Chapter 10

2.4K 107 2
                                    

Justine


Bumabaha ng alak dito sa table nila Antonnette at wala akong ibang ginawa kung hindi ang uminom. Bahala na kung maka uwe pa ako nito ah. O di kaya ay kung saan ako dalhin ng kalasingan kong ito.

Pero sa dami ko ng nainom ay hanggang pagka hilo lang naman ang nararamdaman ko. Kung tutuusin ay kayang kaya ko pang mag drive pauwe. Hayst kailan ba ako ta tablan ng kalasingan na yan.

Si Antonnette nga pala ay nandoon sa dance floor at kanina pa nag papapawis. Ako naman kasi ay walang ka hilig hilig sa bagay na yan. At ngayon ko din lang napatunayan na mababait naman pala ang mga ito.

Sadyang mahahangin lang sila at mga maldita. Kung masi sindak ka nila y talo ko. Yun lang ang napansin ko sa mga ito at hindi din sila yung basta basta na sumasama or nakikipag kilala kung kani kanino lang dyan.

Dahil sa totoo lang ay ang dami ng lumapit sa table nila para lang makipag kilala pero turn down lang nila ang mga yun.

Maya lang ay bumalik na rin ang mga ito dito sa table. Medyo mga tipsy na rin ang mga ito. Kaya nga nakapag tataka na kaya pa nilang sumayaw dyan.

Agad naman akong tumayo sa upuan ko at inalalayan na maka upo itong si Antonnette ng makita ko na medyo mabuway na ang lakad nito.

Hindi pa ba uuwe ang mga ito? Sila lang naman ang inaalala ko eh. Kaya nga hindi ako maka uwe sa apartment ko ay dahil hindi ako pinapayagan ni Antonnette na umalis.

Pasara na ang club ng mag pasya ang mga ito na umuwe na.

Agad naman na tumayo na ako at inalalayan na ang mga ito na lumabas ng club. Mga lasing na talaga sila. At sa tingin ko ay hindi na kaya pa ng mga ito ang mag drive pa.

Maging itong si Antonnette ay bulol na nga kung makipag usap sa akin eh. Panay pa ang yakap kaya nga todo ang ilang ang nararamdaman ko eh.

"Hatid mo ako sa condo ko. Ito ang susi ng kotse ko " pabulol na utos nito sa akin. At tuluyan na itong lumungay ngay sa balikat ko.

Nang tignan ko ang mga kaibigan nito ay mga naka salampak na sa lapag sa labas ng club. Napakamot na lang ako sa ulo ko.

Ano ba naman ang mga babae na ito at ang lalakas ng loob uminom eh hindi naman na pala kaya.

Nag pasya na lang ako na dalhin na lang ang mga ito sa apartment ko. At doon na lang muna sila patulugin. Total hindi ko din naman alam kung saan nakatira ang mga ito. Ang kotse na lang nitong si maldita ang gagamitin ko para sa aming lahat.

Iiwan ko na lang pansamantala ang motor ko dito at babalikan ko na lang bukas.

Nang makuha ko ang susi ng kotse ni maldita ay agad ko ng pinatunog yun upang hanapin kung saan banda naka park.

Nakita ko naman sa may gilid ito banda. Kaya agad na binuhat ko na lang ito at ipinasok na sa may passenger seat banda at inayos na muna siya doon saka ko binalikan pa ang tatlo nitong kaibigan.

Isa isa na ipinasok ko na sila sa kotse at ng ma sure na okay na ay saka ko na ito drive. Mabuti na lang at marunong ako mag drive ng kotse kahit na wala ako nito. Dahil kung hindi ay malamang na mag ta taxi kami at sure ko na ligwak na naman ang savings ko nito.

Nang makarating na kami sa apartment ko ay una ko ulit na binuhat itong si Antonnette na tulog na tulog na.

Grabi pala ang mga ito kung uminom. Patay lasing talaga. Paano na lang kaya kung mga luko luko ang makainuman ng mga ito at kung saan na lang sila dalhin.

Kagaganda na babae ay ganito kung makainom. Wagas. Napapailing na lang na nasabi ko sa aking isipan. Napaka gaan naman nitong si maldita na ito. Kumakain pa ba siya nyan?

Agad ko na inihiga ito sa aking kama at sunod na binalikan ko ang tatlo pa nitong kaibigan na mga tulog mantika na rin.

Nang madala ko na sila lahat sa room ko at ma sure na okay naman na ang mga ito ay kinuha ko na ang aking towel at balak ko na mag shower na muna ng mawala kahit paano ang hilo ko.

After ko makaligo at makapag bihis ay lumabas na ako sa room ko at kumuha na rin ng kumot at unan. Sa may sala na lang ako matutulog. Hindi na kasi ako ka kasya pa kung tatabi pa ako sa mga yun. Pinag kasya ko na nga lang sila doon eh. Mabuti na nga lang at malaki yung kama ko kaya naman kahit paano ay kumasya silang apat doon.

Napapailing na lang ako sa aking sarili ng maisip ko ang nangyari sa akin sa loob ng isang araw na ito.

Pero medyo natuwa din naman ako dahil saglit na nawala sa isip ko sya dahil na rin sa kakulitan ng grupo nila Antonnette.

Siguro nga ay dapat na kalimutan ko na nga siya at ibaling na lang sa iba ang nararamdaman ko na ito. Siguro ay mag focus na muna ako sa aking study pati na rin sa work ko.

Alam ko na mali ang ginagawa namin na dalawa at kahit saan tignan kahit na sabihin pa na mahal ko siya ay maling mali pa rin yun.

Sadyang gumawa na ang dyos ng paraan upang pag hiwalayin na kaming dalawa. Habang wala pang nakakaalam. At habang kaya pang ayusin ang mga mali na ito ay pinag hiwalay na kaming dalawa.

Mag mo move on na lang talaga ang tangi kong magagawa. Sabagay one sided lang naman ito eh. Kasi ako lang naman ang nag mamahal sa kanya. Samantalang ito ay ang kanyang asawa ang mahal nito at pampalipas oras lang naman ako sa kanya.

Malungkot na tinanggap ko na lang sa aking sarili ang kinahinatnan nguna kong pag ibig.

Sana lang kung ti tibok pa itong muli sa iba ay ipinalo naman na sana ako. Dahil isa lang ang masasabi ko. Pag ako ay nag mahal muli ay ibibigay kong lahat ang best ko. Dahil ayaw ko na bigyan ito ng dahilan para iwan pa ako.

Nakatulugan ko na ang pag iisip ng ganun. Sa ngayon ay ang sarili ko na lang muna ang mamahalin ko. Dahil wala naman ibang mag mamahal nito kung hindi ako din lang naman eh. Kaya self love na lang muna ako. Habang nag hi hintay na dumating ang para sa akin talaga.

Bata pa naman ako at hindi ako dapat mag madali pag dating sa pag ibig. Sadyang napabilis lang ang dating nito sa akin. Kaya tuloy minadali din na nawala sa akin.


My Hot Professor is My Fxck BuddyWhere stories live. Discover now