Chapter 13

2.4K 103 17
                                    

Justine



Nandito na kami sa building kung saan sya nakatira. Bababa na sana ako sa kotse nito at total naihatid ko naman na siya dito ay nag salita na naman ito.

"Talagang hanggang dito mo lang ako balak ihatid? Hindi mo man lang ba ako ihahatid hanggang sa unit ko? Paano na lang kung may masamang mangyari sa akin dyan kasalanan mo talaga ito Justine. Paano kita magugustuhan kung ganyan ka? Hindi pa nga kita sinasagot pero ganyan na kaagad ang treat mo sa akin." Inis na sabi pa nito habang ang haba na ng nguso nito na para bang nag ta tampo na ewan.

Napakamot na ako ng wala sa oras sa aking ulo.

Bakit need ko pa sya ihatid eh. Sure naman na ligtas sya dito. Ang dami kayang guards na nandito at sure naman ako na hindi sila basta basta nag papasok sa building na ito ng hindi tenant ang mga ito dito.

At saka bakit ba paulit ulit ito na may gusto ako sa kanya? Eh inis na inis na nga ako sa mga pinag gagawa niya. Wala nga kasi akong gusto dito eh. Ang kulit naman talaga oh.

Kung hindi nga lang ito maldita sa school at walang gusto na kalabanin ito ay baka hinayaan ko na ito doon pa lang sa club. Pero dahil nga ayaw ko ng gulo kaya sinusunod ko na lang siya pero hindi naman ibig sabihin nun na may gusto na ako sa kanya. Mukhang na misinterpret pa yata nito ang pag sunod sunod ko sa kanya eh.

Pag bigyan ko na nga lang ulit ang gusto ng maldita na ito ng matapos na. Total nandito na rin lang naman ako eh. Ano pa nga ba ang ipag e inarte ko.

"Akala ko kasi hanggang dito lang ang gusto mo na ihatid kita eh. Baka kasi gusto mo ng privacy na hindi ipaalam kung anong room number mo dito." Sagot ko na lang dito.

Mabuting sakyan ko na lang ang trip ng isang ito at ng maka alis na rin ako dito. Pagod na rin talaga ako sa totoo lang.

Nakita ko naman ang pag ngiti nito sa sagot ko kaya naman naka hinga ako ng dahil doon. Mabuti na lang buminta sa kanya ang pag dadahilan ko.

"Huwag ka ng mahiya na mag ask pa sa akin ng mga personal na bagay Justine. Pasalamat ka na lang na ikaw pa lang ang kauna unahan na pinayagan ko na ihatid ako hanggang sa unit ko. Natuwa lang kasi ako sayo dahil sa ginawa mo sa amin ng mga friend ko kagabi kaya naman hinayaan ko lang na mag invade ka sa personal na buhay ko." Naka ngiti pa na sagot nito sa akin.

Gusto ko sanang sabihin dito na no choice lang naman ako kaya ko ginawa yun at isa pa ay isa akong mabuting nilalang pero di ko na lang voice out at baka mawala pa ang good mood nito.

Bumaba na ako sa kotse nito at umikot sa side nya banda na at ipinag bukas ito ng pinto. Mabuting ganito na lang ang gawin ko kaysa may mapansin na naman ito sa akin at samain na ako ng tuluyan dito.

Naka ngiti naman na bumaba na ito at nag patiuna na siyang mag lakad hanggang sa elevator. Naka sunod lang naman ako sa kanya.

Kaya tuloy kitang kita ko kung gaano din ka sexy ang behind nito. Isa pa naman ito sa mga weakness ko sa isang babae pati na rin ang mga yummy legs nito na kitang kita ko sa skirt nitong suot.

Naipilig ko na lang ang aking ulo dahil sa nag ma manyak mode na naman ako. Hayst ano ba naman Justine. Nakakita ka lang ng maputing legs ay nag iiba na naman ang takbo ng utak mo. Kaya tuloy minsan nasasabihan ka ng manyak eh.

Pero hindi ako naka imik ng bigla na lang nag salita itong si maldita. "tigilan mo yang pag ma manyak sa likuran ko ha. Alam ko na sobrang sexy ko at hindi mo maiiwasan yun. Sabagay di kita masisisi kung manyakin mo ako ng ganyan." Naiiling na sabi nito.

Gusto ko sana ipagtanggol ang sarili ko pero wala akong mahagilap na salita. Bigla akong napipi at hindi nag function agad ang utak ko.

Maya lang ay lumingon ito sa akin ng naka ngisi at naiiling pa. Hayst wala palang gusto pero kung gumala ang paningin sa kabuan nito ay wagas.

Nakaka appreciate lang naman ako ng magaganda sa paningin ko ah. Masama ba yun?

Ah basta wala akong gusto sa kanya. Maldita sya at masama ang ugali. Tama ng na involved ako sa isang matandang hot na may asawa na at masama din ang ugali. Hindi ko na nanaisin pa ulit ma involved sa may kapareho ng ugali nito. Mahirap mag handle ng mga ganitong tao. Nakaka stress pero masarap. Hayst namamanyak na naman ang futa.

Maya lang ay naka rating na kami sa unit nito. Medyo malawak na ngayon ang ngiti ko dahil sa wakas makakawala na rin ako dito.

Pero bigla na naman nag laho ang malawak kong ngiti ng papasukin pa ako nito sa unit niya.

Alanganin na ang ngiti ko ngayon. Dahil gusto ko na rin talaga na mag pahinga na at pagod na talaga ako.

"Pasok ka muna Justine at mag pahinga muna bago ka umalis." Sabi nito sa akin. Pero mas lamang doon ang pag uutos sa tono ng boses nito.

Kaya walang nagawa kundi ang pumasok na lang ako sa condo niya. Ang akala ko na kalat ang mga gamit nito na makikita ko ay malinis at nasa proper na lalagyan ang mga gamit nito. Halata mo na masinop ang naka tira doon.

Hindi ko naman maiwasan na hindi humanga dahil sa aking nasaksihan. Ang akala ko ay puro lang ito kaartehan at pag papaganda sa katawan ang alam. Mali ako sa hinala kong iyon ah.

Maya lang ay pinaupo muna ako nito sa may couch nito sa sala nya at dumiretso ito sa may kusina siguro yun.

Pag balik nito ay may dala na itong meryenda. "Mag meryenda ka muna dyan at mag papalit lang ako ng bihisan ko. Medyo nangangati na rin kasi ako eh. " Mabait na turan nito bago tuluyan ng umalis sa harapan ko at pumunta na sa room niya.

Medyo na relax naman ako ng maka alis na ito. Hindi din kasi ako comfortable na nandyan lang sya sa tabi ko at naka tingin sa akin. Feeling ko kasi ay binabantayan nito lahat ng kilos ko.

Halos kalahating oras na akong nandito nakaupo at naubos ko na rin ang meryenda na hinanda nito ay hanggang ngayon ay hindi pa rin siya lumalabas sa kanyang kwarto.

Mukhang natulog ma yata angisang iyon ah at nakalimutan na na nandito ako sa labas.

Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko kung aalis na ba ako o kakatukin ito sa room niya para magpa alam na aalis na ako.

Pero nag dadalawang isip naman ako kung gagawin ko yun ay baka naman mainis ito sa akin kapag nagising ko siya sa kanyang pagkakatulog. Baka samain ako dito.

Patayo na sana ako at aalis na lang. Mag iiwan na lang sana ako ng note sa kanya pero bigla na lang itong lumabas sa kwarto niya.

Naka ligo na ito halata mo sa basa nitong buhok. Ngayon ko lang nakita ito na walang ka make up make up at kahit ano mang kolorete sa kanyang mukha.

Mas maganda ito at ang fresh niyang tignan kapag ganyan na wala siyang inaplay sa kanyang mukha.

"Oh yang laway mo tumutulo na. Ako lang ito Justine ang babaeng gustong gusto mo." Natatawa na sabi pa nito sa akin.

Hindi ko naman maiwasan na biglang mamula dahil doon. Hayst bakit ba nag pahuli ako na tinititigan ko siya? Tuloy inasar na naman ako ng maldita na ito. Pero ang sarap din pala sa pandinig kapag ganyan na tumatawa ito.

Mas lalo lang tuloy siyang gumaganda kapag naka ngiti ito. Pero hindi ko sya gusto ha. Nakaka appreciate lang ako ng magaganda









My Hot Professor is My Fxck BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon