Kabanata 4

6 0 0
                                    

I felt guilty after reading the message. Hindi ko kasi ugaling pansinin ang unknown number at hindi rin ko nagbubukas ng message requests kaya hindi ko siya nareplyan. Most of my friends call me through landline because of that.

I replied after knowing na si Rome pala ang nagmessage sa akin at naligo na rin. Pagkalabas ko ng banyo ay sumilip ako sa veranda habang tinutuyo ng towel ang aking buhok.

"Nice view." I whispered.

Tumigil pa ako doon ng ilang minuto qt pumasok na rin ako sa loob ng kwarto. Pagkatapos kong mag-ayos ay tumawag muna ako sa parents ko para malamang nakarating na kami. Pumasok sina Leilah sa kwarto para sabihing umpisa na ang party kaya tumango na lamang ako sa kaniya.

"Ma, Pa, hinihintay na pala ako sa baba. Call you later!" Pagpapaalam ko.

"Amethyst, iyong binilin ko sa'yo." Paalala na naman sa akin ni Papa.

Narinig ko ang pananaway na aking ina kay papa. Naalala ko na naman sinabi niya last time.

"Sige na at baka kanina ka pa nilang hinihintay. Enjoy the night, anak. Love you!" Mama said on the other line.

"Opo! Bye. Love you, Ma, Pa!" I ended the call after that.

I checked myself in the mirror bago ako lumabas. Ako na lang siguro ang hinihintay nila. Mabilis akong tumungo sa elevator. Bago magsara iyon ay may humarang na kamay at pumasok.

Iyong student teacher! Sabi ko sa aking isip.

Hindi ako nagsalita. I moved a little on the right side when he entered. Tumingin ito sa akin habang ako ay naglikot ang mata. Hindi ko alam kung paano magrereact so I smiled awkwardly and bowed a little.

"You've grown a lot, Amethyst." Biglang nagsalita ito sa gitna ng katahimikan.

Dahil hindi ko maalala ang encounter namin noon ay ngumiti na lang ako.

"Hindi ka pa rin nagbabago. Tahimik ka pa rin." Aniya.

"Ah, nagkausap na po ba tayo noon?" I asked politely.

He laughed a little. Medyo nahiya naman ako sa kaniya. Ngayong napagmasdan ko siya ay talaga palang gwapo at matangkad siya. Maganda rin ang pangangatawan niya. He's not the typical muscular man but you can tell that he's got those muscles underneath his clothes. Parang bumaba sa lupa si Adonis.

I blushed at the thought. Hindi naman siguro niya napansin iyong pagtitig ko. Titig lang 'yon. I wasn't drooling. Naa-appreciate ko lang ang itsura niya.

"Well, yeah. You used to study at my house with Rome and Vince. Hindi mo na siguro... maalala kasi matagal na rin iyon." He explained with his hands crossed.

The elevator opened before I could say something. Pinauna naman ako nitong lumabas. Kumaway sa akin si Charlotte kaya lumingon ako sa kaniya para magpaalam. Ayoko namang maging bastos kahit pa nagkasabay lang kami. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin at natawa na naman siya saka ngumiti. I smiled and went to my friends.

"Akala ko hindi mo kilala si Sir Jackson?" Nagtanong si Vince pagkadating ko habang may dalang drinks para sa akin.

Inamoy ko muna iyon dahil ayoko talaga ng alak. The last time I had it, I got wasted and slept on the floor. Grabe akong pinagsabihan ng parents ko no'n. Nagulat na lang silang makita ako sa sahig sa labas ng kwarto ko kinaumagahan.

"Don't worry. Non-alcoholic 'yan. Takot ko lang kay Tita at Tito."

He winked at me. Ininom ko naman iyon. Nagsasayawan na ang iba sa gitna. Napangiwi ako nang senyasan ako ng ibang kaklase namin. Mapa-babae o lalaki.

Hindi ako sumasayaw talaga.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."

Nilingon ko si Vince na kumuha ng isa pang baso na paniguradong alak. Kunsabagay ay matagal rin siya sa siyudad kaya hindi na nakakagulat na mataas ang tolerance niya sa alak.

