Chapter Sixteen

45 2 0
                                    

I woke up because of the small noises in my surroundings. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at napansin sila Nay Fe at ang dalawang kapatid pa ni Nessa. I looked for Nessa beside me pero wala na siya.

Napansin siguro ni Nay Fe na wala ako sa tabi niya binati niya ako. "Magandang umaga, Jackson."

"Good morning, Nay. Anong oras na po?"

"Mag-a-alas singko pa lang, anak. Matulog ka muna kung gusto mo't alam kong alas siyete ang bangon mo."

Nakakahiya naman kung gising na silang lahat at ako na lang ang tulog. Bumangon na lang ako at inayos ang higaan ko. My mind was still wandering. I was sure Nessa slept with me last night.

Speaking of her, pumasok siya na may hawak na isang tray at apat na mug. Her eyes darted on me and smiled.

"Good morning, gising ka na pala. Gusto mo rin ng kape?"

Binigay niya ang kape sa mga kapatid niya at kay Nay Fe, pero umalis din ang mga ito. Akmang aalis na si Nessa nang sabayan ko siya.

"Saan ka pupunta?" I asked.

"Gusto mo rin ba ng kape? Ipagtitimpla sana kita."

"Sama ako." I made sure no one was around before I dropped my question. "Anong oras ka nagising? You weren't around when I woke up."

"Ah, nagising ako ng bandang alas dose. Lumipat na ako sa kuwarto ni Fatima no'n. Akala ko kasi mahuhuli ako ng gising, mahirap na."

Oh, right. We were so cautious last night, dahil baka mahuli kami ng mga kamag-anak niya. Nessa said her parents are still conservative and might get mad at us if they saw us sleeping together.

Her father greeted us in the kitchen. Minamata pa ako kay mas kinakabahan ako sa magiging galaw ko. I distanced myself a bit from Nessa because she said her father is more strict.

"Magandang umaga po, Sir," bati ko at medyo nag-bow.

"Uncle na lang, hijo," he replied. "Nagkape ka na ba?"

"Ipagtitimpla ko na nga po siya, Tay," sagot naman ni Nessa.

Umupo ako sa katapat na silya ng Tatay niya. I tried to avoid eye contact as much as possible, pero nasa nature na yata nila ang pagiging welcoming at curious.

"Kumusta naman ang anak ko sa Maynila, hijo?" Nessa's father asked.

"I think, maayos naman po siya. Nakukuwento niya kayo minsan sa akin."

"Ah, gano'n ba? Nasabi niyang gusto mo siyang pag-aralin, at sa private school pa raw. Hindi ba't mahal doon, hijo?"

"Mas mahal nga po, Uncle, pero sinisigurado ko lang pong maayos ang magiging pag-aaral niya."

"Aba'y salamat kung ganoon. Matanong ko lang, ano ba ang trabaho mo, hijo?"

"I'm a social media influencer po. Karamihan naman po sa contents ko ay tungkol sa pagta-travel. Bukod po roon, may hati rin ako sa kompanya ng pamilya namin."

"Wala bang kapalit iyang pagpapa-aral mo?"

Sakto namang dumating si Nessa dala ang kape ko. Tinapik-tapik niya ang balikat ng ama.

"Natanong ko na po sa kaniya 'yan, Tay. Ang sabi niya ay gusto niya lang talagang makatulong."

Happiness flashed through her father's eyes as he looked at me. "Tatanawin naming utang na loob ito, hijo. Alam kong gustong-gusto ng panganay naming makapagtapos ng pag-aaral."

I smiled. "Thank you, uncle."

I took a sip of my coffee and glanced at Nessa. Dahil nasa likod siya ng Tatay niya, hindi napansin ng matanda ang pag-kindat ni Nessa sa akin. Gusto kong kiligin pero kaharap ko ang tatay niya kaya huwag na lang. What I did was I gulped my coffee even though it was piping hot para may dahilan ako para pagpawisan. I immediately got sweaty and felt the burning sensation on my tongue. I coughed a few times at pati ang tatay ni Nessa ay nagtanong kung ayos lang ba ako.

Chasing Fate [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon