungkot talaga ako. Inayos ko ang mga gamit ko at umalis na ng bahay para pumasok. Ngayon ay hindi naman ako nagmamadali kasi maaga pa naman.

“Angel!”

Pagpasok ko ng gate ay narinig ko ang pangalan ko. Pero hindi ko na lamang iyon pinansin kasi baka hindi naman pala ako ang tinatawag. Nasanay na ako sa ganoon dahil natural, ang dami ko kayang kapareho ng pangalan, hays. Kung may choice lang ako hindi ganito ang gusto kong pangalan.

I Like SingkitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon