"You took everything! Kaya hindi ako magsasawang kunin lahat ng nasa iyo!" Galit na galit na sigaw niya.


"H-hindi kita maintindihan." Talaga namang wala akong maintindihan sa sinasabi niya.


"You can't remember, right?" Inis na sabi niya.


Hindi ko siya sinagot dahil wala akong masagot dahil litong-lito na ako.


"Ano pinagsasabi niya, Ate?" Tanong ni Hiro sa akin.


"Oo nga naman, you can't remember!" She said. "Because of you!" Dinuro niya ako. "Hinayaan nila ako, pinapatay nga nila ako dahil hindi ako kailangan at bawal sa pamilya ang may kambal!"


"Ano!? Anong klaseng pamilya 'yan!" Galit na sigaw ko. Paanong naging bawal sa isang pamilya ang magkaroon ng kambal na anak!? Alam ba nilang biyaya ang ganon?


Mapait siyang natawa. "Galit ako sayo...sainyo dahil ikaw ang pinili nila!" Sigaw niya. Nakita ko ang pagtulo ng mga luha sa kaniyang mga mata.


"Hindi magagawa nila nanay iyan!" Sigaw ko sa kaniya.


"At sino na namang Nanay ang tinutukoy mo?" Natatawang sabi ni Maiko.



Gulong gulo na talaga ako. "What I mean is our parents. Not Sarmiento Family, idiot!" Sigaw nito. Hindi ako sumagot sa kaniya.

Sabi nga ni Kevin sa akin na namatay na raw ang totoong mga magulang ko. Ngunit hindi niya sinabi sa akin ang dahilan ng kanilang pagkamatay at kung kelan. Kung tatanongin ko naman siya pa tungkol sa bagay na iyan, ang tangging sagot niya lamang ay "Matagal na 'yon."


"Sino ang matinong mga magulang ang ipapatay ang isa sa mga anak nila dahil may sumobra." Mapakla itong natawa. "Dahil sa walang pusong tradisyon na iyon." Galit na sigaw niya.


"What do you mean?" I asked.



"Ang kailangan lang nila ay isang anak, at dahil sa kambal tayong ipinanganak ay ipinadispatsa nila ako." Malungkot na sabi niya. Biglang kumurot ang puso ko.

That's horrible.


"Hindi ko naman kasalanang mabuhay ako sa mundong 'to." Sabi niya sabay punas ng kaniyang mata.


"I-I'm so s-sorry...hindi ko alam ang b-bagay nato—"


"STOP! Tanggap ko na! Kaya pinatay ko silang dalawa." Sabi niya sabay ngiti sa akin.

Kumunot naman ang noo ko. Silang dalawa?



"Dark Samuel Aderidge and Grabiella Alderidge is already dead!" Sabi niya sabay halakhak.



Bigla namang kumulo ang dugo ko. "W-WHAT?!" Alam kong malaki ang kasalanan ng mga magulang namin sa kaniya pero hindi rin tama ang ginawa niya.



"I KILLED THEM, VERONICA. THE BOTH OF THEM!!" Sigaw niya at tumawa ng pagkalakas-lakas. Para siyang loka-loka.



Naginit ang buong katawan ko. Nakakaramdam ako ng matinding galit sa kaniya. "YOU HAVE NO RIGHTS TO KILL MY PARENTS, MAIKO!!" Sigaw ko sa kaniya.


Nakita ko kung paanong natigilan ito. Nang makabawi ay ngumiti ito sa akin. "Oo nga pala ikaw lang pala ang anak nila." Pagkatapos n'on ay agad niya akong sinugod.

Sasapakin na sana ako nito sa mukha ngunit nakailag ako at tsaka siya inambahan ng suntok sa tyan. "How dare you!" Galit na sigaw ko sa kaniya.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIIМесто, где живут истории. Откройте их для себя