Chapter 07

105 1 0
                                    

CHAPTER 07

“Uh... O-Oo. Nasa akin nga.” Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Hindi ako handa na makakaharap at makakausap ko si Prince Kurt ng ganito. “S-Sandali. K-Kukunin ko lang,” utal-utal kong paalam at patakbong bumalik sa upuan ko.

Nakakahiya. Halata kaya na kinakabahan ako?

Kinuha ko iyong script. Humugot muna ako ng isang buntong-hininga bago ako muling lumabas ng classroom. Laking pasasalamat ko rin dahil wala rito ang mga kaibigan ko at iba kong mga kaklase kaya walang manunukso.

“Ito ‘yong script.” Nahihiya kong ibinigay sa kaniya iyon na malugod naman niyang tinanggap.

He smiled. “Thank you,” he mouthed as he scanned the papers.

Ang guwapo niya talaga.

“Sige, alis na ako. Salamat ulit dito.”

Tumango na lang ako sa kaniya bilang tugon. Muli naman siyang ngumiti bago siya tuluyang umalis. Nailunok ko naman ang sarili kong laway habang patuloy pa rin sa pagtibok ang puso ko sa mabilis na paraan.

“Yow!” Someone snapped his fingers in front of my face, it was Kuya CJ. “Natutula ka na naman diyan? Kakaiba talaga epekto sa ‘yo ng crush mo, ‘no?” panunukso niya.

“Tsk.” Pinandilatan ko naman siya ng mga mata saka ako bumalik na sa upuan ko.

“Namumula ka yata? Aminin mo, mahal mo na, ‘no?” muling panunukso ni Kuya CJ na sumunod pala sa akin at umupo sa tabi ko na siyang puwesto niya.

Umiling-iling ako. “Hindi, ‘no. Crush ko lang naman siya. Inspiration ko lang siya, ‘yon lang ‘yon. Hindi na lalalim pa.”

Hindi puwedeng lumalim ‘tong paghanga ko kay Prince Kurt. Dahil alam kong wala rin naman akong mapapala. Sapat na iyong paghanga lang. Ayokong masaktan.

Hindi na umimik pa si Kuya CJ hanggang sa natapos ang klase. Noong uwian ay nag-usap-usap kaming magkaka-grupo tungkol sa project namin. Ipinakita ko sa kanila ‘yong script at ipinaliwanag. Natuwa naman ako dahil pasado sa kanila iyong ginawa kong script. Hindi rin naging mahirap para sa amin ang pumili ng mga gaganap bawat role. Siyempre, sina Hanri at Jinwoo na ang mga bida namin. Nagbigay rin sila ng iba pang mga suggestions kaya naging maayos ang pagpa-plano namin sa paggawa ng project.

Inabot siguro kami ng halos higit dalawang oras sa court bago kami nag-uwian. Sabay-sabay kaming lumabas ng school nang mamangha ang mga kasama ko sa dalawang kotseng nakaabang kina Hanri at Jinwoo. Nagpaalam sa amin si Hanri bago siya sumakay sa kotse nila. Si Jinwoo naman ay sumulyap lang sa akin. Habang naglalakad ay usap-usapan ng mga classmates ko ang tungkol kina Hanri at Jinwoo. Sa totoo lang, nakakainggit. Ano kayang feeling na maging may kaya sa buhay, ‘no? Ang suwerte nila dahil hindi na nila kailangang mag-commute. Minsan ang unfair talaga ng tadhana, madalas kasi sa mga good-looking ay maayos ang buhay. Paano naman kaming hindi na nga good-looking, hikahos pa sa buhay?

Pag-uwi ko ng bahay ay nagpahinga muna ako saglit bago ako kumain. Tinapos ko na rin muna ang mga assignments namin bago ako lumabas at nagtungo sa bahay nina April.

Pinapasok ako ng mama niya kaya naabutan ko siya sa sala na tutok sa cellphone. Bahagya pa siyang nagulat nang makita niya ako. Umupo naman ako sa tabi niya.

“Care to explain?” masungit kong panimula.

“Hehe.” Ngumiti ito na siyang dahilan ng pagkunot ng noo ko. “Bakit? Ayaw mo ba? Ako na nga ang gumagawa ng paraan para maglapit kayo, eh.”

I sighed. “Nakakagulat naman kasi. Sana man lang sinabihan mo ‘ko kaagad. E ‘di, sana nakapaghanda ako.”

“Surprise nga kasi ‘yon!”

I Like SingkitOnde histórias criam vida. Descubra agora