Chapter 8

2.5K 105 6
                                    

Justine


Hindi ko alam kung nasaan na ako. Basta paikot ikot lang ako dito sa Manila. Balak ko nga sana na magpa South banda pero di ko na lang itinuloy. Sobrang lalim na rin kasi ng gabi.

Kahit naman broken hearted ako ay wala naman sa plano ko ang magpakamatay no. Kasalanan sa dyos yun. Hayst pero kasalanan din sa dyos ang ginagawa namin ni Roselle. Kaya nga siguro ay itinama na nito ang mga kasalanan na pinag gagawa namin.

Nang mapagod ay napatingin ako sa may bandang kaliwa ko. Hindi ko alam pero parang sinadya na sa may isang club ko naihinto ang aking motor.

Senyales na ba ito na dapat ay uminom na ako? Hindi naman kasi ako ang klase ng tao na pag may problema ay ang alak ang takbuhan. Oo at nag ta trabaho ako sa club bilang bartender pero madalang pa sa patak ng ulan na nasayaran ng alak ang aking lalamunan.

Bumaba na ako ng motor at tuluyan ng pumasok sa loob nito. Hindi naman na ako sinita ng guard ng club kaya tuloy tuloy lang ako ng pasok sa loob.

Agad na sumalubong sa akin ang mga nag kakasayahan na kabataan na nag papa ligsahan sa pag sayaw sa may gitna.

Tumuloy lang ako sa may counter at nag order na ng alak. Bakit nga ba pumapasok sa ganito diba? Di uminom ng alak para sa mga katulad ko na broken.

Bahala na kung ano pa ang dahilan ng iba. Basta ako gusto ko kahit pansamantala lang ay mawala sa isip ko siya. Bahala na kung ano ang mangyari bukas.

Nakailang shot na ako ng alak at doon ko pa lang naramdaman ang pagka hilo. Mukhang hindi ko dapat sinunod sunod ang pag inom.

Agad na pumunta ako sa cr at nakakaramdam din naman ako ng tawag ng kalikasan. Pag open ko sa pinto ay sya naman pag labas ng kung sino at nagka bungguan na lang kaming dalawa nito.

Mabuti na nga lang at mabilis ang reflexes ko at nasalo ko kaagad ito bago pa lumapat ang kanyang likod sa sahig.

"Okay ka lang ba?" Nag aalala na tanong ko sa babaeng naka bungguan ko.

Hindi ko masyado makita ang mukha nito at natatakpan yun ng kanyang sumabog na buhok. Pero sure ako na maganda sya at infairness ha ang bango din niya. At ang lambot ng katawan. Parang katawan lang ni Roselle na malambot at sexy. Hayst bakit ba naisingit ko na naman sya dito eh.

Kaya nga ako nag papakalasing ngayon ay para makalimutan ito pansamantala tapos ma e compare ko pa naman siya sa ibang babae eh. Hayst kaasar ka talaga Justine. Tama na sa pag iisip sa kanya kahit ngayon lang self. Please

Hindi naman nag salita ang babae bagkos ay inayos nito ang nakatabing na buhok sa kanyang mukha. Kaya naman ngayon ay malinaw ko ng nakikita ang mukha nito.

Hindi ko naman naitago ang pagka gulat ng makilala ko kung sino ito. Ang captain ng cheerleader namin sa school at sya mismo ang nag proclaimed sa kanyang sarili na sya daw ang queen bee ng university. At wala naman nag against pa doon dahil sa totoo lang ay napaka ganda talaga nito at napaka sikat sa school namin.

Kaya nga marami ang ilag dito kasi naman ay napaka maldita din niya. Marami na itong pinahirapan sa school lalo na ang mga kumakalaban sa kanya. Kaya nga wala ng nag ta tangka pa.

Mabilis na inalis ko naman ang mga bisig ko na naka kapit pa rin sa katawan nito. Mahirap na at baka bigla na lang akong samain dito.

Mahirap pa naman pag napag tripan ka ng grupo nito at ang nanaisin mo na lang ay ang magpa transfer sa ibang school dahil hindi ka talaga niya titigilan.

Hindi ko naman maiwasan na hindi mailang dahil hanggang ngayon ay naka titig pa rin ito sa akin at parang nawala na ito sa kanyang sarili. Kaya naman kinalabit ko ito sa kanyang braso. Para naman magising siya.

Don't tell me na natulala sya sa taglay kong kagandahan. Well di ko naman siya masisisi dahil sadyang napaka ganda ko nga rin naman. Lamang lang ito ng mga dalawang paligo siguro.

Mukhang nagising naman ito sa pagka tulala niya at parang nalito ito sa nangyari. Maya lang ay mukhang nag sink in na sa utak nito ang nangyari at naka tanggap na lang ako dito ng mag asawang sampal.

Shit lang ang sakit. Nag tataka naman na tinignan ko ito habang hawak hawak ko ang magkabila kong pisngi.

"Bakit mo naman ako sinampal?" Nag tataka na tanong ko dito.

Bigla naman ako nitong inismiran at sinamaan ng tingin. Sabi ko nga ay dapat hindi na lang ako umimik. Kasi baka mas lalo lang ako samain sa kanya.

"Nag tanong kapa talaga ha!!!? Bakit mo ako binangga ha? Siguro isa ka sa mga may gusto sa akin sa school no at kunyari ay nabunggo mo ako ng di sinasadya para lang maka chansing sa akin no.?" Nag hihinala na tanong nito sa akin.

Bigla naman nanlaki ang mata ko at hindi maka paniwala na tinignan ito. Lasing na ba ang babaeng ito at ganyan na sya mag isip ngayon?

Paano na sa sadyain ko na banggain sya at manyakin. Duh hindi pa naman ako nasisiraan ng bait para gawin ko ang bagay na yun no. Tsaka hindi ko sya type no. Iisa lang naman ang gusto ko eh. Hayst ito na naman ako at isi singit na naman siya. Kainis.

Tsaka malay ko lang na palabas na rin pala siya. Imbis na magpasalamat na lang ito sa akin kasi hindi sya natumba dahil nasalo ko kaagad sya ay ako pa ang pinag bintangan na may hidden agenda dito.

"Hindi ko naman alam na palabas ka eh. Tsaka hindi kita type para gawin ko ang bagay na yun." Lakas loob na sagot ko dito.

Totoo naman ang sinabi ko sa kanya eh. Baka mag isip pa kasi ito ng kung ano ano. Maganda na yung linawin ko sa kanya na wala akong intention na ganun sa kanya. Sya lang itong nag iisip ng ganun.

Mas lalo naman sumama ang tingin nito sa akin at parang may dark aura ng naka balot dito. At any minute ay mag e evolve na ito bilang isang super sayan.

Hindi ko naman maiwasan na mapalunok ng dahil sa nakikita ko na itsura nito ngayon. Nag sabi lang naman ako ng totoo eh. Masama ba yun.





My Hot Professor is My Fxck BuddyWhere stories live. Discover now