Chapter 84: "Battle at the Tunnel's End 2"

70 11 2
                                    

Chapter 84: "Battle at the Tunnel's End 2"

Teiro's point of view

PARA AKONG sinipa ng higante sa lakas ng pagkakatama ko sa pader. Naubo ako't muntikan pang mapugot ang leeg ng tuluyan sa sunod pang buntot na bumulusok kung hindi ko agad naigulong paalis ang sarili mula roon.

May kirot sa aking tagiliran pero hindi ko na iyon ininda pa't hinintay na sumugod muli ang halimaw. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, mula sa isa ko pang gilid sa kanan, anim na sunod-sunod na buntot din ang bumulusok.

I deflected and avoided every single one of them with fast reflexes bago naghugot ng dalawang kutsilyo sa baywang at ibinato sa halimaw ang mga 'yon. But with his sharp nails, those knives looks like mosquitos na pinitik lang papalayo sa kanya bago sumugod papalapit sa 'kin.

I only took a glimpse and he's already infront of me na ipinabulusok ang kanang kamay tungo sa mukha ko ngunit na-deflect ko rin ito ng espada pataas.

Sinubukang hiwain sya sa leeg, subalit kunting gasgas lang ang nagawa no'n at muli nyang ipinabulusok pababa sa bunbunan ko ang dalawang buntot nya. Which I dodged faster than his tails at lumitaw sa likod nya't sabay iwinasiwas ang dalawang espadang balot ng enerhiya sa batok nito. He's tall so I'm currently floating behind him para lang mapantayan ang bahagi ng batok nya.

Ngunit naiharang naman agad ang isa sa buntot nya't 'yon lamang ang naputol bago nito muling pumihit at nasakal ako ng kaliwang kamay nya. Before it strucked me by his other hand, lumitaw naman si Harmony na nakalutang din sa pagitan ko at nang halimaw na ito na lubhang ikinagulat ko.

"I'm supposed to be reserving this pill for the big fight but I guess I got no other choice." I heard her muttering before covering her entire body in blue flames.

Inilapat ang dalawang palad diretso sa mukha ng halimaw bago inilabas ang napakalakas na flame bursts na mas precise at condensed pa kumpara sa mga dating flame bursts attacks na ipinakita nya sa amin.

Nasira ang pader na diretsong natamaan no'n at gumuho pa ang ilang parte ng kisame sa shockwave na naganap bago tumalsik ang wala nang ulong halimaw sa bitak-bitak na pader ilang metro sa aming harapan.

Hingal na nakalapag si Harmony kasabay ko. In just a matter of seconds, napaubo sya't tuluyang nawala ang asul na apoy na kailan lang ay bumalot sa kanya't nagbigay ng kakaibang kapangyarihan.

I've heard of her giving all her free times para gumawa ng kahit anong bagay na pupwede naming magamit sa paglalakbay na ito. At isa na nga siguro ang blue flame pill na kinain nya kanina. For a beginner, nakakamangha ang galing nya sa kahit na anong bagay na makakatulong sa fighting style nya.

Ibang-iba talaga makipaglaban ang matatalinong tao.

We got no time to relax dahil matapos naming matanggap ang mga drop coins and items lumingon agad ako sa likod ko't diniflect ang tatlong sunod-sunod na tail thrusts mula na naman sa isa pang halimaw.

Harmony took another pill and in a split second blue flame covered her entire body once again. How many pills did she made actually?

Saktong may lumitaw sa gilid nyang isa sa halimaw na 'yon at ipinabulusok ang anim na buntot diretso sa batok nya. So using my coated swords I intercepted those attacks cutting them in hundred pieces for a single second bago pa man tumama kay Harmony ang mga ito. Lastly, I tried attacking his neck with a two-sword slash but he withdraws himself ten meters away infront.

And as soon as its tails started regenerating nawala si Harmony sa likod ko't sa isang iglap nakalutang na syang nakaharap sa halimaw na 'yon na gulat na gulat sa nangyari. To its surprise, hindi na nito nagawang harangan ang atake ni Harmony nang ilapat nya ang dalawang palad sa mukha ng halimaw. Then another blue flame bursts away dissolving the monster's head along with a powerful shockwave that ruined another part of the wide room's wall.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now