Kabanata 2

12 0 0
                                    

Tatlong araw na akong kinukulit ni Vince na sumama sa outing reunion nang elementary batch namin. Dahil nga malapit na magpasukan e gusto ng mga ka-batch namin na magkaroon kami ng reunion tsaka dahil na rin doon sa class president namin na magmi-migrate sa Canada at sa isa valedictorian namin na ikakasal na. Hindi naman sa ayaw ko magpunta doon pero kasi feeling ko pagtitripan ako doon ni Vince. Uuwi kasi sina Simon at Akiro.

And yes... naging crush ko rin sila na alam ng buong klase. I really enjoyed my childhood too much. Paano nga ba nila nalaman? Ayoko na lang alalahanin iyon dahil sobra pa rin akong nahihiya.

Hindi ko ba alam kung bakit lahat ng naging crush ko ando'n. Okay lang sana kung wala si Vince kasi aasarin lang niya ako. Si Jayden naman kasi ay hindi ako inaasar kahit pa alam rin niya. Let's just say na kumpara kay Vince ay mas chill at mature siya in a lot of things.

"Sumama ka na. Pupunta si Jay." Aniya.

Ito pa ang nakakaasar. Close pala talaga silang dalawa ni Jayden at nagpanggap lang sila last time na nagkita kami. At ang utak ng kalokohan, sino pa ba?

"Tigilan mo ako, Vicente, ha." Sabay hawi sa braso niyang may balak na namang umakbay.

"Galit ka pa rin? Sorry na. Sama ka na." Pagpapacute niya.

Nakakatawa ang itsura niya pero pinigilan ko ang tumawa. Patuloy siya sa pagpapacute at patuloy ko rin siyang pilit iniiwasan dahil hindi ko na kayang pigilan ang tawa ko. Mukha talaga siyang baliw.

"A-yo-ko. Ang dami ko pa ring gagawin." Palusot ko.

Nag-cross arms siya at pout na parang babaeng nagtatantrums. Inismiran pa ako. Sa halip na mainis ako, sumabog na talaga ang tawang pilit kong pinipigilan.

"Tama na, Vicente! Tama na." Natatawang sambit ko habang hawak ang tiyan at tinatakpan ang labi ko.

"Para kang babae, Vince." Natawa pa rin ako habang siya ay patuloy na nagpapacute na hindi naman bagay sa kaniya.

Just imagine a masculine guy acting cute tapos ang deep pa no'ng voice niya. Compared sa ilan kong kaibigang lalaki kasi ay mas mature na talaga ang pangangatawan niya dahil siguro sa hilig niya sa sports. Ewan ko pero natatawa lang talaga ako. Kaya hindi ako nakakatagal talaga ng inis sa taong 'to e. Nagawa talaga siya ng paraan para pansinin ko siya ulit.

"So, you're coming?" Aniya at umupo sa tapat ng seat ko.

Hindi niya talaga ako titigilan hangga't hindi ako napayag. Halos dito na siya tumira for the past few days para lang kumbinsihin ako. Kung anu-ano na pinagawa ko sa kaniya pero mapilit talaga siya.

Wala pa akong nakilalang nakaka-reach ng level ng kakulitan niya. In the end, I agreed.

"Yes!" Ngiting tagumpay na sambit niya.

Napailing na lamang ako. Magpapaalam pa ako sa mga magulang ko.

"Oo nga pala." Humarap siya na parang may naalala bigla. "Three days, two nights tayo." Dugtong niya.

I unconsciously raised my brow na agad niyang minasahe para mawala. Pero what?

One day reunion lang pupuntahan namin, 'di ba? Kadalasan naman kasi ay gano'n kaya nagulat ako.

Tinawanan lang niya ang reaksyon ko at nagpaalam na. Sinabihan niya pa sina mama at papa about sa reunion. Hindi na ako nagulat sa agarang pagpayag nila. Pero kung ibang tao iyong magpapaalam para sa akin ay kahit sleepover ay hindi ako papayagan.

"Payag agad kayo sa reunion ma, pa?" Asik ko.

"Oo. Pinagpaalam ka na ni Vince noong isang linggo pa. Hindi ko nga alam kung bakit umaayaw ka pa. Minsan lang naman ang reunion kaya sumama ka na." Sabi ni mama na parang wala lang.

How We EndedWhere stories live. Discover now