Chapter 78: "Smoke Infiltration"

54 10 0
                                    

Chapter 78: "Smoke Infiltration"

Third person's point of view

SOUTH CONTINENT. Greneed Town.

Everybody was in total chaos and haste. Some of them are not in the mood to buy themselves anything by the side of the streets since they heard about the terrifying revolution the RedLily Faction and some of the strongest names with them announced over a week later.

They couldn't even saw themselves in a safe place no matter where they want to go or planning on hiding from the knights roaming around all the towns.

They kept on killing all opposers from the order given to the knights, and that is to obey the Revolutionary Army, with the three former Continental Founders of the entire world.

"Ano bang ginagawa nyo?!"

"Hindi kami kailanman magpapa-alipin sa inyo!"

"Hindi kami susuot ng pulang kapa na 'yan kahit ano pang gawin nyo!"

Explosions there, shouts here, fear scatters all around the area. Even at the forest, some managed to ran away from the cruel knights and the smoking town but still ended up eaten by the beasts rampaging around the woods.

There's nowhere to run for weak players trying to reject the new dream world. They didn't expect things will end up more fierce than only being trapped inside the game.

Sa Central Square, maraming players ang nakagapos pati ang kanilang mga companions habang pilit silang ipinapapasok sa mga malalaking special metal cages na nagsisilbing magic repellant kaya't hindi kailanman makakalaban ang sinumang makukulong dito.

Sa isang watch tower, nakatayo ang isang knight general na walang ka-emo-emosyong nakatitig sa ibaba kung saan nagkakagulo ang lahat ng tao.

May isang knight soldier na lumitaw sa kanyang gilid. "Sigurado ba kayong magiging maganda ang sundin na lang natin ang Continental Founders?"

"Tapos ka na ba sa pinapagawa ko sa 'yo?" tanong pabalik ng heneral dito.

"Hindi ako pupunta rito kung hindi."

"Kung gano'n lumakad na tayo."

"Saan natin dadalhin ang mga preso?"

"Sa Continental Island."

******

Teiro's point of view

Nagmamadaling pumasok si Indominus sa silid ko't agad naman akong napalingon sa kanya. Sadyang nakakabahala ang klase ng titig nya kaya't masasabi kong hindi maganda ang balitang maaaring sabihin nya sa 'kin.

"Masama 'to. Mukhang patay na ang huling kaluluwa ni Orikia."

Tumayo ako't nilagpasan sya. Naglakad sa hallway at umakyat sa upperdeck kung saan natagpuan ko si Leonidas na nakatayo't nakaharap sa malawak na karagatan. Huminto ako sa kanyang gilid kasama si Nerfius. "Aabot ba tayo 'ron nang mas mabilis?" tanong ko.

"Natanggap mo na ba ang bagong balita?"

"Kakasabi lang sa 'kin ni Indominus."

"Magmadali man tayo, hindi ito tulad ng nauna nating paglalakbay sa dagat na kasama ang isang Sea King. Mas mabilis tayo no'n kumpara ngayon." paliwanag ni Leonidas sabay nilingon ako. "Sa sandaling makarating tayo sa West Continent, sigurado ka ba talagang may magagawa ka laban sa kanilang lahat?"

"Parang hindi yata ikaw 'yan. Sa klase ng pagsasalita mo, pakiramdam ko ibang Leonidas ang kausap ko."

"Hindi mo yata naintindihan ang tanong ko." buntong-hiningang sagot ni Leonidas. "Hindi ko naman sinabing tayo. Ikaw lang ang tinatanong ko."

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Där berättelser lever. Upptäck nu