"Maayos na ako, 'nak. Hindi ko na kailangan 'yung chemo na 'yan to treat myself—"

"Pa..." I warned him but he just gave me a knowing look.

"Dione... hindi naman sigurado na mapapagaling ako ng chemo e. Instead na may stay ako dito sa hospital o kaya sa bahay, ipanggastos na lang natin 'yung is-spend sa isang...." Napaisip pa ito bago magliwanag ang mukha.

Kinakabahan ako sa ganiyang mukha.

"...Vacation!"

"V-Vacation?" Ngumiti ako pero kinakabahan. I have a bad feeling about this. "W-Where do you wanna go?" Tanong ko sa kabila ng kaba na nararamdaman.

"Boracay. I've never been there kahit na nakapunta na ako ng ibang bansa." Naiiling na saad nito at tumawa ng malakas.

Tumingin ako kay Mama to see her reaction pero nakangiti lang din ito habang pinagmamasdan si Papa. I guess, wala akong kakampi dito ngayon.

"Are you sure, Pa? Tatlo lang tayo..."

"Of course so I can spend more time with my grand—" agad na nanlaki ang mata.

"O-Of course!" Agad kong putol sa sasabihin nito habang siya ay napa bungisngis lang at napailing.

"Great, then!" Bumaling ito kay Sidra, " Come with us Sidra..." nanlaki muli ang aking mata. Pinandilatan ko na ng mata si Papa but he isn't looking at me, "...with your cousins. Alam kong miss na nila si Dione and it is a good time to catch up."

Sila Adira? Si Soleil? Miss ko na si Adira pero si Soleil? For sure, hindi pa non nakakalimutan 'yung utang kong bente sa kaniya dati, na pinambili ko ng buko juice sa tapat ng university.

Napakagat labi ako bago dahan dahan na bumaling kay Sidra, telling her to say no using my eyes but her eyes turn gloomy and dark bago iiwas ang tingin sa akin. There is something within those eyed nung tingnan ko siya and one of them is... mischief.

"Of course, Tito. I will gladly tell them. I'm sure they also miss Dione... like I do."

Hindi ko na narinig ang binulong nito dahil agad ng sumigaw si Papa, excitedly na parang bata kaya gulat kaming bumaling ni Mama dito pati na rin ng dalawang tao na nasa harap namin.

"It's settled, then! I'll tell my secretary to book it now."

Bumaling ako kay Mama bago kay Sidra, na ngayon ay nakatingin din sa akin kaya napayuko at pasimpleng napahawak sa ulo dahil sa stress na nararamdaman

Ayan na nga ba sinasabi ko.


















"Where are we going, Mommy?" Inosenteng tanong ni Astrid sa akin habang binibihisan ko siya.

Ngayon na kasi kami pupunta ng Boracay na sinasabi ni Papa. Kagabi ko lang din hinanda ang mga gagamitin namin papunta doon kaya mahigit tatlong maleta ang dala ko at isang bag.

"We're going to Boracay with Lolo and Lola," sabi ko dito kaya natuwa na naman ang bata at nagsisimula na naman ng talon kaya hindi ko mabutones ang susuotin nito.

"Baby, calm down. Hindi masuot ni Mommy 'yung shirt mo." Pagpapakalma ko dito na sinagutan lang nito ng mahinhin na tawa sabay sabi ng sorry.

Nang matapos ko ang pagdadamit dito ay biglang may malakas na kumatok sa aking pinto sabay ng isang pagsigaw hanggang sa manlaki ang dalawang kong mata ng malaman kung sino iyon.

"Hoy, Dione Chavez! Buksan mo 'tong pinto!" Natataranta na tumayo ako sa pagkakaluhod when Astrid held my hand.

"Who was that Mommy? They seem rude," ngumiti na lang ako sa kaniya at hinalikan ang pisngi niya.

Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️Where stories live. Discover now