Chapter 15

2.4K 105 6
                                    

Justine

Monday

Maaga akong nagising ngayong araw na ito. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan na ewan. Para akong matatae na hindi. Hayst ano ba ang pakiramdam na ito oh.

Nag luto na ako ng breakfast ko at kumain na rin. Nag linis na rin ako ng kunti at tuluyan ng naligo.

After ko maligo at makapag bihis ay pumasok na ako. Sa school na lang ako mag papalipas ng oras ko. At baka abutan kasi ako ng rush hour pag hindi pa ako pumasok.

Lunes pa naman ngayon. Sabay sabay ng may pasok ang mga estudyante at mga nag hahanap buhay.

Pag dating ko sa school ay agad ko ng park ang aking motor at hindi ko na rin pinag aksayahan pa na tignan kung dumating na rin ba si Roselle.

Para saan pa eh sabi ko nga sa sarili ko. Mag mo move on na ako. Wala ng dahilan pa para kumapit pa ako at paniwalain pa ang aking sarili na baka sakali na maging kami pa rin sa huli.

Agad na akong dumiretso sa locker ko at iniwan doon ang iba ko pang mga dala dalahan.

Hindi ko alam kung bakit parang feeling ko ay pinag ti tinginan ako ng mga estudyante na nakakasalubong ko at pag naka lagpas na ako sa kanila ay nag bubulungan pa ang mga ito. Na para bang ako talaga ang pinag uusapan nila.

Nahihiwagaan na ako sa mga nangyayari na ito. Hanggang sa makarating ako sa locker ko ay ganun pa rin ang scenario. Hindi ko tuloy alam kung ano ang aking gagawin at e kikilos.

Maya lang ay nag pasya na lang ako na dumiretso na sa first subject ko at doon na lang mag hintay sa Prof namin. Kaysa naman magpakalat kalat ako dito na ganito na ako ang pinag uusapan ng mga estudyante dito at hindi ko alam kung bakit.

Paalis na sana ako ng makita ko si Roselle na nakatingin sa akin ng sobrang sama. Pero bigla ko na lang iniwas ang tingin ko sa kanya at hindi na ito pinansin pa.

Hindi ko rin ito maintindihan kung bakit masama ang tingin nito na para bang may ginawa akong masama sa kanya.

Hayst bahala siya dyan. Wala akong pakialam kung anuman ang ikinagagalit nito sa akin. Dapat na iwasan ko na ito para din sa aking sarili.

Tumalikod na ako at hindi man lang ito tinignan ng pangalawang beses. Dumiretso na ako sa room namin. Padating ko sa room ay umupo na ako sa usual seat ko.

Habang nakatanaw ako sa may labas ng bintana ay hindi na yata nakatiis sa akin ang isa kung classmates at lumapit na ito.

"Justine totoo ba yung balita?" Tanong nito bigla sa akin.

Nag tataka naman ako na tinignan ito.  Anong balita ba ang tinutukoy nito? Wala naman akong kaalam alam sa balita na sinasabi niya.

"Yung about sa inyo ng queen bee." Dagdag pa nito habang nakatingin sa akin ng diritso.

Bigla naman nangunot ang noo ko dahil doon. Anong about sa queen bee ba ang tinutukoy nito?

"Hindi mo alam ang issue sa inyo ngayon ng queen bee?" Nag tataka na tanong pa nito sa akin.

Ikaw ha magkakilala pala kayo ni Ms. Antonnette pero hindi mo man lang na kwe kwento sa amin." Nakangiti pa na pangungulit nito.

Anong issue ba kasi ang tinutukoy nito at nung friday lang naman kami nito nagkakilala.

"Here o tignan mo. Kalat na kalat na sa social media ang mga picture nyo na magkasama sa club at hindi lang yan. Kitang kita din ang sweetness nyo na dalawa lalo na ng binuhat mo ito at isinakay sa kanyang kotse. Ang hot nyo kayang tignan. Bagay na bagay kayong dalawa. Hindi ko alam na babae din pala ang gusto mo at ganun din si Ms. Antonnette. Kaya naman pala hanggang ngayon ay mga wala pa rin kayong mga jowa dahil kayo naman pala." Todo ngiti pa na sabi nito.

Habang malawak na naka ngiti sa akin. Ako naman ay hindi malaman kung ano ang e re react ko sa bagay na sinabi nito.

Paano na may kumuha ng picture sa amin ng ganun? At talagang kung ti tignan mo nga naman ay parang may something nga sa aming dalawa.

Ayaw na ayaw ko pa naman na ma involved sa mga ito at ang gusto ko lang naman ay tahimik ang buhay ko dito sa university eh at maka graduate ng walang mga issue na katulad nito. Pero mukhang hindi na yata mangyayari pa ang bagay na yun.

Ano na lang kaya ang magiging reaction ni maldita about sa bagay na ito? Tiyak na magagalit yun ng sobra at baka nga ako pa ang pag buntunan nito ng galit nya. Patay na talaga ako nito.

Bakit naman kasi hindi pa sinama na picture ang mga kaibigan nito. Tuloy lumalabas lang na parang kaming dalawa lang ang magkasama ng gabi na yun. Sino ba naman kasi ang may pakana ng bagay na ito eh. Kainis naman oh.

Akala ko naka wala na ako dito kila maldita pero mas malala pa pala ang nangyari. Hayst kainis talaga.

Hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin ko nito kay Antonnette kapag nag tanong siya sa bagay na ito. Baka Ang mangyari pa nyan ay ako pa ang pag bintangan nito na siyang may pakana nito.

Lalo pa nga at pinipilit pa nito na may gusto ako sa kanya. Dagdag alalahanin ko pa ang bagay na ito eh. Sana naman ay sabihin nito na wala lang yun at hindi totoo ang lahat ng yun. Na kasama namin ng gabing yun ang mga kaibigan nito.

Sana nga ay ganun ang gawin nito dahil hindi ko na alam pa kung mas lalala pa ito.

Hindi ko na sinagot pa ang mga pinag sasabi nito sa akin. Dahil hindi ko din alam kung ano ang e dadahilan ko. Baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon pag nag salita ako kaagad.

Mabuti na lang at dumating na ang aming Prof kaya naman natigil na sa katatanong ang classmates ko at nakinig na rin lang ito sa lecture ni Ma'am.

Ako naman ay wala ang focus ko sa itinuturo nito at lumilipad yun sa mga nabalitaan ko ngayon.

My god kung sino ka man na may pakana nito at sana nakakatulog ka ng mahimbing.

Mabilis lang natapos ang first subject namin. Kaya mabilis din na lumabas na ako. Sa Library na muna ako ta tambay habang nag hihintay sa second subject ko. May vacant naman ako na isang oras eh. Atleast doon wala masyado tao at bawal ang chismisan.





My Hot Professor is My Fxck BuddyWhere stories live. Discover now