Chapter 94: "The Impending Disaster"

57 11 1
                                    

Chapter 94: "The Impending Disaster"

Third person's point of view

SA KABILA ng kaguluhang nagaganap sa labas ng templo, sa pinakatuktok na palapag ay nakaupo sa isang trono si Chrolov. Nasa likuran pa rin nito ang malaking metal cage at tila'y wala itong pakialam na umiinom lang ng wine mag-isa.

Bukod sa walong knight guards na nakabantay sa pinto, may isa pang aninong nakatayo sa tabi nya. 'Yon ay walang iba kundi si Lucius. Nayayanig na ang lupa't naririnig nila kahit na anong ingay mula man sa loob o labas ng templong pinagtataguan nila.

"Hindi ba tayo kikilos para pigilan sila?" tanong ni Lucius sa pinunong nakaupo.

Tinungga ni Chrolov ang basong puno ng wine at nilapag ito sa katabing maliit na table. Sinalinan itong muli ni Lucius saka iniabot sa kamay ng pinunong muli na namang uminom mula roon.

"Tatlong minuto." maikling saad nito na ikinapagtaka ni Lucius. Subalit nanatili syang tahimik at hinintay na muli itong magsalita. Kasabay tumayo naman si Chrolov at humarap sa metal cage. "Tatlong minuto na lang ang hihintayin ko bago matapos ang proseso. Kaya 'wag kang masyadong kabahan, babaliktarin natin ang sitwasyon sa isang iglap lang."

Nabuong muli ang kompyansa sa dibdib ni Lucius nang marinig nya 'yon. "Pero. Napansin ko yatang hindi ko na maramdaman ang awra ni Master Liyuen?" muling bumalik ang pagkabahala sa kanya nang maisip ang bagay na 'yon.

Napabuntong-hininga si Chrolov at bumalik sa kanyang pagkakaupo. "He's dead already. Kaya hindi mo na sya dapat alalahanin pa."

'Patay na sya?!' isip ni Lucius na halatang nabigla sa kanyang narinig.

"Ngayon masasabi ko na talagang may kaunting pag-asang tayo ang matalo sa digmaang ito dahil sa taong 'yon." Saad ni Chrolov. "Hindi ko kailanman inisip na isang Continental Founder pa talaga ang nagawa nilang pabagsakin ng gano'n-gano'n lang."

"Gusto nyo po bang tawagin ko si Master Herkan?"

"Walang saysay kung tatawagin mo sya para lumaban." agad na sagot ni Chrolov. "Kahit makita mo man sya sa pinagtataguan nya, hindi sya kikilos kapag hindi nya gusto. Gano'ng klase ng tao si Herkan."

Natahimik si Lucius at hindi malaman kung ano ang kanyang gagawin sa sitwasyong ito.

"Gagawa ako ng perpektong mundo ngunit hindi ko naman talaga kailangan ng dalawa pang hari para pamunuan ito. The sky doesn't need two suns. Or to be more accurate, it didn't need three of them out there to shine."

Another explosion from outside was heard. Loud cries of giant beasts echoed through the wind. Loud thuds shook the ground and even thunder roars repeatedly above outside. How long will this battle end. That's what Lucius is getting in his head since then.

"I know you're listening, Herkan. Come on out and speak to me directly."

Nagulat si Lucius sa biglaang hindi inaasahang sinabi ni Chrolov. Napapalingon ito sa paligid ng bulwagan at hindi nga nagtagal, isang mahinang tunog na parang pinadyak na sapatos sa metal ang narinig. Napalingon si Lucius sa kanyang likuran at nagulat sa kanyang nakita.

Mukhang kanina pa pala nakaupo si Herkan sa ibabaw ng higanteng metal cage at tila ngayon lamang nya ito napansin at naramdaman sa bahaging 'yon. Muntik na syang maubusan ng HP dahil sa gulat. Hindi sya maka-react ng maayos matapos nya 'yong mapagtanto.

Masyadong madilim ang parteng 'yon kaya't ang nakakapangilabot na pigura't titig lamang ni Herkan ang talagang mas nagbigay kilabot sa buong katauhan ni Lucius kahit man may telang nakatakip sa mga mata nito. Maliban kay Chrolov, wala itong kaemo-emosyong muling kalmadong uminom sa bote ng wine sa kamay nya. Sa kanilang tatlo, pati sa walong knight guards sa loob ng madilim na bulwagang ito. Si Herkan at Chrolov lang talaga ang hindi naaapektuhan sa tensyong kumakalat sa silid na ito.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now