Chapter Eleven

38 2 0
                                    

Tirik ang araw nang makarating kami sa park. It was already twelve when we got there. Maraming tao dahil sabay-sabay na lumabas ang mga estudyante mula sa public schools na malapit at pati na rin ang ilang nagta-trabaho sa munisipiyo na nasa mismong tapat ng park.

"Grabe, ang init," Nessa said while carrying our basket.

I opened an umbrella and took the basket from her. "Doon tayo sa mga kubo nila."

Mayroong parte ang parke na may magkakatabing nipa huts at sa tapat no'n ay isang malawak na damuhan. Pumwesto kami sa kubo na malapit lang sa mga nagbebenta ng iba't ibang street food. Habang binubuksan si Nessa ang mga baunan namin, bumili ako ng maiinom.

"Hey, Nessa," bati ko sa kaniya pagbalik ko.

She immediately shifted her gaze towards me. "Oh?"

"Pagkatapos nating kumain, dito muna tayo."

She nodded and handed me a plate. Walang nagsalita sa amin. Tahimik siyang kumakain habang ako ay nagb-browse sa social media accounts ko. Habang may binabasa ako, narinig ko ang malalim na buntong-hininga niya.

I looked at her and she was staring at something. Sinundan ng mga mata ko ang tinitingnan niya. It was a group of college students eating with notebooks and laptops beside them. There was a subtle smile on Nessa's lips, but a hint of sadness is visible in her eyes.

"Huwag muna tayong mag-review!" dinig kong saad ng isa sa mga tinitingnan ni Nessa.

They were talking about cutting their classes and going on a party. It took them quite some time bago pumayag ang lahat sa kanila at umalis sa tabing kubo rin.

"Bakit gano'n sila?" she asked. "Ako ang nanghihinayang sa ginagawa nila. Kung ako lang ang nag-aaral ngayon hindi ako mag-bubulakbol."

"Let them. It's all a part of life, Nessa."

"Responsibilidad kaya nilang mag-aral nang mabuti. Sigurado akong may expectation ang mga magulang nila sa kanila, pero gaono'n naman ang ginagawa nila."

"Nessa, listen to me. Sinabi ko nga, parte 'yan ng buhay. Let them do what they want to do and let them be. Malay mo naman, they did something that is really worth partying for." I sighed. "Don't get me wrong, Nessa, ha? Wala akong masamang gustong sabihin."

Hindi na siya nagsalita pero halatang malalim pa rin ang iniisip. Naalala ko ang sinabi niya sa akin noon na gusto niyang bumalik sa pag-aaral. Maybe she is just sad because of it. Of course, kung ako ang nasa sitwasyon niya at nakikita ko ang ibang tao na parang binabalewala ang mga bagay na gusto ko, I would feel bad, too. I would want to be in their shoes and do better than them. Maybe that's what she's feeling.

"Gusto mong mag-aral ulit, 'di ba?" I asked her.

She smiled a bit. "Oo, siguro kapag nakaipon na ako ay babalik ako kaagad."

"Why don't you try to take your documents from the province."

Tiningnan niya ako nang nakakunot ang noo. "Documents?"

"Iyong forms na kailangan para makapag-enroll. Kung gusto mo, ask 'Nay Fe so she could send them to you."

"Aanhin ko naman 'yon, eh wala pa nga akong ipon?"

"May trabaho ka naman na."

"Oo nga!" she said. "Pero siyempre mag-iipon muna ako. Hindi naman mapupunta sa akin ang lahat ng perang 'yon. Magpapadala ako sa kanila ng pera. Mag-iipon ako ng para sa akin, at para sa emergency funds nila kung sakali."

My brow raised with her last statement. "You're already giving them money. Bakit shoulder mo pa rin ang emergency funds nila? Hindi ba nila kayang mag-ipon nang sila-sila lang?"

Chasing Fate [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon