Kabanata 5

1 0 0
                                    

I swam and let my body float under the moonlight. Pero ilang saglit lang ay tumatakbong bumalik si Vince. I frowned when he returned empty-handed.

Nasaan na iyong drinks ko?

I heard him tsked and cussed. Natatawa naman ako habang pinapanuod siyang mukhang abot-langit ang problema. Hindi nagtagal ay hinubad niya ang shirt niya showing his upper body.

Gusto rin sigurong lumangoy.

Binalewala ko siya. I continued staring at dark the sky. Ang konti nga lang ng stars. Masarap palang magdagat kapag gabi. Next time, isasuggest ko kina mama at papa. Iniisip ko pa lang ay nae-excite na ako.

"Ami! I told you to stay there!" Asik niya nang malapitan ako.

Inirapan ko lang siya. Ang tagal kaya niya! Tapos mag-isa lang ako doon. Syempre tao lang rin naman akong alam ang salitang boredom.

"I can swim, Vicente. Chill! Masyado kang hot!"

Umayos ako ng tayo sa tubig habang winawagayway ang aking mga paa. Para ipakitang hindi ko naman nilulunod ang sarili ko. Naisapo niya sa noo ang kaniyang palad. Bakit ba parang problemadong-problemado siya? May nangyari ba doon at ganito siyang babalik?

"Are you drunk?" Tanong niya.

Hindi ko alam kung ako ba ang tinatanong niya o iyong sarili niya. Pero imposibleng ako naman iyong tanungin niya kasi hindi naman ako lasing. Non-alcoholic nga iyong ininom ko, paano ako malalasing?

"What?"

"Yes. You're drunk." He said in conclusion after asking.

Baka siya ang lasing. Dahil hindi naman ako ang lasing. Baliw talaga si Vince. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa pero natawa ako sa kaniya. Sa hitsura niyang hindi maipinta.

"Now, you're laughing. Damn!"

Lalo akong natawa. Para siyang natatae na ewan. Ang baho naman no'n, Ami! Humagikhik pa ako ulit.

Narinig ko pa siyang bumulong sa sarili. Something like patay siya sa parents ko kapag nalaman nila. Basta parang gano'n! Sobrang hina kasi kaya hindi ko rin sure.

"Umahon na tayo, Ami. Gabi na. Malamig na."

Wala na akong nagawa kasi hinila na niya ako. Nalulungkot naman akong lumingon sa dagat. Para silang nagbabye sa akin. Hindi pa ako satisfied, e!

Bye, little waves. Until then!

Pagkaahon namin ay nainitan na naman ako. Kung nananaksak lang ang titig, nakahandusay na si Vince. Humarap ito sa akin at inabot ang tuwalya. Umirap muna ako bago tanggapin iyon. I saw him gaped. Parang hindi kapani-paniwalang kaya kong umirap.

"Dadalhin na kita sa kwarto, Ami." Aniya nang makarecover sa irap ko.

"Ang aga naman, Vince. Para kang tatay ko ah!" Pagmamaktol ko.

Nahilo ako bigla at agad naman niya akong dinaluhan. Pinandilatan ko siya ng tingin pero mukhang nahihirapan siya sa hindi malamang dahilan. May sasabihin ba siya? Baka naman natatae nga siya tapos naging pabigat na ako.

Nainis ako sa naisip kaya umuna na ako sa kaniya. Nagmamadali naman niya akong sinundan. Habang naglalakad ako patungong kwarto namin, nakita ko si Jayden na nagwoworry at parang guilty. Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Ami! Teka lang!" Habol pa rin ni Vince.

Hindi ko siya pinansin at hinintay na magsalita si Jayden. Nangunot ang noo ko. Ka-hitsura niya kasi si Vince. I mean, iyong expression ng mukha niya.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Sep 27, 2023 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

How We EndedOnde histórias criam vida. Descubra agora