"Be glad that you are cute," bumaling ako kay Sidra at ngumiti dito, "Sorry. Nag alala lang ako."

Umiling ito at hinalikan ang aking noo, "It's okay, love. I understand. Why are you here so early, though?"

Tumingin ulit ako sa puntod ni Papa, "Just want to say a few words to my Dad. Bibili na rin sana ako ng breakfast natin."

Tumango ito at tumingin din sa puntod ni Papa at lumuhod. I just watched her look at my father before I found myself tearing up at her words

"Good morning, Pa. It's Sidra." Nagsindi ito ng panibagong kandila bago muling umayos ng pagkakaluhod, "Alam niyo na naman siguro na... bukas na ang kasal namin ni Dione. Panigurado na sinabi niya na sa 'yo."

"Hindi ko pa po ata nasasabi sa inyo 'to noong buhay kayo but I want to tell you that Dione has been my strength ever since. Ngayon nadagdagan pa dahil kay Astrid."

I looked at her and saw how sincere she is while talking to my father. Kasama nito si Astrid na nakaluhod din doon while arranging her Lolo's flowers na dinala ko kanina. Hawak din nito sa isang kamay ang kamay ng Mama niya kaya para na naman lumambot ang aking puso sa nakita.

"There's no perfect marriage, Pa. But, I promise to do my best to make Dione and Astrid happy tulad ng ginagawa niyo sa kanila. You have my word, Pa."

"I'll love your daughter who will also be my soon to be wife, our daughter and all of the people they love. I promise to love them unconditionally. Until my last breath."

That's what she said barely audible but I still managed to hear it kahit na napakalakas ng kabog ng aking puso. This woman really never failed to make my heart pound sa kaniyang mga salita na sinasabi.

Well, that's because it's not just words, she's literally doing it with all her might. She's true to her words na pinapangako niya and that's what I love about her.

I can say that Sidra Exie Tuazon is the standard for me.

She made me fall for her words and actions. She made me fall for her constant patience, love and adoration she has for me.

Gosh, I love this woman.





















"Is everything ready?"

Ngayon na ang wedding namin dito sa San Sebastian Church. Hindi pa nagsisimula ang ceremony pero halos mawalan na ako ng hininga sa kaba at nerbyos. Sobrang daming what ifs ang pumapasok sa isip ko idagdag pa na laging panggulo si Soleil at lalo lamang ako pinapakaba.

What if hindi pumunta si Sidra? Pero, hindi niya naman gagawin 'yon e.

Hindi na kasi kami nagkita na dalawa after namin mag breakfast kahapon at ang huling kita na namin ay 'yung nakain kami. May sinasabi kasi sila na bawal daw magkita ang ikakasal dahil sa ano... basta! Bawal daw.

Miss ko na siya.

"Huy!" Gulantang na bumaling ako kay Adira ng kulbitin ako nito. Imbes na maawa ay tinawanan pa ako ng babae na 'to kaya nahampas ko siya sa braso.

"Bakit ka ba kinakabahan?"

"E hindi ko kasi alam e! First ko 'to, 'no?" Maligalig kong usal at hindi na naman mapakali. Inis ha!

"Malamang naman. Isang beses lang naman tayong kinakasal." Pabalang na turan nito kaya nahampas ko muli siya.

"Ouch!" Maarte na usal nito at inayos ang suot na gown. Siya kasi ang maid of honor na napili ko dahil ayoko naman na si Noah. Ayoko sa kaniya e.

Hinawi pa nito ang buhok at maarteng nagpaypay kaya napamaang ako. Tingnan mo 'to, hindi naman siya 'yung ikakasal, mas maganda pa sa akin.

"Ikaw ba 'yung ikakasal, Adira?"

Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon