Chapter 11

2.3K 104 5
                                    

Justine


Nagising ako kinabukasan dahil may narinig ako na tumili sa aking kwarto. Mukhang nagising na yata ang mga maldita.

Mabilis na bumangon naman ako at nag mamadali na pinuntahan ko ang mga ito.

Pag bukas ko ng pinto ay bigla na lang may tumama na matigas na bagay sa ulo ko. Halos mahilo hilo naman ako na tinignan ang mga ito.

Binato pala ako ng libro na nandito sa room ko. Akala yata ng mga ito ay masama akong tao kaya siguro nagawa ang bagay na yun.

Masama na nakatingin ngayon sa akin ang apat at mga naka pa maywang pa na akala mo kung mga sino eh. Sarap pagsasapakin ng maka ganti naman.

Ang attitude gurl ha. Pasalamat nga ang mga ito sa akin at may concern pa ako sa kanila at hindi sila iniwan na lang sa club.

Dahil kung iniwan ko ang mga ito. Ewan ko lang kung ano na ang nangyari pa sa kanila.

"Anong ginagawa namin dito ha Justine? May ginawa ka ba sa aming masama?" Nang hihinala na tanong sa akin ni Antonnette. Habang nakatingin sa akin ng masama.

Hindi ko naman maiwasan na hindi mapa ismid dahil doon. Duh ginawan ko na nga ng mabuti pag isipan pa talaga ako ng masama?

"Inikutan mo ba ako ng mata ha Justine? Baka gusto mo tusukin ko yang mata mo ha!!!" Galit na sita nito

Bigla tuloy nakaramdam ako ng takot dahil doon. Baka mamaya tutuhanin pa nito ang kanyang sinabi. Patay ako nito.

"Hindi naman Ms. Antonnette, sumakit lang ang mata ko kaya napatingin ako sa taas." Dahilan ko na lang dito.

"Ayos ayusin mo ang pag sagot sagot sa akin ha Justine kung ayaw mo malintikan sa akin. Ano nga? Bakit kami nandito?" Balik tanong ulit nito sa akin.

"Eh paano po kasi lasing na lasing na kayo kagabi kaya nag decide na lang ako na dalhin ko na lang kayo dito sa apartment ko. Ayaw ko naman na iwan kayo na lang basta doon sa club mamaya kung ano pa ang mangyari sa inyo. Tsaka hindi ko din kasi alam kung saan ang nga bahay ninyo kaya no choice na ako kung hindi dito na lang kayo dalhin. Yung kotse mo nga pala ang ginamit ko na pinag sakyan sa inyong apat." Sagot ko naman dito.

Sana naman ay mag pasalamat na lang sila sa akin. Dahil sa ginawa kong pag mamagandang loob.

"Hmmm wala kang hidden agenda sa ginawa mong yun?" Nag hihinala pa rin na tanong nito.

"Baka naman ginawa mo lang yun para magpa empress sa akin ha?" Dagdag pa nito.

Napaka ano talaga nito. Sinabi na nga na wala akong gusto sa kanya eh. Bakit ba pinipilit nito sa akin ang bagay na yun. Mukhang may hang over pa yata ang mga ito at kung ano ano na naman ang pinag iisip.

Hindi naman na ako umimik pa at baka kung ano na naman ang sabihin nito at mainis lang ako ay mapatulan ko na ang mga ito.

"Yung kotse nyo nga pala nandoon sa may club. Ibinilin ko na lang sa guard nung umalis na tayo kasama na yung motor ko. Gusto nyo na muna bang kumain bago umalis?" Tanong ko na lang sa kanila.

"Bakit kaba nag mamadali na paalisin kami ha? Eh gusto pa nga namin na tumambay dito eh." Maldita pa na sagot nito.

"Mag luto kana at kakain kami maya maya lang." Utos pa nito sa akin at pinag sarhan na ako ng pinto ko.

Halos di naman ako makapaniwala dahil sa ginawa nito. Napakamot na lang ako ng may pang gigigil sa aking ulo.

Hayst masakit na nga ang aking ulo. Dumagdag pa ang mga maldita na ito. Bakit ba hindi na lang sila umuwe ng makapag pahinga naman akon ng maayos.

My Hot Professor is My Fxck BuddyWhere stories live. Discover now