Kabanata 2

375 35 4
                                    

Kabanata 2

Pikon


“What the fuck are you doing?!” sigaw niya mula sa loob ng silid kaya dahan-dahan akong humakbang paalis ngunit agad ding bumukas ang pintuan ng kuwarto niya.

Napapikit ako sa kaba. ‘Patay.’ 

“Where the hell are you going now?!” singhal niyang muli.

Napakagat labi ako at kahit nanginginig sa kaba ay dahan-dahan pa rin akong lumingon sa likuran. Umikot pa ang mata ko bago pinermi sa kaniya. 

Madilim na naman ang mukha niya.

“A-Ako ba kausap mo?” patay malisya kong tanong kahit na alam ko naman ang totoo.

Nag-igting ang bagang niya pati na ang panga. Bakas ang iritasyon sa mukha ngunit ang malikot kong mata ay walang pakundangan na unti-unting bumababa sa basa at malaki niyang… katawan.

Napalunok ako at naiwan na nakabukas ang bibig habang sinusundan ng tingin ang butil ng tubig na gumagapang pababa sa malapad at malaki niyang pangangatawan na tanging tapis lang ng tuwalya ang nakatapal.

Lumabi ako, napalunok ng ilang ulit na para bang natutuyo ang lalamunan ko sa nakikita.

Para akong nasa passion show model na inaabang-abangan. 

Ngunit maya-maya lang ay natauhan ako at napaigtad sa kinatatayuan nang malakas siyang tumikhim na pumukaw sa akin at nagpabalik sa ulirat. 

Agad akong yumuko dahil sa kahihiyan. 

Oh, Lord patawad. 

“Tsk, done eyeraping me?” sarkastiko niyang akusa kaya umangat ang ulo ko patingin sa kaniya.

Nakataas ang isa niyang kilay habang titig na titig sa akin na wari’y sinusuri ako. Seryoso ang mukha sabay galaw ng kaniyang magkabilang braso na pinagkrus sa harap ng dibdib.

Nanatili ang mata niya sa akin. 

Pero iyong isip ko lumilipad pa rin sa loob ng tuwalya. Ano kayang makikita ko kapag kumalas ang tela? 

 Katawan niya pa lang maskulado na paano pa kaya kung—.

Nag-init ang mukha ko dahil sa kakaisip sa bagay na iyon kaya agad kong pinilig ang ulo upang maiwaksi ang karumihan ng utak.

“H-Hindi naman, ah?” maang kong sabi. “Ikaw itong nakahubad, eh!” 

“Tsk,” bulong niya kaya napasimangot ako. “What do you need? Next time you should knock. You should know how to respect someone’s privacy,” sermon niya pa.

Kahit kailan talaga napakasuplado ng tao na ito. Pinaglihi yata ni Ma’am Mayumi sa sama ng loob. Ang layo-layo ng ugali niya sa dalawa niyang kapatid.

“Kumatok naman ako ilang beses. Kaso hindi ka sumasagot kaya binuksan ko ang pintuan mo kasi nagugutom na po ang inyong kapatid kasalanan ko bang hindi kayo marunong mag-lock ng pinto kung maghuhubad kayo? 'Tsaka bakit hindi muna kayo nagbibihis sa banyo para walang nakakakita sa katawan mo? Tapos ngayon sisisihin mo ako, eh, nakita ko na. Marami na akong nakitang gan’yang abs at walang binatbat iyang sa’yo. Kumbaga sa pandesal walang laman. Ampaw!” dire-diretso kong sinabi, walang preno kaya habol ang paghinga ko nang natapos akong dumepensa. 

Sumulyap ako sa kaniya at nakitang napanganga itong nakatitig sa akin.”

“Ano sir bibigyan mo ba ako ng pambili ng pagkain o tutunganga tayo rito buong maghapon? Nagugutom na ang kapatid mo ayaw mo naman sigurong mapagalitan ng magulang mo dahil sa sobrang suplado mo—” natutop ko ang bibig ko dahil sa mga salitang hindi ko na napigilan pa.

Irresistible Series 2: Lost in Fire (Ongoing)Where stories live. Discover now