Napahinto sa pag-angat ang kaniyang paa at dahan-dahang bumaling sa akin. Napaatras ako sa kinatatayuan dahil sa masama ang tingin na ipinukol niya sa akin.

"Why did you always mention his name?" he asked, using his usual icy voice.

"Nagtatanong lang—"

"I don't care. Don't bother to find him dahil nandoon na sila sa Palawan at ako lang mag-isa ang bumalik," pairap niyang tugon sa akin.

"Babalik ka ba—"

Hindi ko na naituloy ang balak na itatanong sa kaniya dahil tumalikod na ulit siya at diretso na siyang humakbang paakyat sa hagdan ng hindi lumilingon sa akin.

Napasimangot ako dahil sa inakto niya. Pero ano pa nga bang aasahan ko sa kaniya. Kahit ano naman sigurong gawin ko hindi na mawawala ang galit niya sa akin.

Sumapit ang hating gabi nang natapos na ako sa pagsasampay. Automatic naman kasi ang washing machine at diretso na rin ito sa pagbabanlaw kaya pagsasampay na lang ang kailangan kong gawin.

Nag-unat ako ng mga braso habang nakatingin sa hagdan. Kanina pa kasi hindi bumababa si mokong hindi ko tuloy alam kung kakain pa ba siya. Wala pa naman akong niluto na pagkain.

I went back to my room and quickly wash my body para handa na sa pagtulog. Binilisan ko na lang ang pagbibihis bago naisipan na akyatin sa taas si mokong.

Nang nakarating sa harap ng kuwarto niya ay saglit akong natigilan. I felt a little bit strange dahil dalawa lang kami ngayon sa bahay.

Pinilig ko ang aking ulo at mabilis na kinatok ang kaniyang pinto.

"Sir?" tawag ko.

Nakailang katok na ako sa labas ng pinto niya ngunit walang sumasagot mula sa loob. Nagpatuloy ako sa pagkatok ngunit nanatiling walang sagot mula sa loob.

Bumaba ang kamay ko at bumuga ng marahas na hangin.

"Bahala ka nga!" iritadong bulong ko sa sarili at akmang tatalikod na nang bumukas bigla ang pinto.

"What?"

Nangunot ang noo ko dahil sa tono ng boses niya. It's not the usual tone he used to me. It was soft and seemed fragile.

Dahil doon ay mabilis akong lumingon sa kaniya.

Nakakunot ang kaniyang noo habang diretsong nakatitig sa akin. Naghihintay ng sagot.

"Uh... magtatanong lang kung kakain ka ba?"

Saglit na bumaba ang tingin ng mga mata niya na para bang nag-iisip bago ibinalik ang tingin sa akin.

"Just soap," he said softly.

Lalo akong nagtaka.

Akmang bubuka ang bibig ko ng muli siyang nagsalita.

"Please, make me soup. Any kind will do," dagdag niya sabay sarado ng pinto.

Napanganga ako. Napakurap-kurap. Hindi inaasahan ang narinig.

Did he say please?

Hindi ko namalayan kung ilang minuto akong nakatunganga sa labas ng kuwarto niya. Namalayan ko na lamang ang sarili na bumababa ng hagdanan upang magtungo sa kusina.

After a couple of minutes I'm finally done with his soup. Chinese soup na lang ang ginawa ko dahil iyon lang ang madaling lutuin.

Siguro gusto niya lang mainitan dahil nga nabasa siya ng ulan.

Habang bitbit ang tray na may bowl at may umuusok na sabaw ay hindi ko mapigilan ang mangiti. I admit, my mood suddenly turned light when I heard his words a while ago. It's like we are not going to argue today.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 22, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Irresistible Series 2: Lost in Fire (Ongoing)Where stories live. Discover now