Chapter 2

5.4K 219 45
                                    

”You’re so kainis, Heixon! Go away nga! Nag-bo-bonding kami ni Kenz.”
Cleo pushes Heixon away.

Magkatabi si Cleo at Kenz habang siya ay nasa tapat ng dalawa. Nakatayo si Heixon sa tabi ni Cleo at kanina pa binubwiset.

"Birthday ni Kuya Dence, malapit na, samahan mo ’ko bumili ng regalo.” Heixon use the ace card to make Cleo come with him.

Nagkatinginan tuloy sila ni Kenz nang mabanggit ang pangalan ng ex nito. Ex-textmate.

“Fine!” Cleo surrendered and carries the Chihuahua na may damit at headband na pink who keeps on barking at Heixon.

Bonding ng magbestfriend, kaso nasama siya dahil wala naman siyang magagawa. Pwede rin naman niyang ma-bestfriend si Cleo. Kaso iwas siya sa mga conyo. #trauma #angtsafirstcrushaytrauma

“Nagtataka ako kung bakit ka nag-iisip, wala ka namang utak.” Untag ni Kenzie sa pagkatulala niya.

Napabuga na lang siya ng hangin at sumandal sa upuan. Nasa cafe sila. Sabado, isang linggo matapos ang pangalawang beses na pagkikita nila ni Chanel Hope.

”’Di ba may trabaho ka kada-Sabado sa Benj U? Day-off?” Usisa ng chismosa.

“Isang araw na nga lang sa isang linggo ang trabaho ko sa Benj U, may pa day-off pa? Ikaw ata ang walang isip, pre.” Pang-aasar niya pabalik sa kaibigan.

“Huwag mong iniiba ang usapan. Bakit nga?” Usisa nito habang sumisimsim ng kape.

Ewan kung sasabihin niya sa kaibigan. Mapang-asar pa naman ito. Pero sige na lang, parang wala naman silang pinagsamahan.

"Nag-resign ako.” Pag-aamin niya.

"Ha? Anyare, tol? ’Di ka naman ganyan, ah. The last time na nag-resign ka sa isang trabaho ay dahil umiyak ang secret first crush mo.” Takang anas ni Kenz.

Bumalik na naman sa isip niya si Chanel Hope. Hindi mawala-wala sa isip niya ang dalaga kahit na anong pilit niyang ikuble. Halos kahit saan kasi siya lumingon naalala niya ito. Kanina napatulala nga siya dahil nakakita siya ng galit na chihuahua, parang si Chanel lang kung galit. Hays.

"Anak ng may-ari si Chanel.” Sabi niya.
Kumunot ang noo ni Kenz at pilit na inaalala kung saan niya narinig ang pangalang nabanggit. Bago pa man niya ipaalala ay nanlaki na ang mata ng kaibigan at napatakip ng bibig.

”Si Chanel ang first crush mo?” Gulat na bulaslas nito.

“Sige lakasan mo pa. Nahiya ka pa, eh ‘no?” Sarkastikong saad niya sa kaibigan.

"Si Chanel na first crush mo?!” Ulit nito sa mas malakas na boses.

Nilagyan niya ng tinapay ang bibig nito para manahimik.

Ang ingay-ingay talaga! Pero kung nasa paligid naman si Dence sobrang tahimik naman nito.

Mabilisang ninguya ni Kenz ang tinapay saka nilunok. Kinuha pa nito ang inumin niya at ininom. Bestfriend talaga sila! Parehas makapal ang muks.

"Hindi ka pa rin nakakamove on kay Chanel kaya ka nagresign para makalayo?” Tanong ng marites.
Inirapan niya ito. Kaka-wattpad nito, kung ano-ano na lang tumatakbo sa utak.

“Inasar ko kasi, ayaw ko nang hintayin na masisante kaya ako na ang kusang umalis.” Pagsasabi niya ng totoo.

"Weh? Mamatay man, lods?” Pagdududa nito.

"Mauna ka, pre.” Irap niya dito.

Napahalakhak nang malakas ang kaibigan niya. Wala talagang kunting hiya sa katawan, hindi lang niya alam kung bakit wala itong tapang harapin si Dence sa kakapalan ng mukha nito. Char.

Works of Love (Hiraeth 2: Max And Chanel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon