Chapter 28.2

435 21 0
                                    

Shilo's POV
Nagising ako sa maingay na tunog sa gilid ko kaya kinuha ko 'yon at binato, umagang umaga e paka ingay.

Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman kong may umaalog sakin at alam kong si Kyle yon. Sya lang naman mahilig mang-alog ng tulog

"Ano ba?! Umagang umaga Kyle pwede ba?! Maya ka na manggising kairita!!" inis na sabi ko saka tinalikuran sya

"Ahh so you're irritated to me na? Okay. Labas ka nalang. I might annoy you pa." at naramdaman ko ang dahan dahan na pag alis nya

Hayyy!! Makakatulog din ng payap-

WAIT!!! Hindi naman nag-e-english si Kyle ah? Bobo nga yun mag-english e. Don't tell me... SI KEIRA BA 'YON?!

ANONG ORAS NA BA? NASAAN NA BA YUNG CELLPHONE KO?!

Tumingin ako sa banda kung nasaan yung bintana ko at nakita ko ang kanina ko pang hinahanap sa baba ng window ko. Paano yun napunta dun at sino maglalagay nito dun ?? Sa pagkakaalam ko pagkatapos kong replyan si Keira eh nilagay ko yun sa tabi ko

Nilapitan ko yun at kinuha. Shuta. BASAG! Ayaw sumindi hay nako! Makabili nalang mamaya.

Bumamaba na ako at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Napatingin ako sa lamesa at nakita yung tatlo na nakatingin sa'kin?

"Ano nanaman bang trip nyo? Saka Kylibag kelan ka pa natutong mag-english? Nanggigising ka pa!" sabi ko at uminom ulit ng tubig

"Ulul Kylibag amp! Saka hindi ako gumising sayo kundi si Keirra gag- Yuck puta SHILO! BAKIT KA NANDUDURA?!"

"Ay sorry hindi sadya pero gagi totoo ba? Si Kierra yung gumigising sakin?" tanong ko at sabay sabay naman silang tumango

"Oo kaya nga nagtataka kami kani-kanina kung bakit lumabas agad yun ng kwarto mo e, halatang wala sa mood" napalunok ako sa sinabi nitong ni Klyd

"Asan sya?"

"Nandoon sa sofa nanonood hindi mo ba nakita? Kaya nga nandito kaming lahat eh baka masigawan kami"

Haha Lagot.

Parking Lot | FreenBeckyWhere stories live. Discover now