"Ngayon lang. Naikwento kasi ni sir na doon daw tayo dati sa bahay nila nag-group study." Sagot ko sa tanong niya.

Mukhang naalala rin niya iyon kaya tumango lang siya. Humarap siya akin ng kaunti kaya lumapit ako para mas marinig ko siya. Lumalakas na kasi ang music dito. Napapasayaw na rin ang mga ulo namin dahil doon.

"Nagulat nga akong nalimutan mo si Jax." Aniya.

Jax?

"Sinong Jax?" Kunot-noong na tanong ko.

"Shit, si Sir Jackson! Labas tayo!"

Nilakasan niya ang boses dahil hindi na kami magkarinigan. Marahan niyang hinawakan ang kamay ko. Tumingin pa ako saglit sa mga kasamahan namin bago sumama sa kaniya dala ang baso ko at bote naman ang kaniya.

"Whoo!" Sigaw niya pagkalabas namin.

"Hoy, Vince! Bakit gano'n tawag mo kay sir?"

Naupo kami malapit sa dalampasigan. Ipinatong niya doon ang alak niya. Nakangiwi ko naman iyong tiningnan na kaniyang ikinahalakhak.

Buti na lang pala nag-tsinelas lang ako.

"Magkaibigan kami. Minsan kaming nagkita sa isang bar during my time in Manila. Then, he told me to call him Jax 'cause that's what he's called there."

Kaya pala parang magbarkada sila. Kaya rin siguro close sila ni Rome. Speaking of Rome, nakakapanibago pa rin siya. Hindi ako makapaniwalang iyong bland na kaklase ko noon ay ganoon na ang itsura.

Iba talaga nagagawa ng puberty.

Natawa ako sa naisip ko. Bad, Ami.

"So, ano iyong sinasabi mo na nagulat ka?" Tanong ko habang nagdrawing sa sand.

Iinom pa sana ako ulit nang makitang ubos na iyon. Anong halo kaya doon? Habang tumatagal ang sarap nong lasa!

"Hey, Ami. Amethyst!" Malakas na pagtawag sa akin ni Vince.

"Ano ba, Vince? Ang lapit ko lang." Mataray kong sinabi.

"Hindi ka naman yata nakikinig. Hay!"

He poured a drink for himself. Nainggit naman ako. Naubos na kasi iyong sa akin. Nauuhaw na rin ako.

Ipinakita ko sa kaniya ang baso kong walang laman at mukhang na-gets naman na niya iyon. Humalakhak siyang tumayo.

"Kaya pala tahimik ka na. I'll get you another non-alcoholic drink kasi baby ka pa. Don't go anywhere!" Paalala niya.

Hindi ko alam kung bakit kinuha ko iyong boteng iniinom niya. Inamoy ko iyon. Hindi ko na tinagka pang tumikim no'n dahil sa curious ako.  Amoy palang ay halos masuka na ako. Ibinalik ko na lamang iyon sa pwesto niya kanina.

Nagdrawing lang ako ng kung anu-ano habang naghihintay. Naiinip na rin ako.

Ang tagal naman ni Vince.

Medyo natatagalan na yata siya. Gaano kahirap pa haluin nong pinainom niya sa akin at ang tagal niya? Uhaw na uhaw na ako! Mainit na rin ang pakiramdam ko. Inalis ko na rin ang long sleeve top na suot ko dahil sa init.

Napatingin ako ganda ng dagat. Hindi ako mahilig sa mga ganitong outing pero feeling ko ang sarap talagang mag-swimming ngayon. Sinilip ko muna ang lugar kung saan ginaganap ang party at nakitang wala pa naman siya. Wala rin namang tao kaya tumayo ako.

Parang iniimbitahan ako ng alon na sabayan sila at lumangoy. All of a sudden, I felt giddy and excited. I took off my flats and walked near the waters. Nagulat ako at parang baliw na nakangiti.

Ang lamig!

Tumingin akong muli sa pinanggalingan ni Vince.

Wala pa naman siya, e!

I closed my eyes. Letting the cold wind as it embraces me under the moonlight. I never thought night would be this warm and cold at the same time. I opened my eyes and look at the small waves.

Waves, here I come!

How We EndedWhere stories live. Discover now