Chapter 12

2.3K 109 13
                                    

Justine


Tapos na kaming kumain ngayon at nandito na nga kami sa may sala at nag uusap ang mag kakaibigan.

Hindi naman ako nakikisali sa usapan ng mga ito. Dahil may plano akong iba. Ayaw kong maki sakay pa sa mga ito pa puntang club at hindi ko na ma take ang mga kaartehan sa katawan ng mga ito.

Maya lang ay nagkasundo na sila na ihahatid ni Antonnette ang mga ito sa club upang kunin ang kotse nila.

Napangiti naman ako ng palihim dahil sa wakas ay aalis na rin angmga ito at makapahinga na rin ako sa aking kwarto.

Pero biglang nawala ang kasiyahan ko na yun ng marinig ko ang sinabi ni Antonnette.

"Okay tara na. Ikaw na ulit Justine ang mag drive ng kotse ko at inaantok pa ako." Utos nito sa akin at naka taas pa ang kilay nito habang nakatingin sa akin.

Sabi ko nga dapat hindi nag celebrate ng maaaga at ma pornada talaga eh. Hayst kahit din naman ako ah masakit din ang ulo ko.

Hayst kainis naman oh. Sobrang perwesyo na talaga ang ginagawa ng mga ito sa akin.

Pero alam kong wala akong magagawa kundi ang sundin na lang ang mga pinag uutos nito. Para matapos na rin lang. Sabagay ay need ko rin pumunta doon upang makuha ko ang motor ko eh di tama din lang na isabay na nila ako.

Tumayo naman na ang mga ito at lumabas na ng apartment ko. Kaya napilitan na sumunod na lang ako sa mga ito. Pero kumuha muna ako ng hoodie ko at tyak na mainit na nito mamaya kapag nag drive na ako ng motor ko.

Sayang ang balat ko kung mabibilad lang ito sa araw. Hahaha

Nang makakuha na ako ng hoodie ay lumabas na rin ako sa apartment ko. Ni lock ko naman muna yun.

Nakita ko naman na mga naka taas kilay na ang mga ito sa akin habangnakatingin. Mukhang napag hintay ko ng wala sa oras ang mga ito ah.

Hindi ko naman na sila pinansin pa at tuluyan ng pumasok sa loob ng kotse. Pero hindi pa rin pumapasok sa loob si Antonnette kaya naman lumabas muli ako ng kotse at nag tataka na tinignan ito.

Napalunok naman ako ng wala sa oras ng mapansin ko na madilim ang awra nito at masamang nakatingin sa akin na para bang may hindi ito nagustuhan na ginawa ko.

"Bakit di kapa sumasakay ng kotse? May problema ba?" Mahinahon na tanong ko dito.

Mas lalo lang tumalim ang tingin naman niya. At padabog na sinagot ako nito.

"Hindi mo man lang ba ako ipag bubukas ng pinto? Napaka ano mo naman. Ganyan ka ba sa mga crush mo? Paano kita sa sagutin nyan kung ganyan ang treat mo sa akin!?" Galit na sigaw nito sa akin.

Napahilamos naman ako ng wala sa oras dahil sa mga pinag sasabi nito sa akin.

May hangover pa rin ba ang maldita na ito at ganyan ang mga pinag sasabi nito. Lasing pa rin ba siya hanggang ngayon? Para kasing tanga kung makapag sabi ng ganyan eh. Sinabi ko na nga sa kanya na hindi ko sya type at wala akong gusto sa kanya. Pero bakit pilit na sinasabi nito na may gusto ako.

Napipilitan na pumunta ako sa may side nya at ipinag bukas na langito ng pinto. Para matapos na lang ang lahat. Kahit na gustong gusto ko ng sumimangot ng bonggang bongga ay hindi ko na lang ginawa at ang gusto na lang nitong mangyari  ang ginawa ko.

"Maipit ka sana." Sa loob loob ko habang inaalalayan itong maka sakay sa kotse niya.

Nang sa wakas ay naka pasok na ito ay bigla na lang akong napahinga ng malalim upang mawala ang inis na nararamdaman ko.

Kunting tiis pa self at mamaya ay mag hihiwalay hiwalay na rin naman kami ng mga ito. Sana lang ay bigyan pa ako ni god ng mahaba habang pasensya sa mga ito.

Agad na akong umikot sa may driver seat at nag simula na rin mag drive.

Nakikinig lang naman ako sa maingay na usapan ng mga ito na puro mga kaartehan lang naman sa katawan ang pinag uusapan at kung paano nila ga gastusin ang mga pera nila. Sana all na lang di problemado sa pera. Ako kasi need ko ng mag mega tipid dahil wala naman akong ibang inaasahan sa buhay kung hindi ang sarili ko din lamang.

Kaya dapat mag tipid ng todo ng mapag aral ko ang sarili ko at ng may makain ako sa araw araw. Need ko kumayod ng todo upang matupad ko ang lahat ng pangarap ko sa buhay.

Hayst bigla na naman ako nalungkot ng maisip ko na mag isa na nga lang ako sa buhay tapos ganito pa broken.

Dahil sa pag se self pity ko ay hindi ko namalayan na nadito na pala kami. Mabilis na bumaba naman na ang mga kasama ni maldita sa kotse. Samantalang ako ay pababa na rin sana pero bigla na lang ako pinigilan ni maldita.

"Hatid mo ako sa condo ko Justine." Parang wala lang an utos nito sa akin at sinabi na kung saan ito banda nakatira.

Nakatingin lang naman ako dito ng hindi makapaniwala. Don't tell me na hindi pa niya ako pakakawalan? Dahil punong puno na talaga ako sa totoo lang. At isa pa ang layo kaya dito ng condo nya.

Pagod na rin naman ako at gusto ko ng magpahinga pa pero dahil sa maldita na ito ay hindi ako makapag pahinga at wala akong karapatan na tumanggi.

Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko dahil sa inis ko dito. Pwede naman na sya na lang mag drive ng kotse niya pauwe eh. Hindi man lang ba siya maka ramdam ng hiya sa akin nyan at grabi na ang perwesyo na ginagawa nila sa akin.

Ako na ang nag magandang loob sa kanila. Pero ni thank you ay wala man lang akong narinig sa kanila. Tapos ngayon ay mag uutos na naman siya.

Napipilitan na sinunod ko na lang ang gusto nito. Wala naman akong magagawa eh. Sabi ko nga ay mahirap na hindi sundin ang gusto nito. Pag bigyan ko na lang ng matapos na ito ah.

Pero hindi na rin kaya pang itago ng mukha ko ang pagkainis kaya naman naka simangot na ako habang nag da drive.

Maya lang ay napansin yata ni maldita ang mood ko. "Mukhang masama yata ang loob mo na ihatid ako ah ?" Masungit na tanong nito sa akin.

Mabilis naman na pina sigla ko ang aking mukha saka ito saglit na tinignan. "Hindi po ah Ms. Antonnette gustong gusto ko nga na maihatid ka ng hindi kana mapagod pa eh." Mahinahon na sagot ko dito. Pero deep inside ay gustong gusto ko ng sabihin dito ang inis ko sa kanya.





My Hot Professor is My Fxck BuddyWhere stories live. Discover now