Chapter 85: "Preparations"

64 10 1
                                    

Chapter 85: "Preparations"

Teiro's point of view

"KUMUSTA. MAY nakita ba kayo?"

Pambungad na tanong sa 'min ni Harmony nang makabalik kami sa inn. Nagkatinginan muna kami ni Leonidas tsaka ako muling lumingon kay Harmony at malungkot na umiling.

Maski sya'y nadismaya rin sa kanyang nalaman. Napakamot naman si Leonidas sa batok. "Hindi na naman kasi kailangan pang bumili tayo no'n. Tsaka wala akong natitipuhang ibang gauntlet sa lugar na 'to bukod do'n sa nasira."

Anim na oras na ang nakalilipas mula no'ng gawin namin  ang isa sa pinakamahirap naming quest sa larong ito na kung nagkamali man kami kahit saglit lang, malamang isa na kami sa pinaglalamayan ngayon. But we remained alive despite all that kaya't malaki ang utang namin sa lakas ng isa't-isa. Without our teamwork, that quest might have ended different.

Though we survived from that unexpected crisis, kapalit naman no'n ay ang dalawa sa pinakamalalakas na pills na pinaghirapang gawin ni Harmony at ang tuluyan ding pagkawasak ng gauntlet ni Leonidas para lang iligtas kami sa higanteng halimaw.

We are already in possession of the Epic Summoning stone at ang kailangan na lang ay i-activate namin ito at makakarating na kami sa bayan na mas malapit sa first gate ng Dark Temple.

Pero dahil sa nabalitaan naming patuloy na agresibong pagru-ronda ng mga knights sa paligid, hindi namin kayang gawin agad ang summoning kung bawat village entrance o kahit ang forest roads pati known at unknown shortcuts ay hinaharangan ng mga knights, malamang magiging limitado talaga ang galaw namin.

Kahit ang mga summoning spots o temple na pwedeng magdala sa amin kung sakaling gamitin man namin ang summoning stone ngayon, malamang makikita at makikita pa rin nila kami.

"We have our disguises, right? Bakit naman tayo mababahalang makasalubong ng knights?" tanong ko.

"Hindi lang anyo ang nahahanap ng mga dog trackers nila. Maski amoy at awra naa-identify sa isang iglap lang." Leonidas replied before pointing at me with his annoying glare. "Malala ba ang pagkakabagok ng ulo mo at nakalimutan mo ang napakahalagang bagay na 'yon?"

"I know, kahit may kaunting sandali pa man tayo para iligtas si Orikia, hindi pa rin naman natin pwedeng kunin sya kapag hindi pa natapos ang destructive phase kung saan ang pinaka-delikadong parte ng transformation nya." dagdag pa nya. "The most important thing is, kailangan natin ng mas accurate na plano at kilos para hindi tayo puro sugal kapag nasa mismong field na tayo."

"So, kung gano'n. May plano ka bang naiisip para rito?" tanong ko naman habang nakasandal sa pader. Habang si Leonidas naman ay nasa upuan katabi ng pintong nakasara't nasa labas naman si Nerfius nagbabantay.

"Harmony will answer regarding that matter."

Sa sinabi nya biglang nalipat ang tingin ko sa babae naming kasamang kanina pa tahimik sa upuan habang may ginagawa sa mesa. She's creating something at hindi na ako nagtanong dahil akala ko ordinary potions lang o di kaya'y blue flame pills.

Hanggang sa napansin kong napangiti sya't nilingon si Leonidas. "Tapos na."

My eyebrows knitted. Anong ibig nyang sabihing tapos na? Nang mapansin ko rin si Leonidas, tumayo ito sa kanyang pagkakaupo't kinuha ang dark green potion sa kamay ni Harmony. He inspected the color of the potion. "Good. Looks like the original."

"Pero kumpara sa original, mas maikli lang ang effect nyan bago tuluyang maglaho. Dapat tama ang sangkap at ang amount ng bawat steps na sinusunod. Kahit kunting segundo lang na delay o di kaya'y mauuna ng kaunti, malamang malaking bagay na 'yon para hindi maging perpekto ang potion." paliwanag ni Harmony.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now