Chapter 21

498 29 0
                                    

Shilo's POV
It's already 10 in the evening and napakilala ko na si keira kay lola at ngayon sila na yung nag-uusap. Ipinagpalit na ata ako ni lola hays

Habang nagtitingin sila sa ng old pictures ko sa album ay biglang may kumatok sa pinto. Dahil may bagong apo na si lola, tumayo nalang ako at ako na yung nagbukas ng pinto

Bumungad sa akin ang mga kamag-anak namin. Most of them ay pinsan ko lang kasi yung parents nila eh you know? Busy sa kanya-kanyang works at ang iba ay nasa ibang bansa

"Magandang gabi ho titas and titos" sabi ko at nagbless sa mga ito "Pasok ho kayo, nasa living room lang po sila lola" sabi ko uli at tinulungan silang magdala ng iba pa nilang gamit

"Sila? Who's with lola?" rinig kong tanong ng isang tito ko

"Ahh friend ko po tito! Pakilala ko po sa inyo pagpasok po natin" masayang sagot ko sakanya

Sumunod silang pumasok pagkapasok ko. Dumiretso muna kami sa sala kasama yung mga gamit nila. Inshort, naging tambakan ng gamit yung sa gilid ng sala ng bahay ni lola hahaha

Isa isang nagmano sila tita, tito and cousins ko kay lola at nagpalitan ng pagbati. Pagkatapos ay ipinakilala ko na si keira

"Titas, Titos, here's my friend po pala si Keira po. Keira eto pala si Tita Jhen, Tita christy, Tita pauline, and Tita josephine" isa isang turo ko sakanila at isa isa rin namang nakipag kamay dito si keira "Tapos... eto naman sila Tito Gab, Tito Neil, Tito Sandro, Uncle John and Uncle Fon" pagpapakilala ko naman sa mga tito ko at nakipagkamay din si keira sakanila

"Hello po! Nice to meet y'all po!" nakangiting bati nito sakanila

Pagkatapos ng pagpapakilala ay nagkwentuhan na sila. Tuloy lang ang tawanan at kwentuhan nila habang yung mga batang pinsan ko naman ay nakikinig sakanila. Halatang wala naman maintindihan 'tong mga 'to at halatang inaantok at hindi interesadong makinig.

Tumingin ako kay Keira na ngayon ay masayang nakikinig sa kwento ng mga matatanda. Ganda talaga neto. Buti nalang hindi nya nararamdaman na hindi sya belong sa'min.

Habang nag-tatawanan sila ay tumayo ako. Signal yun sa mga pinsan ko na sumunod sa'kin. Perks of being the oldest one. Mga late kasi pinanganak amp.

'Pagkadating ko sa kusina ay agad din namang dumating yung mga pinsan ko. Nagkwentuhan lang kami habang kumakain ng ice cream. Close naman kaming lahat so walang problema hehe

- 12:00am
"MERRY CHRISTMAS EVERYONE!" sabay sabay na sigaw naming lahat

Dumiretso kami sa mga hapagkainan at sabay sabay na nagsikain. Grabe si lola, halatang pinaghandaan 'tong paskong to. Pakadaming pagkain, pwede na mapakain buong barangay dito eh

Hindi nawawala ang tawanan habang nagsisikainan. Nagkkwento na rin kasi yung mga pinsan ko ng mga kalokohan nila. Kapag ganito yung nasa paligid mo talagang makakalimutan mong may problema ka

Nagpagames din si lola at syempre may prize. Agad naman sumali yung mga pinsan ko. Mga competitive ba naman.

"Ate keiraaa!! Tara po sali kaaa!" sigaw ng isa sa mga pinsan ko habang hila hila sya. Wala syang nagawa kaya pumayag nalang sya

I think this is the best christmas i ever had after ng death ng parents ko. I'm glad na sinama ko dito si keira

---

Parking Lot | FreenBeckyWhere stories live. Discover now