"Ayoko na mawala pa kayo sa paningin ko," inangat nito ang tingin sa akin at nakita na ang malambot nitong mga tingin sa akin, parang noong dati lang, "Can you promise that you'll never leave? I swear to God, hindi ko kakayanin."

Seeing those crying eyes, na dati pa lang ay kahinaan ko na, tumango ako at wala sa sariling hinaplos ang pisngi nitong may luha. Napapikit ito ng mailapat ko ang mga daliri sa mukha niya.

Ngayon ko lang ulit naramdaman sa mga daliri ko kung gaano kalambot ang pisngi ni Sidra. Walang pinagbago sa limang taon paghihiwalay namin. Binibigyan pa rin nito ng magaan at mabilis na pagtibok ang aking puso.

Ngumiti ako bago tumango sa kaniya, "We promised not to leave your side. After all, hindi na din papayag si Astrid na mawalay sa 'yo."

She smiled when she heard that bago ibalik ang tingin sa anak, "She looks pretty, just like her mother."

Namula ako sa sinabi nito at napayuko. 5 years and her words still has the effect on me. Sobrang nahulog na talaga ako sa babaeng 'to.

"I am so happy na hindi mo pinabayaan na hindi alam ni Astrid ang pangalan ko. Thank you." Ngumiti ito ng matiwasay, na ginantihan ko lang din ng ngiti.

"You deserve it, Sidra. You're still the mother of my child," I told her kaya tumango ito at tumingin na ulit sa anak. Hindi din naman mawawala sa paningin ko ang pamumula ng dalawang pisngi nito.

"I actually saw her last week at a mall. She got lost and she told me she's with her nanny," nagulat ako sa sinabi nito bago mapakunot ang noo.

"Lost? What do you mean?" Tanong ko kaya kumunot din ang noo nito.

"Hindi mo ba alam tagalog ng lost? Nawawala daw siya—"

"Alam ko! Ang iniisip ko lang ay— argh! They're going to hear an earful from me!" Naiinis kong usal habang iniisip na ang mga sasabihin kay Noah at sa nanny nito. Sabi ko huwag pabayaan si Astrid e. Buti na lang at si Sidra ang nakita nito at hindi ang ibang tao.

"Chill, woman. Ako naman nakakita sa kaniya—"

"E kung hindi ikaw?" Mataray kong saad. Basta pag si Astrid ang pag uusapan talaga ay nagiging protective ako. Siya lang naging isa kong kasiyahan nung walang wala ako, hindi ko kakayanin kung pati siya ay mawala.

Magsasalita pa sana si Sidra when we heard a knock.

"Dione, baba na daw kayo. It's time for lunch," sabi ni Noah bago kami bahagian ng ngiti. Sinamaan ko ito ng tingin na ikinataka nito. "What?"

"We'll talk later." Mataray kong sabi kaya kunot noo akong tiningnan at inirapan nito noong hindi na nakatingin si Sidra sa kaniya. Talaga naman.

"Go ahead. I'll tuck her in, bumaba ka na doon."

I don't know but her voice became cold nung dumating si Noah at hindi na ako binigyan ng saglit na tingin ng itaas nito si Astrid para doon ipagpatuloy ang tulog nito.

Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon at aalis na sana ng magsalita pa ito na nagpatigil sa akin.

"What's going on with you and that guy?"

Lumingon ako sa kaniya ng nakakunot ang noo just to see her eyebrows are furrowed also but it is full of jealousy. Anong meron e pinsan ko 'yon tapos bakla pa? Mas mataray pa nga sa akin 'yon e.

Akmang magsasalita na ako when she dismissed me, "Nevermind. Just eat your lunch. Susunod na lang ako."

"Weird."

Habang nakain ng lunch ay dumating na din si Sidra ng nakabusangot ang mukha. Tumabi ito sa akin dahil doon na lang naman may natitirang upuan. Sinadya ata iyon ni Soleil dahil nakangiting aso ito ngayon sa aming direksyon.

Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon