Chapter 16

4K 119 12
                                    

Justine

Pag labas ko ng classroom ay dumiretso na kaagad ako sa may library. Pero habang nag lalakad ako ay nandyan na naman ang mga nakakasalubong ko na estudyante na malamang ay ako ang pinag uusapan ng mga ito.

Ano ba naman ang mga yan at hindi man lang nila itinago sa akin na ako talaga ang topic nila. Kainis lang mga chismosang palaka.

Nang makarating ako sa library ay dumiretso na kaagad ako sa may pinaka dulo at sulok nito. Gusto ko muna mapag isa kahit ngayon lang.

Sobra na ang stress na nararamdaman ko sa totoo lang. Inaalala ko rin kasi kung ano ang maging reaction dito ni Antonnette. Malamang na magagalit talaga yun at ang inaalala ko pa ay baka pag bintangan pa ako na ako ang may pakana ng lahat ng ito.

Malay ko lang naman sa bagay na yu. At isa pa ay bakit ko naman ito gagawin diba? Sabi ko nga ang gusto ko lang ay tahimik ang buhay ko at wala naman akong gusto sa kanya para gawin ko ito. Hindi pa naman ako nasisiraan ng bait para gawin ko ito no.

Kumuha lang ako ng book at kunyari nag babasa pero sa totoo lang ay wala dito ang isip ko. Nasa kung ano ang gagawin ko para maiwasan ko ang kumakalat na picture namin ni Antonnette sa internet.

Feeling ko tuloy para akong isang celebrity na nasangkot sa isang iskandalo. Nakaka stress grabi.

Ganito pala kapag naging sikat ka. Lahat na lang ng kilos mo ay may mga matang nakatingin sa iyo. Kaya kunting kibot mo lang ay may masasabi na sila kaagad.

Malayo na ang takbo ng utak ko at nagulat na lang ako sa pag tunog ng phone ko. Naka maximum volume pala ito kaya naman pinag tinginan ako ng mga estudyante na nandito sa library at masama ang tingin sa akin.

Gayun din ang librarian na binigyan pa ako ng warning nito. Mabilis naman na nag peace sign ako sa mga ito at agad silent ang phone ko.

Sino ba itong walang hiya na nag text sa akin? Agad na tinignan ko naman kung sino yun. Number lang naman siya. Kaya hindi ko na pinag aksayahan pa na tignan kung ano yun.

Madalas kasi na mga bugos lang naman ang mga yun na gustong mang luko sa mga tanga na naniniwala na nanalo ka sa ganito at need mo na e claim.

Pero paano ka naman mananalo eh hindi ka naman sumasali sa anuman na mga pa games nila. Hayst

Maya lang ay nag vibrate naman ito. Mukhang tumatawag ang number na iyon. Kaya cancel ko lang. Malay ko kung maya ma hack pa nila at kung ano pa ang gawin nila diba.

Pero makulit ang tumatawag na ito kaya naman napipilitan na sinagot ko na iyon. Baka kasi important lang sya. Pero kung hindi naman ay papatayin ko na lang kaagad.

Pagkasagot ko pa lang ay para ko ng gustong ilayo ang phone ko sa aking tenga. Paano naman kasi ay ang sigaw ng kung sino ang narinig ko. Ang sakit sa tenga.

"Asan ka!!!? Puntahan mo ako dito sa may garden at need natin na mag usap. Ngayon na!!!" Sigaw na utos sa akin nito.

Medyo na bosesan ko naman na na si Antonnette itong tumatawag sa akin at hindi naman halata na galit na galit ito ngayon.

Halos pag pawisan naman ako ng malapot dahil doon. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Nag mamadali na inayos ko na ang gamit ko at inilagay na rin yung books na binabasa ko sa shelf at nag mamadali ng umalis.

Mabibilis ang hakbang na dumiretso na ako sa may garden. Baka kasi mas lalo lang ako samain dito kapag pinag hintay ko pa ito ng matagal.

Hindi na rin matigil sa kaba ang dibdib ko. Natatakot ako sa totoo lang. Kahit na hindi ko dapat na maramdaman ito dahil alam ko sa sarili ko na wala naman akong ginawang masama ay hindi ko maiwasan.

Parang feeling ko tuloy ay sa salang na ako ngayon sa death finalty. Hayst kainis ka self dapat hindi ka kabahan at matakot ng ganyan dahil wala ka naman ginawang masama.

Nang makarating na ako sa may garden ay nakita ko ito na naka upo sa may bench at nakatalikod sa akin.

Huminga muna ako ng malalim at dahan dahan na nag lakad palapit sa kanya. Mas lalo lang naman akong kinakabahan.

Nang makalapit na ako ay siya naman ang pag lingon nito sa akin. Naka kunot na kaagad ang noo nito at masama na naka tingin sa akin.

Hula ko lang ay galit ito sa akin. Sabagay hindi ko naman ito masisisi kung mag isip sya ng masama sa akin. Dahil ang buong akala nito ay may gusto nga ako sa kanya na tamang hinala lang naman.

"Ano yung issue na lumalabas ngayon about sa ating dalawa ha Justine!!!?" Galit kaagad na bungad nito sa akin habang pinapatay na ako nito sa sama ng tingin nito.

Sasagot na sana ako pero nag salita na muli ito.

"Sinasabi ko na nga at parang kinakabahan ako dyan sa pag mamagandang loob mo kono sa aming mag kakaibigan eh. Kung talagang wala kang intention na masama eh ano itong kumakalat na ito ha? Huwag mong ikaila man lang o e tanggi na wala kang alam sa bagay na ito dahil hinding hindi ako maniniwala sayo.!!!" Galit na galit na turan pa rin nito.

Naka kuyom ang kamao pa nito an parang gusto na akong suntukin nito.

Hindi ko naman alam kung ano ang e sasagot ko pa sa kanya. Dahil nga sa pinangunahan na naman ako nito at puro hinala na lang ang mga pinag sasabi niya na wala namang katutuhanan.

Paano na ako ang kukuha ng picture na yun eh buhat buhat ko nga ito? Common sense ba. Gusto ko sana na sabihin sa kanya yun pero huwag na lang at baka lalo lang akong samain sa kanya.

Maya lang ay lumapit na ito sa akin na bigla ko na lang ikina atras dahil sa gulat.

"Alam mo bang dahil sa ginawa mo ay halos sumabog na ang aking notification dahil sa mga nag tatanong kung totoo ba ang bagay na yun. Pinapababa mo lang ang reputation ko dahil sa ginawa mo. Pero hindi ko ito palalampasin ng ganun ganun na lang kaya kailangan mo na mag bayad sa akin ng malaki. At hindi basta basta ganun ganun na lang yun." Sabi pa nito habang panay ang hilot nito sa kanyang sentido na para bang ang laki ng problema na naibigay ko sa kanya.

"Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit may ganun na lumabas na mga picture at kung sino ang kumuha nun. Pero I swear to god na wala akong kinalaman sa bagay na yun. Hindi ko naman na naisin na ma involved pa sa iyo kahit na sa hinagap ko. Kaya sana maniwala ka na wala akong kinalaman doon. Malinis ang hangarin ko na tumulong sa inyo ng araw na yun at walang ibang intention ako na ikasasama nyo o ako." Mahinahon na paliwanag ko naman dito ng side ko.

Ayaw ko naman na basta basta na lang na mam bintang ito na hindi ko man lang naipag ta tanggol ang aking sarili. Lalo pa nga at hindi ko naman talaga ginawa yun.

"Huwag ka ng mag dahilan pa at kitang kita naman na ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito. Hindi porket na may gusto ka sa akin ay gagawin mo na ang ganyang bagay sa mabilisan na paraan. Mabuti sana kung nanliligaw ka man lang at baka sakaling maintindihan kita kung bakit mo yun ginawa. Pero hindi eh. Gusto mo idaan ako sa mabilisan." Galit pa rin na sagot nito sa akin.

Napahilamos na lang ako sa mukha ko ng wala sa oras dahil nakakaramdam na ako ng inis dito.

Ilang ulit ko ba na kailangan na sabihin dito na wala nga akong gusto sa kanya. Nag magandang loob lang ako. Hayst kainis naman oh. Ako pa ang lumalabas talaga na masama eh.

Ako pa ang lumalabas ngayon na atat na atat at gagawin ang lahat maging akin lang sya. Duh hindi sya si Roselle para gawin ko ang bagay na yun.

(Gays nasa goodnovel na po ito ha. Doon nyo na po ma read ng completed. Kung namamahalan po kau na mag read sa Goodnovel. Pwede nyo ako e pm sa aking fb account Avril Del Carmen. Pag usapan natin ang price)

My Hot Professor is My Fxck BuddyWhere stories live. Discover now